LOA S3 Part 91: Dasal ni Isayas

1.1K 104 18
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

Feb 7, 2020

Dumipa ito sa ere..

Nag liwanag ang kanyang katawan at nag dasal sa itaas.. "ama ang lahat ng ito ay inaalay ko sa iyo." ang wika niya at dito unti unting lumabas ang malaking tarangkahan sa kalangitan, halos nasakop na nito ang buong himpapawid.

Bumukas ang malalaking butas at mula dito ay lumabas ang malalaking kometa na mula kalawakan..

Batid naming mawawakasan na niya ang mundo sa isang iglap.

Part 91: Dasal ni Isayas

NARDING POV

"Ama, inaalay ko sa iyo ang mga makasalanang nilalang na pilit lumalabag sa iyong kalooban. Ngayon ay haharap sila sa iyo at ikaw na ang bahalang humukom sa kanilang mga kasalanan." ang wika ni Isayas habang nag liliwanag ang kanyang buong katawan.

Nakaka kilabot na pangyayari ito, mamula ang kalangitan at ang malalaking kometa ay naka sungaw na sa bawat butas ng portal. "Madalas sabihin sa atin sa mga banal na kasulatan na darating ang araw na tatayo tayo sa harapan ng Diyos at hahatulan. Kailangan nating maunawaan kung paano nagaganap ang paghatol upang mas makapaghanda tayo para sa mahalagang pangyayaring ito. Itinuturo ng mga banal na kasulatan na lahat tayo ay hahatulan ayon sa ating mga gawa: "At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng Diyos at bubuksan ng Ama ang aklat na kanyang hawak at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa" ang dagdag pa niya.

Ang lahat ay naka tingala ngayon sa kalangitan, sinasaksihan ang delubyong parating mula sa tarangkahan ng babylon. Ang isang kometa kapag bumagsak sa kalangitan ay mag dudulot ng malawak na pag kasira. Paano pa kung marami ito? Tiyak na sasabog ang mundo at ang lahat ay mamatay.

"Kailangan protektahan ang lupa at huwag hahayaang bumagsak ang kometa dito." ang wika ni Irano. Lumabas sa kanyang kamay ang kanyang sibat at itinarak ito sa lupa.

Nag liwanag ang lupa at gumapang ito sa karagatan. Lumakas ang alon nito at mula dito ay umahon ang maraming higanteng mga humanoid figure na gawa sa tubig. Lahat sila ay lumakad patungo sa pampang na parang mga kawal.

 Lahat sila ay lumakad patungo sa pampang na parang mga kawal

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSOn viuen les histories. Descobreix ara