LOA S3 Part 66: Ang Dalawang Ama

1.5K 97 11
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

Part 66: Ang Dalawang Ama

IRANO POV

"Maligayang pag babalik po sa Kaharian ng Iranya Haring Liran at Master Irano." ang bati ni Montu noong pumasok kami sa tarangkahan ng kaharian.

"Kamusta dito Montu?" tanong ni Liran habang tuloy tuloy na pumapasok sa loob ng palasyo.

"Mabuti po mahal na hari. Ang mga ani ay mas maunlad ngayon kaysa noong nakalipas na anihan. At mas pinag tinabay po ng mga kawal ng Araknia ang seguridad sa mga karagatan." ang sagot niya

Lumakad ako buhat si Kiran. "Bakit ba kanina pa yata mainit ang ulo mo? Hindi ka ba masaya na nakauwi tayo ng buhay?" tanong niya.

"Bakit kasi umalis pa tayo doon sa Antartica? Ayaw ni Kiran (baby) na nag lalakbay sa portal. Nahihilo ito." ang sagot ko.

"Dapat hanggang bata siya ay makasanayan na niya ang tumawid sa portal. At isa pa ay bakit ang aalburuto ka? Hindi natin tahanan ang Antartica, umuwi na sila Narding kaya dapat umuwi na rin tayo. Ito ang tahanan natin, dito papalakihin si Kiran upang makasanayan niya ang gawain ng isang hari." ang tugon niya.

Ang totoo noon ay ayoko talagang umuwi dito sa Iranya dahil mas gusto kong umuwi doon sa Isla ng Doyama kung saan naroon ang aking mga kapatid at ang aming tatay na si Kapitan. Sana ay sumama nalang ako kay Tibur pabalik doon. Masyadong boring dito sa palasyo at hindi ako makapag isip ng mabuti dahil walang ginawa ang abnormal na si Cyan kundi ang mag utos sa kanyang mga kawal at kung minsan ay lumalabas pa ito sa bukid para imanage ang agrikultura doon, mga bagay na hindi naman niya dapat gawin.

Lumapit sa akin si Cyan at saka kinuha si Kiran na noon ay natutulog. "Ang bait bait ng anak ko. Kamukhang kamukha ko." ang wika niya sabay halik dito.

Ako naman ay nag tungo sa silid at inayos ang aming mga gamit. Inayos ko rin ang kuna ng bata at pinalitan ito ng mas komportableng sapin. Inilagay ko rin ang mga bote ng gatas sa cabinet at saka inayos ito.

Umiyak si Kiran habang buhat ito ni Cyan..

"Alam mo kaya umiiyak itong anak natin dahil nasasagap niya yung negative energy. Init kasi ng ulo mo." ang wika niya

Lumapit ako sa kanya at kinuha ng bata. "Kaya umiiyak ito dahil naamoy niya yung baho ng katawan mo. Kagabi ka pa di naliligo at naamoy ko na rin yung kili kili mong amoy pawis." ang sagot sabay batok ng bath robe at tuwalya sa kanyang ulo.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon