LOA S2 Part 53: Si Lua, Enoch at Enki

1.2K 99 4
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding.3

League Of Angels

Season 2

AiTenshi

Jan 23, 2020

"Ito ang simula ng ating misyon Narding." ang bulong ni Irano. Nag liwanag ang kanyang katawan at lumabas ang kulay asul na kalasag na may kapang tubig sa likuran. Hawak niya ang kanyang sibat na nag lalabas ng kakaibang enerhiya.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay tumingin sa amin si Enoch..

Kumikidlat sa aming paligid..

Mayroon ring kidlat na tumama sa aming pagitan..

Ngumiti siya at nag wika. "Ngayon na ang simula ng katapusan. Tama ba Nardo? Irano?"

Part 53: Si Lua, Enoch at Enki

NARDING POV

"Enoch, bakit?" ang tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin ng tuwid. "Si Enoch.. siya patay na. Alam makiki alam kayo kanina para isalba siya kaya naman pilit kong pinigilan ang iyong mga enerhiyang lumabas sa inyong katawan." ang sagot niya kaya naman pala kanina ay parang nablanko kami ni Irano noong nag kakamatayan ang mga tao sa nayon, para bang ayaw gumalaw ng aming katawang lupa. Basta noong bumalik ang aming ulirat ay wasak na lahat.

"At ikaw si Enki, tama ba?" tanong ni Irano.

"Oo. Ako ang Diyos na si Enki. Ang panganay na anak ng kataas taasan Diyos." tugon niya, walang emosyon ang mukha, walang galit o pag lito.

"Kanina ay si Enoch ka, kung ganoon ay paano?!" tanong ulit ni Irano.

"Hayaan niyong himay-himayin natin ang mga pang yayari mula sa umpisa. Matagal na panahon ang nakakalipas mula noong mag tungo ako sa planetang ito ng Sigrid upang wasakin. Ako ang itinalaga ni Ama na sirain ang mag kakatabing system sa kalawakan kabilang na ang planetang ito.

Dumating ako dito sakay ng aking sasakyang pandigma. Simple lamang ang aking mga plano sa planetang ito. Sisirain ko ito gamit ang lindol, mag putok ng bulkan, pag bagsak ng komenta mula sa kalangitan. Ang lahat ay nais kong maganap sa loob ng isang gabi.

Ngunit bago ko maisagawa ang aking plano ay hinadlangan ako ng isang mandirigma na ang palangan ay Lua. Siya ang itinuturing na taga pangalaga ng lupaing ito. Hindi isang Diyos si Lua, isa lamang siyang ordinaryong mandirigma na lumakas dahil sa pag lalakbay sa iba't ibang planeta. Dito siya tumuklas ng mga kakayahang nag payabong sa kanyang pagiging mahusay na mandirigma.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSWhere stories live. Discover now