LOA Part 2: Portal

2.2K 127 7
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League of Angels

AiTenshi

Hindi ko alam kung paano mag hahanda, basta ang alam ko lang sa ngayon ay ibinalik kami ni Rashida sa aming normal na panahon dahil sa mahalagang dahilan. Kailangan ko lamang itong makita bago pa man mahuli ang lahat..

At ang aming planeta ay mauwi sa abo..

Part 2: Portal

"So ganoon na kayo ka close ni Jorel? Ilang beses palang ba kayo nag kikita? Saka bigtime ha, artista siya at sikat pa. Buti naman at naisipan niya tayong bigyan ng ticket sa concert niya. Mainam na rin iyon para maka kita ka ng totoong kumakanta at hindi puro mic ni Papa Bart ang kinakatahan mo gabi gabi." ang wika ni Cookie habang nakatambay ito sa front desk kung saan naka duty.

"Malayo yung concert niya. Kailangan pa nating sumakay ng barko para makarating sa siyudad nila." ang wika ko naman.

"Hala bakit tayo sasakay doon sa barko? Pwede ka namang mag fly para makarating tayo ng mas mabilis doon. O kaya ay sumakay tayo sa malaking sawa na alaga ni papa Bart para maitawid tayo sa dagat! Ano ka ba Narding kailangan ay may picture kami ni Jorel dahil maloloka kapag hindi ko siya nakita ng personal."

"Nakita mo naman siya ng personal diba?" tanong ko.

"Oo nakatalikod at hindi man lang humarap. Bago kayo pumasok sa portal patungo sa future no. Kaloka kayong dalawa, kailangan talaga ay mag tungo kayo sa year 2030 para makipag bakbakan? Hindi ba kayo happy na dito sa year 2019 natin ay payapa at walang war? Talaga bang basag ulo na kayong apat? Kailangan talaga dumayo pa kayo sa future para lang makipag patayan? Jusko no."

"Ang portal na iyon ay galing kay Gun Duran sa year 2030. Marahil ay naging bihasa na siya sa pag gamit ng time travel."

"Ah basta, wala tayong pakialam kay Gun Duran ng year 2030! Baliw siya! Mukha lang siyang masarap chupain pero baliw ang lolo mez!" ang mataray na sagot ni Cookie.

"Doon ka na nga Cookie, baka magalit si Sir kapag nakita tayong nag kkwentuhan dito." ang bulong ko naman.

"Wala naman akong paki kung magalit siya, jutay naman siya at hindi ko nagustuhan yung pag romansa niya sa akin last night, masyadong wild!" ang malanding sagot nito saka umalis sa aking harapan. Umikot ikot pa ito sa harap ng mga guest.

Tatlong araw ang nakalipas dito ay nag handa na kami patungo sa siyudad nila Jorel kung saan gaganapin ang kanyang solo concert. Maaga pa lamang ay nag ayos na kami ng gamit at bumili ng kanya kanyang ticket sa barko. "Ayoko naman talagang manood ng concert ng Jorel na iyon, gusto ko lang makarating doon sa siyudad ng mga artista." ang wika ni Bart habang naka pila kami.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSWhere stories live. Discover now