LOA S4 Part 103: Anum

1.1K 86 15
                                    

PAUNAWA:

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 4

AiTenshi

Feb 15, 2020

"Maganda sana kung wala itong Plutonium at Uranium. Ang dalawang pangunahing elemento sa pag gawa ng isang nuclear bomb. Ang Plutonium ay isang actinide metal na may kulay na silver gray. Ito ay natural na sumasabog kapag dumikit sa isang bagay. Ang Uranium naman ay isang radioactive element na ang bibigay suporta o enerhiya sa mga nuclear reactors. Maliit ang itsura ng isang pirasong pollen mula sa lotus ngunit nag tataglay ito ng mga bomba katulad sa mga nuclear weapon ng mga bansa Iraq, Iran, Amerika at Japan. Simple science concept lamang iyan." ang wika ni Ace dahilan para mapa atras kami. Sumenyas pa siya sa amin gamit ang kanyang kamay na lumayo na dahil may posibilidad na gumuho templo.

Part 103: Anum

Lumipad sa amin na parang mga kumpol ng bubuyog ang mga pollen ang iba ay pumasok sa iba't ibang direksyon at nag simula na itong sumabog. Wala kaming nagawa kundi ang lumipad at mag tungo sa ibang direksyon. Ngunit kung gaano ka bilis ang aming pag layo ay ganoon rin kabilis ang kanilang mag sunod at noong madikitan ang aking likuran ng isang alikabok ay sumabog ito nawala ako sa balanse, tumilapon ako palayo pero agad rin akong bumangon at binuhat ko ang isang malaking parte ng haligi na halos sampung beses na mas malaki sa ordinaryong haligi at ito ay binabalibag ko sa mga bomba. Bumuhat rin si Ace ng isang malaking parte ng pader upang ipang harang pero ang mga ibinalibag namin ay sumabog lang bago pa madikitan ang mga ito.

Tuloy ang kanilang pag habol sa amin at tila wala yatang paraan tumigil nag mga ito. Kahit ang tubig na pader ni Irano o ang apoy na harang na aking ginawa ay wala rin. Sumasabog lang ang mga ito at nawawala sa ere. Maya maya ay bubuga pa rin pollen ang mga lotus at panibagong mga bomba nanaman ang hahabol ss amin.

Halos mawasak na ang templo bagamat nakatayo pa rin ito dahil malalaki ang kanilang mga haligi..

"Heto nanaman!!" ang sigaw ni Nai sabay buhat sa isang nasirang pader at ito ibinalibag niya..

Lumikha ng pag sabog, halos sunod sunod na ang pag yanig. Sadyang mahirap labanan ang katunggali na hindi malapitan, walang makalapit sa amin dahil punong puno ng bomba ang hangin..

At makalipas ang ilang minutong pag lipad ay napahinto nalang kami dahil wala na kaming lugar na tatakbuhan, ang buong paligid ay punong puno ng bomba.

"Tila yata wala na kayong tatakbuhan?" ang tanong ni Alpha habang nakatayo hawak ang kanyang mga sandata nag liliwanag pa rin ang tarangkahang lotus sa kanyang likuran at patuloy na nag bubuga ng bombang pollen hanggang sa halos mapuno ang buong templo. Nakalutang lang ito sa aming paligid, magandang pag masdan ngunit sadyang naka mamatay. "Isang kilos lang at sasabog ang mga iyan. Siguradong sa dami ng bombang ito, kahit gawa pa sa pinaka matibay na mineral ang inyong kalasag ay tiyak na mawawasak ito at matutunaw." ang dagdag pa niya

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSDove le storie prendono vita. Scoprilo ora