LOA S2 Part 38: Kriminal ng Kalawakan

1.2K 103 5
                                    

Henry Yao as Bart

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Henry Yao as Bart

**********

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 2

AiTenshi

Jan 18, 2019

"Hindi ako naduduwag. Ang sa akin lang ay kailangan nating dumistansiya. Hindi biro ang kalaban natin dito. Nandito sa lugar na ito ang tinaguriang "Prince Disector" ang kalawakan. Siya ang Diyos na si Yukzi. Isang baliw at pinaka mataas na kriminal, mas mataas ang patong ng kanyang ulo kaysa sa kapatid niyang si Senbon." ang paliwanag niya dahilan para kami ay mabigla.

Part 38: Kriminal ng Kalawakan

ACE POV

"Si Yukzi ay isang baliw na scientist, doktor at manlilikha o kahit ano pa ang itawag sa kanya. Bata pa ako noong marinig ko ang pangalan ng dalawang diyos na kriminal na pagala gala sa kalawakan at walang ibang ginawa kundi ang manira at pumatay ng mga nilalang sa bawat planeta. Ang unang diyos ay ang tinaguring "prince of the undead" na si Senbon. Isang mitlohiyang maituturing na buhayin niya ang isang patay at gawing halimaw sa pamamagitan ng kanyang dugo. Si Senbon ay may makapangyarihang kamay at matalim na kuko, nagagawa niyang pumiraso ng laman o gilitan ka ng buhay ng hindi mo nalalaman. Malaki ang patong sa kanyang ulo ayon sa mga alagad ng batas ng kalawakan. NGUNIT mas malaki ang patong sa ulo ng kanyang kapatid na si Yukzi. Pumapatay ito at kinukuha ang mga cells, tissue at lamang loob ng kanyang biktima. Basta ang natatandaan ko lang ay sumalakay siya sa Araknia upang kunahin ang aming kakayahan sa pag gamit ng apoy bilang teknolohiya, itinaas ng aming planeta ang seguridad ngunit malakas siya at halos nasira ang aming lupain.

Hindi ko na maalala ang kanyang mukha pero kitang kita ko kung paano lumabas ang lamang loob ng aking ama sa kanyang tiyan matapos niya itong hiwain. Sa pag aakalang nasa aking ama pa ang kapangyarihan ngunit nag kamali siya dahil isinalin na ito sa akin noong ako ay ipinanganak. Sa makatuwid ay wala siyang napala sa aking ama at wala siyang nagawa kundi ang lumisan. Sumikat sa buong kalawakan ang pangalang Senbon at Yukzi bilang mga propesyonal na taga patay at taga gunaw. Mag buhat rin noon ay itinaas ko na ang harang sa aming planeta at walang sinuman mula sa kalawakan ang maaaring pumasok. Kung bakit sa dami ng kalaban ay dito pa tayo natapat sa isang baliw." ang paliwanag ni Haring Cyan.

"Ipinapakita lang nito na hindi mo maaaring takasan ang bagay na kinatatakutan mo. Pag katataon na rin para iganti ang iyong ama." ang sagot ni kuya Bart.

Nasa ganoong pag uusap kami noong may madetect ang aking system. "May palapit dito. Mag tago tayo!", ang wika ni Ace at lahat kami ay nag kubli sa isang malaking pader.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSWhere stories live. Discover now