LOA S2 Part 55: Sagradong Buhay

1.4K 112 15
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 2

AiTenshi

Jan 24, 2020

Halos apat na beses niyang inumpog ang aking ulo sa batuhan at sa kada umpog niya pumapakat ang aking mukha nito.

Matapos niya akong ihampas ng ilang beses ay naging matigas na bato ang kanyang kamao at noong isasapak niya ito sa aking mukha ay sumulpot si Irano sa kanyang likuran at isang malakas na hataw ng sibat ang kanyang pinakawalan dahilan para mabitiwan ako ng kalaban at muli siyang mawala sa balanse.

Part 55: Sagradong Buhay

Noong ako ay makabawi ay agad rin akong lumipad patungo sa bumubulusok na katawan ni Enki. Nag liwanag ang aking kamao at pinag susuntok ko siya sa mukha. Nag buno kaming dalawa sa ere at parehong tumama sa lupa ang aming mga katawan.

Mabilis siyang dumistansiya sa akin at itinulak niya ako gamit ang lupang umangat sa ere. Tumilapon ang aking katawan ngunit agad rin akong nasalo ni Irano. Dugo ang aking labi at sintido. "Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin sabay hataw sa lumilipad na malaking bloke ng bato gamit ang kanyang sibat.

"Oo ayos lang ako. Kahit papaano ay nakalapit ako sa kanya at nasuntok ang kanyang mukha." ang wika ko sabay dura ng dugo.

"At mukhang hindi niya nagustuhan ang ginawa mo." ang wika ni Irano sabay hila sa akin palayo.

Dito ay nakita naming tumatakbo ng mabilis si Enki at sa kanyang kamay ay namuo ang isang sandatang hugis pana na gawa sa luwad at sa isang hila ng pisi nito ay bumulusok patungo sa amin ang libo libong palaso.

Mabilis akong lumipad at binuhat ang isang malaking tipak ng palasyo. Ang dambuhalang tuktok nito na halos kasing laki ng isang buong bahay. Inihagis ko ito sa aming harapan kung sana tatama ang mga palasong pasibat sa amin.

Noong tumama ang mga ito ay biglang sumabog at nawasak ang aming harang. "Ang bawat palaso ay bomba! Mag dudulot ito ng pinasala sa ating katawan kapag tinamaan tayo!" ang wika ni Irano sabay kuha ng tubig sa ilog. Humarang ito sa aming harapan na parang pader at nanigas na parang yelo. Dito tumusok ang daan daang palaso at saka sumabog.

Nabasag ang pader na parang isang higanteng bloke ng yelo kaya naman muli kaming umatras at umiwas sa pag tama ng mga ito. Ang ilang palaso ay sinasangga ko kaya't nasasabugan ang aking katawan. Hanggang sa makipas ang ilang minuto ay huminto ang pag ulan nito.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSWhere stories live. Discover now