LOA S3 Part 68: Buod

1.4K 99 11
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

Jan 29, 2020

Ikalawang pang yayari ay ang pag lalagay kina Irano at Nardo sa isang malakas na kalaban na si Enki. Taglay nina Nardo ang dalawang sagradong lakas ng Diyos kaya't kahit na nag uumapaw ang kalakasan ni Enki ay nahirap pa rin siyang gapiin ang dalawa miyembro ng liga.

Sa makatuwid, ang lahat ay set up at inayos..

Part 68: Buod

"Mainam nga at inayos no, imagine kung sa amin natapat iyang si Senbon o yung dissector na si Yukzi ay baka patay na kami ngayon." ang hirit ni Cookie.

"Edi sana kinarneng panget na si Cookie ngayon." ang pang aasar ni Tibur.

"Shut up girl. Silver medal ka lang sa result ng battle. Mababa ang average mo." ang hirit ni Cookie.

"At ang hinala ko ay mayroong gumulo sa ating system para ishuffle ang groupings at dahil sa mga kalabang counter sa kanila. Maaaring yung liwanag na bumagsak portal ang sumira sa ating system." ang paliwanag ni Sam habang ini-scan ang mga footage ng nasirang makina.

"Isang linggo matapos kayong umalis, ang grupong unang naka uwi ay sina Rexus Juho sakay ng barkong pang kalawakan. Sila na rin ang gumamot sa pinsalang tinamo nina Cookie at Tibur.

Makalipas naman ang tatlong linggo ay bumagsak sa kalangitan ang sinasakyan nila Ace, Cyan at Bart. Sila ang ikalawang grupong nakauwi.

Isang linggo ulit ang lumipas at bumagsak sa kalangitan sina Jorel at Nai, ayon sa report ay nasira ang kanilang sasakyan pag labas sa wormhole sa tapat ng planetang Saturn kaya mula doon hanggang sa Earth ay nilipad na lamang nila.

At makalipas ang isang buwan ay dumating sina Narding at Irano sa Antartica. Sila Narding ang pinaka huling grupo na nakauwi mula sa misyon.

Oo nga't mag kakasabay kayong dumating sa bawat portal o demensyon ngunit ang oras ay nakadepende pa rin sa layo nito. Maaring dalawa o isang araw lamang kayo sa mga planetang iyon pero ang katumbas na noon dito ay maaaring isang linggo o ilang araw pa.

Ngunit isang malaking pag hanga ang aking ipinaabot sa inyong lahat dahil lahat kayo ay matagumpay." ang paliwang ni Gun.

"Maaaring malaki ang naging epekto ng pag kawala ng mga Diyos sa pag kasira ng ating planeta sa hinaharap. Sa ngayon ay masasabi kong pansalamantalang nakamit ng kalawakan ng katahimikan dahil natigil ang kanilang pag gunaw sa mga ito. May posibilidad rin na malaki ang tiyansa nating manalo sa hinaharap dahil nabawasan ang ating malalakas na kalaban..

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon