LOA Part 15: Isla ni Duran

1.5K 110 10
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

AiTenshi

Dec 31, 2019

Part 15: Isla ni Duran

"Good morning!" ang masayang bati ni Ace, naka upo ito sa kainan habang kumakain ng marami. Ilang patong na rin ng platong walang laman ang nasa kanyang harapan. Isang magandang ngiti ang sumalubong sa amin galing sa kanya bagamat punong puno ang bibig nito sa dami ng pag kain.

Lumapit ako sa kanya at ginusot ang kanyang buhok. "Okay kana ba?" tanong ko.

"Oo naman, kaso kailangan kong kumain ng marami para bumalik agad ang energy ko. Kamusta kayo?" ang tanong niya.

"Okay naman kami, grabe ang ganda dito sa building niyo. Parang ayoko na tuloy umuwi." ang wika ni Cookie na hanggang ngayon ay namamangha pa rin.

"Second time ko na dito. Noong una ay nag punta kami ni Kuya Rui dito para makipag engage ng business proposal sa kuya ni Ace. Dito nga kami nag sparring ni Astro." ang masayang wika ni Nai sabay tabi sa kanyang kaibigan. Pansin na pansin ang pagiging malapit nila sa isa't isa. Hindi kasi sila nag kalalayo ng edad at sa aming lima ay silang dalawa ang pinaka bata. Halos kasing edad na namin ang mga kuya nila.

"Kumain na ba kayo? One tap away lang ang mga food sa monitor, lahat ng gusto ninyo ay kunin ninyo. Nga pala, nakausap ko na si Gun tungkol dito sa issue natin. Ngayon ay nag hahanda na siya para sa ating pag dating." ang wika ni Sam habang kumukuha ng inumin sa bending machine.

"Ready na ko!" ang masiglang sigaw ni Ace. Samantalang kami naman ay nag sisimula palang kumain. Halos naka 16 na platong patung pato ito at halos punong puno pa ang bibig.

"Baka naman tumaba ka niya Ace." ang wika ni Cookie habang kumakain rin.

"Ang mga iyan nag coconvert sa fuel na ang papatakbo ng kanyang katawan. Kahit isang dram pa ang kainin niya ay hindi siya tataba." natatawang sagot ni Sam.

"Sana Oil!" ang hirit ni Cookie.

"Ayan ah, yung face mo oily kuya Cookie." pang aasar ni Nai.

"Alam niyo kung hindi lang malalaki ang katawan ng mga kuya ninyo ay kanina ko pa kayo pinag untog. Kukurutin ko mga bayag niyo diyan e."

Tawanan sila..

Matapos ang almusal ay agad kaming nag handa para mag tungo sa isang isla kung saan naman itinayo ang bagong Museyo ni Duran. Doon na rin nag base si Gun upang mas mapag aralan ang kalawakan lalo't alam na niya na hindi tayo nag iisa sa kalawakan. At habang patagal ng patagal ay paliit ito ng paliit para sa mga nilalang dito.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon