LOA S4 Part 99: Ang Simula ng Wakas

1.1K 86 6
                                    

PAUNAWA:

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 4

AiTenshi

Feb 13, 2020

"Ang maliliit na tuldok na iyan ay mga sasakyang pandigma ng mga kawal. At ang tatlong malaki sa likod ay isang pang kalahatang saskyang pandigma na nag lalaman ng mas maraming pwersa. Mukhang nakarating na rin sa Alpha na nagapi si Isayas na kanyang pinaka huling anak. Kaya lalo siyang nagalit at nag deklara ng digmaan!" ang wika ni Sam.

"Masama ito, maraming masyado ang kalaban. Pindutin ang alarm sa isla! At ilagay sa kulay pulang antas ang mga barrier!" ang utos ni Gun na parang natataranta.

Noong pinindot ang buton ay nag labas na itong signal at warning bilang emergency..

Humarap sa amin si Gun at nag wika "Ito na ang simula ng katapusan.. lalaban tayo.."

Part 99: Ang Simula ng Wakas

Noong mga oras na iyon ay gimbal ang buong planeta noong ilabas nila Gun ang larawan at footage ng mga kalaban papasok sa solar system. Mukhang dito na balak wakasan ni Alpha ang digmaan sa pagitan ng buong kalawakan at ito na rin nag pinangambahang pag kasira ng mundo. Ngayon ay mas maaga ito kaysa taong 2030 na halos ang lahat ay burado na. Sa aming ginawa ay mas pinaaga namin ang aming kamatayan ngunit sa kabilang banda ay mas naging kaunti ang kalaban dahil sa pag bagsak ng mga Diyos na aming nakalaban sa mga portal. Iyon lang ay isang malaking balakid na naalis sa aming daan. Bagamat batid namin na pahirap ito ng pahirap habang tumatagal.

At dahil sa pag kagimbal ay nag labas na agad ng sandatahang lakas ang bawat bansa. Ang magaganap na pag atake ay malawakan kaya't ang pag kakaisa ang kailangan. Ang mundo ay halos 35% na ang sira at sa sapit ng digmaan ay tinatayang tuluyan na itong mawawasak.

"Kailan darating ang mga kalaban?" tanong ko.

"Bilis ng usad nila ay aabutin ng kulang isang buwan bago sila makarating dito. Maaaring tatlo o dalawang linggo ay magaganap na ang labanan. Ang lahat ng mga datus ay ikinalat na namin sa iba't ibang panig ng mundo at ngayon lahat sila ay nag hahanda para lumaban." ang wika ni Gun.

"Kahit na mag sama sama ang buong pwersa ng militar ng mundo ay kulang ay kulang pa at tiyak na kaunti ang probabilidad nating manalo." ang sagot ni Sam

Natahimik kami..

At habang nasa ganoong posisyon ay muli nanamang umikot ang mga infrared telescope at dito ay laking gulat namin noong lumabas ang isa pang liwanag na parang araw rin. At ito ay ang buwan na kahit maliwanag ang kalangitan ay nakikita rin. Ito ang unang pag kakataon sa kasaysayan ng mundo na naging dalawang tanglaw sa kalangitan at halos mag kasing tingkad ang kanilang mga liwanag.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSМесто, где живут истории. Откройте их для себя