LOA S3 Part 71: Mahiwagang Mundo

1.1K 97 8
                                    

PAUNAWA:

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

Jan 29, 2020

Part 71: Mahiwagang Mundo

"Kamusta ang tulog ninyo? Ang sabi sa akin ni Nai ay marami kayong mag babakasyon dito, ngunit bakit kakaunti yata? Nasaan na yung artistang si Jorel? Hinihintay pa naman siya ng mga kapitbahay. At iyang kuya mong si Rui, kahit kailan ay kakaiba ang ugali. Walang inatupag kundi ang negosyo niya." ang wika ng lola ni Nai.

"La, pinapasabi ni kuya na dadalaw nalang daw siya sa susunod na araw. Marami kasi siyang inaayos doon sa siyudad." ang sagot ni Nai

"O, siya mag almusal na kayo. Marami akong pinahanda para mabusog kayo ng husto. O sino naman itong dalawang nag gagandahang babaeng ito?" tanong niya sabay turo kina Tibur at Cookie.

"Ah e, sina Cookie at Tibur po lola." ang sagot ni Nai. "Saka hindi po sila babae at hindi rin po sila magaganda." dagdag pa nito.

"Alam ko, nag bibiro lamang ako sa salitang maganda." ang wika ng matanda sabay tawa ng malakas dahilan para mawala ang ngiti sa labi ng dalawa.

"Alam, okay din tong lola mo. Gusto ko na siya itumba ngayon." ang naka ngiting bulong ni Tibur para di mahalata.

Tawanan kami..

"Pag katapos ng almusal ay ipapahatid ko kayo doon sa dagat. Maaari kayong maligo doon, mag surfing, mag snorkel. Marunong ba kayong lumangoy?" ang tanong matanda.

"Lola si Kuya Irano ang champion ng swimming sa international competetion." ang wika ni Nai sabay turo kay Irano na noon ay kumakain. Humarap sa kanya si Irano at ngumiti.

"Kagandang lalaki mo naman hijo. May asawa't anak ka na ba?" tanong ng matanda.

"Mayroon na po." naka ngiting sagot ni Irano.

"Eh ikaw?" tanong naman nya sa akin.

"Ah e, wala pa po lola. Pero mayroon po akong kinakasama ngayon." sagot ko habang naka ngiti.

"Mainam naman. Im sure itong dalawang ito ay wala." ang wika ng matanda.

"Paano mo naman nasabi lola, judgemental ka ha." ang sagot ni Cookie.

"Feel ko lang." ang sagot ng matanda.

"Wala nga po, single and available kami lola. 50% virgin po." ang hirit ni Tibur

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSOnde histórias criam vida. Descubra agora