LOA S4 Part 115: Lupain ng Anghel 1

933 81 2
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 4

AiTenshi

Feb 25, 2020

Babangon na sana ako mula sa pag kakahiga sa lupa ay biglang may nag tutok ng sibat sa aking mukha. "Sino ka? At saan ka nag mula?" tanong ng isang lalaki na naka suot ng kalasag na pula na animo kawal.

Hindi ako naka sagot. "Hindi ko alam, basta pag gising ko ay nandito na ako." ang sagot ko.

"Ikulong ang isang ito! Isa itong espiya mula sa karatig na planeta!" ang sigaw niya at dito ay agad nila akong dinala sa loob ng isang gusali ay dito ay kinulong kasama ng isang pamilyar na mukha na aking ikinabigla.

Part 115: Lupain ng Anghel 1

Part 115: Lupain ng Anghel 1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NARDING POV

"Narding, ang iyong misyon ay kuhanin ang likido na nag lalaman ng iyong kapangyarihan. Bumalik ka rito agad kapag nagawa mo ito. Mahalaga ang oras, kailangan mong mag madali." ang boses ni Enki at kasabay nito ang pag mulat ng aking mata. Hindi ko namalayan na ako ay nakatulog dahil sa matinding hilo at pang hihina ng katawan.

"Inumin mo ito para hindi ka mahilo." ang wika ng lalaking naka suot ng lumang damit na parang basahan. Madungis ang kanyang mukha at halata sa kanyang mata ang matinding lungkot. Kinuha ko ang tubig at ininom ito.

"Hindi ka natakot na baka may lason ang tubig? O baka may inilagay ako dito?" tanong niya.

"Hindi.. kilala kita kaya hindi ako natatakot." ang sagot ko.

"Kilala? Hindi kita maunawaan ginoo, wala akong pamilya at wala rin akong kinagisnang kaibigan. Lagi lang ako ang iisa at naka kulong sa kweba kasama ang aking munting imbensiyon." ang sagot niya at maya maya ay tumahimik siya at tumalungko sa isang sulok dahil dumating ang kawal. "Anong ingay iyan! Tumahimik kayo!" ang wika nito saka muling umalis sa aming selda.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSWhere stories live. Discover now