LOA S3 Part 81: Kalaban sa Ulap

1.2K 98 7
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

"Sa wakas ay nag pakita ka rin Super Nardo. Pero paano mo kami matatalo kung nag iisa ka lang? Ibayong saya ang nararamdaman ng aming reyna dahil sa wakas ay makakain kana niya!" ang wika ng alipores sa mikropono.

Natawa ako..

"At sino ang sabing nag iisa ako?" ang tanong ko at mula sa aking tabi ay bumagsak sina Jorel, Ace, Irano at Super Panget.

"Ngayon ay sumilan na ang laban!!" ang sigaw niya at naging insektong langaw ulit silang dalawa pero hindi pa sila tapos mag palit ay kumilos na si Nai, hinawakan ang kanyang baril at sumabog ang kanilang mga ulo..

Part 81: Kalaban sa Ulap

Gulat na gulat ang lahat noong bumaba kami sa kanilang harapan. Halos napa nganga nalang sila noong sumabog ang ulo ng mga alipores ni hungry Danaya. Kasabay nito ang pag labas ni Cookie sa tabi ng speaker at hawak na niya ang mic.

"Ano kayo ngayon mga bakla? Nga nga? Nariyan sa harap ninyo ang TUNAY na nga bayani, ilang beses na nilang pinatunayan na sila ay kapanalig, ilang beses silang nag buwis ng buhay para ating lahat. Nasaan yung mga Putang inang PH Warriors na nilikha ng pamahalaan? WALEY! Kinain lang ni Hungry Damulag! Iyan ang hirap sa ating mga tao, kung sino ang mabango sa ating paningin doon tayo nakiki amoy! Ang mga kalaban sa kalawakan ay malalakas at tanggapin nalang natin na wala tayong lakas para sila ay harapin. At para sayo commander in chief, isa lang ang masasabi ko sayo. "BOOM NGA NGA!!!"

Maya maya ay tumayo ang commander hawak ang kanyang baril. "Mga kriminal! Dakpin sila!!" ang utos nito at nag takbuhan ang ilang mga sundalo sa aming paligid, pinalibutan nila kami.

"Ang kapal kapal ang face mo commander! Inilagay mo sa kapahamakan ang buhay namin! Anong klase kaaaa! Nag tiwala kami sa iyo!! Binigo mo kami!!!" ang sigaw ng matatanda sa likod

"Commander, nabigo kana at napahiya. Ipaubaya mo na lamang kina Nardo ang pag gapi sa kalaban." ang wika ng mga tao sa paligid.

Dito ay lumapit na ako commander at hinawakan ko ang kanyang baril at binali ko pataas ang dulo nito. "Commander, hindi kami ang kalaban. At hindi rin ako ang Nardo na nakita niyong naninira sa ilang siyudad. Mayroong isang impostor na gumagaya sa akin." ang wika ko.

At maya maya ay lumapit si Nai sa amin. Tinutukan niya ng baril sa ulo ang commander. "Gusto mo pasabugin ko na yang ulo mo? Isa kang bulag at mapag panggap!"

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon