LOA S2 Part 29: Ang Agnas na Mundo

1.5K 102 4
                                    

Nick Kunatip as Nai, Tao Sattaphong as Jorel

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nick Kunatip as Nai, Tao Sattaphong as Jorel

********

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

SEASON 2

AiTenshi

Author's note: Ang labanan sa pagitan ng mga karakter sa kwento ay naganap ng sabay sabay. Noong season 1 ay nasaksihan natin ang laban sa pagitan ng grupo ni Kapitan Rexus Juho at ang Diyos na si Ugigi. Ang season 2 ay ang pag papatuloy ng mga inaabangang kaganapan.

At sa susunod na laban ay ang POV ni Jorel ang aking gagamitin. Bakit siya? Una ay dahil di ko pa nagamit ang POV niya kahit doon sa book niya na "My Super Kuya" ay mapapansin na si POV ni Jonas ang aking ginamit. Si Jorel rin ang may pinaka kaunting appearance katulad sa book 2 ng "Ang Tadhana ni Narding" na halos siya lang hindi nasama sa mga bayani. Ngayon gusto kong bigyan ng pag kakataon ang karakter ni Jorel para umangat sa book na ito.

Maraming salamat sa pang unawa.

*******

Part 29: Ang Agnas na Mundo

JOREL POV

"Naputol ang komunikasyon sa hindi maipaliwanag na pwersa sa loob ng tunnel. Nasira ang system kaya't nag shuffle ang inyong mga grupo! Sa ngayon ay inaayos namin ang system para maibalik kayo lahat dito. Mag bibigay kami ng notification kapag naayos na ang system sa inyong mga kalasag.

Alam kong ngayon ay nangangamba kayo kung nasaan na ang iyong mga dapat na kasamahan. Sa ngayon ay ang maibibigay ko lang ay ang impormasyon kung sino ang mag kakasama.

Ang shuffle ng groupings ay naganap kanina lamang dahil sa isang enerhiyang hindi malaman kung saan nag mula at nabago ang lahat.

Sa ngayon ang mag kakasama ay sina.

Narding at Irano.

Jorel at Nai.

Cyan, Bart at Ace

Juho, Tibur at Cookie

Alam kong naging komplikado ang lahat pero gagawan namin ito ng paraan. Sa ngayon...dapat... mag...

Naputol ang tawag ni Gun..

"Nag loko ang system kaya nasira rin ang groupings, sana ay ayos lang sila doon. Nasaan ba tayo?" tanong ko kay Nai na noon ay naka talungko lang sa isang sulok. "Ayos ka lang ba? Tumayo kana dyan."

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSWhere stories live. Discover now