LOA S3 Part 92: Ang Gintong Liwanag

1.3K 124 65
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

Feb 7, 2020

Napatingin ako sa kanya at nag tanong. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Narding, katulad ng isang dahon sa puno, ang lahat ay nalalagas sa dating ng takdang araw. Ang lahat ay mag tatapos at ang lahat ay matutuldukan. Iyan ang sirkulo ng ating mapag larong buhay." ang sagot niya sabay hawak sa aking ulo.

Part 92: Ang Gintong Liwanag

"Katulad mo ay mahalaga rin sa akin ang planetang ito, kaya ibinuwis ko ang aking buhay para ito ay ipag tanggol. Masaya ako dahil nagagamit mo pa rin ang sagradong lakas para ipag patuloy ang aking nasimulan. Ngunit dumarating sa oras na kinakailangan nating harapin ang pag babago at ito ay darating sa oras na hindi mo inaasahan." ang wika niya.

"Wala bang ibang paraan? Kailangan ba talaga ay bitawan ko ang bagay na ito? Hindi naman ako nagiging gahaman sa kapangyarihan, ang sa akin lang ay natatakot ako na baka hindi na kita makita at makausap pa. Sabihin mo sa akin Rashida, kung gagamitin ko ang iyong lakas, ano ang magiging kapalit nito?"

"Ang pag kawala ng aking enerhiya ay ang tuluyang pag kabura ng aking lakas. Mawawala ako bilang gabay sa iyong katawan. Kaya tayo nakakapag usap ay dahil gamit mo ang aking sagradong kapangyarihan. At kapag nawala na ito ay tuluyan na rin akong mawawala. Ang aking espiritu ay mananatili na lamang sa malayong paraiso na nilikha ng aking isipan." sagot niya dahilan para makaramdam ako ng kalungkutan.

"Kung mawawala ka, ay sino ang gagabay sa akin? Sino ang mag sasabing kaya ko? Sino ang magiging lakas ko?" ang tanong ko.

Nangiti siya at inilagay ang kamay sa kaing balikat. "Kapag nawala ang aking sagradong kapangyarihan ay nariyan pa naman ang bato ng Adran, maaari ka pang maging si Nardo. Saka bakit mo iniisip na mahina ka? Ikaw ang pinaka malakas na taong nakilala ko."

"Nawala na ang anghel na si Nardo, pati ikaw ay mawawala rin. Paano na ako?"

"Malakas ka, kahit wala si Nardo o wala ako ay mananatili sa iyo ang apoy ng pag asa. Ang kailangan mo lang gawin ay isabog ito at ang lahat ay magiging maayos rin."

Hindi ako naka kibo..

Nanatili akong nakatingin sa kanya..

"Maraming salamat sa pag aalaga sa aking lupain. Ibinibigay ko sa iyo ang walang hanggang basbas. At bilang gantimpala sa iyong kabutihan ay pinag kakalooban kita ng isang regalo. Simpleng bagay lamang iyan mula akin, sana ay tanggapin mo." ang wika niya at nag liwanag ang kanyang kamay idinikit sa aking dibdib. Nakaramdam ako ng ibayong init at maginhawa ito sa aking pakiramdam.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSWhere stories live. Discover now