LOA Part 23: Bortang Pang kalawakan

1.2K 100 6
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Author' Note: Bakit daw si Juho ang may POV at hindi si Cookie o si Tibur? Ang totoo pinag isipan ko kasi talaga kung sino sa tatlo ang may POV, kaso mas pipiliin ko ay yung pinaka malakas, yung may strategy sa battle field at yung mas maipapakita ko ang bigat ng scene. Kung sila Cookie ay magiging Joke lang ang lahat, mawawala ang bigat ng eksena. Maraming salamat sa pang unawa.

******

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

AiTenshi

Jan 9, 2020

Maya maya ay napatingin siya sa aking espada at kusang gumalaw ito na animo pwersang hinihila palayo mula sa pag kakatutok sa kanya. Kusang bumaliktad ang aking mga kamay sa pag kakataong ito ay nakatapat na sa aking katawan ang talim nito..

Pilit ko itong pinigilan ngunit sayang malakas ang pwersa iyon.

"Ako si Ugigi.. ang isa sa mga Diyos ng kalawakan." ang pakilala niya at dito ay tumusok ang espada sa aking dibdib..

Part 23: Bortang Pang Kalawakan

KAPITAN JUHO POV

Si Ugigi, ang isa sa makapangyarihang Diyos na anak ni Xeno Alpha. Ngunit anong ginagawa niya dito? Narito rin ba siya upang kunin ang sagradong sandata? Nanatiling nakatarak sa aking dibdib ang espada na ikinabigla ng aking mga kasamahan.

Ngumiti si Ugigi at nag wika. "Lumabas kana sa aking likuran Ginoo. Alam ko naman luwad lamang ang nasa harap ko."

Natawa ako at itinutok ang aking punyal sa kanyang leeg. "Akala mo ba ay ganoon kadali? Isa akong pirata kaya hindi mo maiisahan." ang wika ko naman at naging putik ang aking imahe na may naka saksak na espada. "Ang taktikang iyan ay napanood ko lamang sa isang sikat na cartoons sa aming planeta. Masaya diba?"

"Masaya, kakaiba ang amoy mo. Lalaking lalaki." ang wika niya habang naka ngiti at namumungay ang mata kaya naman umatras ako at dumistansiya sa kanya.

"Yang gwapo, perfect, papabols at yummy na iyan ay isang Diyos? Siya na yata ang pinaka gwapong lalaking nakita ko, yung dibdib, yung abs, yung shape ng katawan, yung tangkad, yung buhok sa kili kili, yung karug, yung puwet. Wala, may nanalo na." ang pag hanga ni Cookie.

"Gwapo nga pero halatang masama naman iyan! Isa iyan sa kalaban! Isa siya sa wawasak ng ating planeta!" galit na wika ni Tibur.

"Pero gwapo siya!" ang wika ni Cookie.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon