LOA Part 12: Susi

1.4K 102 3
                                    

Jirakit Thawarnwong as Rui

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Jirakit Thawarnwong as Rui

******

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League of Angels

AiTenshi

Dec 20, 2019

"Narding! Anong nangyari!" ang sigaw ni Cookie habang kapwa nila ako inuuga.

Nanatili akong nakatihaya at dito ay bumigat ang talukap ng aking mga mata. Ang pwersa iyon na tumama sa akin ay parang isang malakas na bomba, bagamat sa panaginip lamang kami nag usap ni Rashida ay matindi ang pwersa pa rin iyon dahil kahit gising na ako ay naapketuhan pa rin ang aking katawan.

Ang boses na iyon..

Siya ba ang kataas taasang Diyos?

Part 12: Susi

"Noong imulat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa aming kama. Masakit ang aking katawan na para bang binugbog ng kung anong pwersang hindi ko maunawaan. Kahit sa pag bangon ay inalalayan lamang ako ni Bart, hindi ko akalain na mapaparalisa ako kahit panaginip lamang ang medium ng aming usapan. "Hindi ko maunawaan Narding ha, baka naman nasobrahan ng pag kabayo sa iyo si papa Bart kaya ganyang sumakit ng husto ang katawan mo?" ang tanong ni Cookie habang inaabutan ako ng tubig.

"Tang ina pala, nakaka buhay ng dugo ang pag kantot ko at hindi nakaka paralisa! Napano ka ba? Hindi ko naman naramdamang umalis o bumangon ka kagabi." tanong ni Bart.

"Hindi ko maunawaan, basta ang alam ko lang ay ginamit ni Rashida ang panaginip upang maging medium ng aming pag kikita sa labas ng kalawakan. Dito ay ipinaliwanag niya sa akin ang mga kaganapan sangkot ang mga Diyos. Habang nasa ganoong pag uisap kami ay may narinig kaming tinig at dito ay parang binaril ng kung anong pwersa ang aking katawan kaya't bumulusok ako sa ere, nawasak ang aking kalasag at nawalan ako ng lakas." ang paliwanag ko sabay pikit sa aking mata, pilit kong inaalala ang pangyayaring iyon sa aking panaginip.

FLASHBACK

Maya maya ay isang tinig aming narinig. "Mga anak ko, bakit kayo nag pplano na tapusin ako?" ang tanong nito at maya maya ay bigla na lamang sumabog si Rashida at naging gintong buhangin lang ito. Pero bago mawala ang kanyang enehiya ay itinulak niya ako pabalik sa mundo. "Bumalik kana Narding! Bilisan mo!" ang wika niya.

At habang nasa ganoong pag lipad ako pabalik ay bigla sumabog ang aking kalasag. Hanggang sa tuluyan akong malaglag sa ere bilang taong si Narding!

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSWhere stories live. Discover now