LOA S2 Part 61: Ang Tungkod ni Enki

1K 100 8
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 2

AiTenshi

Jan 28, 2020

Maya maya ay nakita kong lumakad palapit sa amin si Enki. "Natutuwa akong makitang naka ligtas kayong dalawa mga anak ko." ang wika niya sabay tingin kay Irano. "Tama ang iyong sinabi kanina, sa ngayon 0% na ang tubig sa paligid kaya't wala ka nang pag kukunan ng lakas. At ang elementong naiiwan nalamang dito ay ang hangin na ngayon ay aalisin ko na rin." ang wika niya sabay pakita ng tarak muli sa kanyang tungkod sa lupa.

Nag simula itong mag labas ng usok na enerhiya at umangat sa kalangitan.

"Kilos na Narding! Sa loob ng ilang oras ay mawawalan ng hangin ang planeta, mahihirapan na ang inyong katawan para huminga!" ang wika ni Rashida kaya naman sumiklab ang gintong liwanag sa akin katawan at mabilis akong lumipad patungo sa kalaban.

Part 61: Ang Tungkod ni Enki

NARDING POV

"Patay na planeta mo Enoch!!! Pakinggan mo ang tinig kooo!" ang sigaw ko at dito ay sinagupa ko si Enki. Nag karoon ng liwanag na espada ang aking kamay at ito ang ginagamit kong sandata laban sa kanya.

"Si Enoch ay wala na! Anong akala mo sa akin Narding? Akala mo ba ay mag paparang si Estong ako na nilabanan ang kadiliman ng kanyang pag katao para mapatay mo siya? Walang ganoon Narding! Huwag kang umasa sa isang swerteng pag kapanalo!" ang sigaw niya sabay kuha ang malaking tipak na bato at binanggag ang lahat sa akin pero sinangga ko ito at saka hinawa. At mula naman sa kanyang likuran ay lumabas si Irano hawak ang kanyang pangalawit, ito ang ginamit niyang pag atake sa kalaban. Sabay kaming sumugod sa kanya pero kahit mag isa siya ay apat naman ang kanyang kamay kaya't nasasangga niya ang aming pag atake.

Maya maya ay tinulak niya kami ng malakas na pwersa sa kanyang palad at saka humubog ng mga sibat na yari sa bato at iyon ang ginamit niya pang atake sa amin. "Alam niyo ba na ang aking tungkod ang sagradong sandata? Maraming gumawa sa bersyon nito mula sa iba't ibang planeta dahil naniniwala sila na ang tungkod ng isang diyos ay makapangyarihan. Sa inyong lumang kasulutan ay ipinag kaloob ang replika ng aking tungkod sa isang nilalang na ang pangalan ay Moses, ito ang ginamit niya upang isalba ang kanyang mga kababayan mula sa pag mamalupit ng isang kaharian. Ang tungkod ay nagiging ahas, nag papakawala ng sakit o kamatayan, humahati ng karagatan. Ngunit iyon ay maliit na bagay lamang. Wala siyang kamalay malay na ang tungkod niya ay may kakayahang wasakin ang mundo sa isang iglap. Sadyang maliit lamang ang utak ng ninyong mga tao, lahat kayo ay gahaman sa kapangyarihan, sa salapi at maging sa yaman! Ngunit wala silang kamalay malay na nalalapit na ang kanilang katapusan." ang wika niya at dito ay nag liwanag ang kanyang apat na kamay at nag labas ito ang apat rin gintong sibat..

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon