LOA S4 Part 96: Madilim na Mundo

1.1K 93 3
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 4

AiTenshi

Feb 11, 2020

Part 96: Madilim na Paraiso

Sa mga nakaraang buwan ay pansamantalang katahimikan ang tinamasa ng mundo. Bagamat ang pag babagong kinakaharap nito ay patindi na ng patindi. Bagamat may harang ang paligid ng Earth dahil sa enerhiya ni Rashida ay hindi pa rin nababago nito ang kondisyon ng panahon, ngayon ay mas tumindi ang pag kulog, at ang mga kidlat ay kulay berde na, halos katulad na rin ito ng panahong nasaksihan namin sa taong 2030 bagamat pito hanggang walang taon pa dapat ito maganap. Ang kalangitan ay namumula na at mas tumatagal ang gabi kumpara sa araw na napaka bilis.

Tuloy pa rin ang buhay ng mga tao, tulungan at ang iba ay nabubuhay sa pamumulot ng mga gamit, mayroon pa rin namang mga pamilihan ngunit madalas ay nag kakaubusan dahil sa kakulangan ng supply.

"Tadaaaaa!!!" ang bungad ni Cookie noong nag hahanda ako ng pag kain, sa lamesa ay Bart at abala sa pag pupunas ng pinggan.

"Ano naman iyan?" ang tanong ko

"Edi pasalubong." ang sagot niya.

"Galing sa akin!" ang wika ng lalaki sa kanyang likuran sabay silip sa pintuan.

"Nai, bakit napadalaw ka? Pasok ka, nag luto ako ng corned beef." wika ko sabay alis ng apron sa aking katawan.

Napatingin si Nai sa aming tirahan, isang maliit na silid na may dingding ng flywood at yerong luma. "Kuya bakit ganito bahay ninyo? Mainam pa doon nalang kayo tumira sa rest house namin." ang wika nito sabay upo sa lumang silya.

"Pabahay lang ito ng gobyerno. Mas okay na ito kaysa naman doon kami sa tent tumira." ang wika ni Bart

"Pag tinamaan ng plasma thunder itong bahay niyo ay delikado kuya. Nga pala may dala akong mga pag kain. Nag punta ko dito para sunduin kayo, pinapatawag tayo ni Gun Duran." ang wika niya.

"Ayan nanaman e, kumakabog na ang dibdib kapag naririnig ang pangalan ni Gun Duran." ang wika ni Cookie.

"Ako nga e, ayoko nang lumaban gusto ko nalang mabuhay ng payapa pero hindi naman maaari dahil lalong hihina ng pwersa natin kapag nag kulang tayo ng isa." sagot ni Nai sabay kuha sa kanyang cellphone.

"Tungkol saan raw ito?" tanong ko.

"Ang sabi sa akin ni Ace ay nag landing daw sa isla nila yung barkong pang kalawakan ng mga pirata. At natuklasan na raw ni Kapitan Rexus Juho ang kinaroroonan ni Xeno Alpha." ang tugon niya.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSWhere stories live. Discover now