LOA S3 Part 83: Ang Tanging Kabutihan

1.4K 119 19
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 3

AiTenshi

Nag abot sa gitna ang aming nag tamang enerhiya!

Nag liwanag ng husto ang buong kalangitan..

At walang ano ano ay sumabog ito!

May lumabas na malakas na impact na ang tulak sa aming palayo at ang mga eroplano ay mga sumabog at umusok kaya agad silang umalis at nag parachute.

Tumilapon ang aking katawan sa tubig dagat at ang itim na Nardo naman ay bumagsak sa lupa..

Part 83: Tanging Kabutihan

NARDING POV

"Ito ang tadhana mo Narding! Tanggapin mo na na ikaw ay habang buhay magiging malungkot at miserable." ang wika ng Itim na Nardong habang bumabangon ito, duguan ang katawan at wasak ang kalasag.

"Ang aking tadhana ay wakasan ang mga katulad mong ugat ng kasamaan. Ang mga katulad mong walang ginawa kundi guluhin at pasakitan ang buhay ng ibang tao!"

"Dahil kayong lahat ay miserable! At mawawala ito kung mamatay ka Narding! Iyan lang ang paraan para makatakas ka sa malupit na mundong ito!" ang wika niya sabay takbo patungo sa akin. Hinawakan niya ang kalasag sa kanyang ulo at nag hiwalay ang pakpak nito sa kanyang dalawang kamay at naging patalim na may itim na apoy. Mabilis ang kanyang pag kilos, walang pag aalinlangan na ako ay atakihin, agresibo ito at hayok na hayok na ako mapatay.Ginamit ko rin ang kalasag sa aking ulo upang labanan ang kanyang mga pag atake.

Maya maya ay dumistansiya sa akin at saka nag apoy ang kanyang buong katawan at umikot ng umikot hanggang sa maging isang malaking buhawing nag aapoy. Lahat ng kanyang maikutan ay nililipad at nasusunog. Kitang kita ang mga sasakyan pa paligid na umangat sa ere at saka nasunog. Lalong uminit ang paligid kaya naman agad akong lumipad palayo sa kanya. Ang taktikang ito ay hindi ko ginagamit dahil mapanira at mahirap pigilan ang pag daloy ng enerhiya sa katawan.

Patuloy ako sa pag lipad..

Hanggang sa makarating ako sa daungan sa karagatan. Dito ay pinatay ko ang apoy sa aking katawan at umikot rin ako ng umikot sa tubig hanggang sa umangat ito at maging isang buhawing gawa sa karagatan.

Gumapang ang aking buhawi sa seawall patungo sa buhawing nag aapoy na nilikha ng Itim na Nardo. Nag laban ang dalawang makaibang buhawi isang gawa sa tubig at isang gawa sa itim na apoy. Nag ikutan ang dalawa, umuusok ang paligid, yumayanig at binubura ang malaking parte ng siyudad.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSWhere stories live. Discover now