63/2

5.3K 68 31
                                    

"Tignan mo baka 'yan na yung pagkain, baka kasi pag ako pumunta jan mapatay ko yan."

The two are having a movie marathon. Umalis sandali sa tabi ni Nathan si Erinn. Nag-ring kasi ang doorbell nila at halos masira ito sa sunod-sunod na tunog.

"Wait lang po."

Sa sandaling bumukas ang harang na pumapagitna sa kanila, walang makakapigil sa lukso at tibok ng puso ng dalawang kapatid na  pinagkaitan ng oras at sobrang tagal ng hindi nagkasama.

"Kuya?" Sabik nagyakapan ang dalawa at di mapigilang lumuha.

"Kuya..." Humagulgol si Erinn sa mga bisig ni Gian, kitang-kita din nito ang pananabik at lungkot sa mga mata ng kuya niya. Heto na ang matagal na niyang pinakahihintay.

"Kuya! akala ko hindi na kita makikita..." Hinawakan ni Gian ang magkabilang braso ni Erinn at chineck ang katawan nito, nanumbalik ang panggagalaiti ni Gian nang makita nito ang mga pasa sa braso ni Erinn at ang mapupulang marka sa kanyang leeg.

Sumampal kay Erinn ang reyalidad nang makita nito kung pano mamula sa galit ang kuya niya at huli na nang sapilitang pumasok si Gian at hinanap si Nathan.

"Asan ang p*tang*nang hay*p!" Hindi nagpapigil si Gian kay Erinn.

"Kuya, wag! huminahon ka muna...."Nagmamakaawa si Erinn at sinesenyasan itong manahimik.

Sobrang natatakot sa pwedeng mangyari. Ang totoo'y hindi na niya alam kung anong gagawin, sobrang hirap na kahit kakampi na niya ang kaharap niya tila hindi parin tama para sakanya na nandito siya. Sa paglakataong ito, kaligtasan parin ng iba ang iniisip ni Erinn, napaka selfless. Natatakot siya para sa kanyang kuya.

Tuluyang nakapasok ng kanilang bahay si Gian habang pilit parin siyang pinipigilan ni Erinn hanggang sa gulat na gulat si Nathan na makita kung sino ang kaharap niya.

"Hay*p ka!!!" Malakas na suntok ang pinang welcome nito kay Nathan at akmang dadagdagan pa ito pero humarang  si Erinn at sinisikap nitong pakalmahin parin ang kanyang kuya. Napangisi si Nathan.

Nag-iwan ng basag ang suntok nito sa labi ni Nathan, iyak ng iyak si Erinn at sobrang frustrated sa hindi niya makontrol na sitwasyon.

"P*tang-ina mo! Anong ginawa mo sa kapatid kong gag* kaa, anoooo?!" Nanginginig sa galit si Gian, hindi nito mapigilan ni Erinn kaya niyakap nalang niya ito para hindi na lumala pa ang nangyayari.

"Ano sa tingin mo ginawa ko sa kapatid mo?" Kasabay ng nakakalokong ngiti.

"Hay*p ka, anong pangbabab*y ang ginawa mo! Pagkatapos mo ko ilaglag at ipasa lahat ng kasalanan mo?! Wag mong isali ang kapatid kong g*go ka!" Sobrang higpit ng yakap ni Erinn sa kuya niya, bumubulong na tumigil na ito.

"Oo nga pala, hindi ko nasabi sayo kung bakit nakalaya ka pa. Dapat pinasalamatan mo muna yang kapatid mo, She's so f*ckin good!" Makahulugang sagot ni Nathan. Pinagmasdan ni Gian ang kapatid nito na walang tigil na umiiyak at nagmamakaawa sa kanya. Kasabay ng pagkamuhi niya ay ang pagka-awa nito sa kapatid.

Mas lalong nangamba si Gian nang maisip niya ang tagal ng pagkakawalay nilang dalawa, ganon din ba katagal na nasa kamay siya ni Nathan.

"K-uya please tama na....." Awang-awa si Gian kay Erinn. Alam niya kung pano si Nathan sa babae, lahat ng laro nito at galaw. Lalong dumiin sa isip niyo ang pagiging inutil, napakatagal niyang walang alam at napakatagal niyang hindi nagampanan ang pagiging kuya kay Erinn.

Ilang sandali pa, dumating ang tatlong guard na agad na hinawakan si Gian habang si Nathan naman ay mahigpit na hinila palayo si Erinn.

"Pasensya na po kayo Sir, sapilitang pumasok ng subdivision 'to."

"Ginagawa niyo ba mga trabaho niyo, muntik na kaming patayin niyan! Gusto niyo bang i-report ko kayo sa agency niyo"

"N-athan..." Umalma si Erinn dito sa pag-iimbento niya ng tunay na nangyari subalit tinignan siya nito na tila ba nagbabanta.

",Baliw kang hay*p ka, Busog na busog yang bayag mo dahil kinain na pati utak mo! Papatayin talaga kitang kriminal ka!" Pilit nilalabas ng mga guard si Gian.

"Halika na Erinn!" Tatlong hakbang palapit sa kanyang kuya bigla itong huminto.

"Kuya..."

Pinagmasdan ni Erinn ang kanyang kuya na umaasang magsasama silang lumayo dito pero mas nangibabaw ang banta at takot niya sa pwedeng gawin ni Nathan. Consenquences, gaano man niya kagustong umalis she can't afford to lose this chance para hindi magalaw si Gian at Papa niya at manatili silang safe. Napakalaki ng pwedeng magawa ni Nathan, he's so dangerous. Erinn can sacrifice her life for them.

Erinn watch Gian screaming her name hanggang sa mailayo na ito ng tuluyan sa kanilang bahay. Umupo ito ng sahig at walang tigil sa pag-iyak habang yakap ang pinagdikit nitong binti.

"'Pag hindi ka tumigil jan, ibabalik ko sa kulungan ang magaling mong kuya."

Sandali nitong tinignan si Nathan na siyang bumalik sa panonood nito and remain unbothered.

ERINN (R18+)Where stories live. Discover now