Ikalimang Kabanata

12.1K 115 3
                                    

Ilang linggo na ang nakakalipas, So far, okay naman siya sa bagong eskwelahan niya. Although, Hindi parin natatanggal ang mga tingin ng ibang estudyante sa kanya habang naglalakad. Kung tutuusin dapat immune na siya dito, ganito din kasi sa dati niyang school. Pero hindi, pakiramdam niya kasi nawawalan siya ng pagkakataong tumayo sa sarili niyang paa dahil una pa lang, pakiramdam niya hinuhusgahan na siya ng mga ito. Isa pa, hindi talaga nawawala ang mga estudyanteng wala ka pa namang ginagawa kaaway ka na nila. Ang maganda lang dito, dahil kay Chelsea lumalakas ang loob niya. Ilang araw palang silang magkakilala pero pakiramdam ni Erinn nakahanap na siya ng kaibigan.

Palaban at madaldal si Chelsea. Sa unang tingin, aakalain mong hindi ito marunong manangalog at puro ingles lang ang lumalabas sa bibig nito. Pero hindi, pinanganak lang naman siya sa America at dito na sa Pilipinas lumaki, ang sabi nito.

Marami-rami narin siyang nalaman kay Chelsea. May pagkamadaldal nga kasi ito. Nalaman ni Erinn na American ang tatay nito kaya ganun na lamang ang kulay niya at obvious din naman sa apelyido. Every year, binibisita sila ng Daddy niya, busy daw kasi ito sa business nila dun. Nakuwento rin nito na after this year, baka mag migrate na daw sila kasama ang kuya niya at Mommy niya, dahilan para malungkot si Erinn. Pero sabi naman ni Chelsea, hindi pa ito sure.

"Nakikita mo ba yun, Dun ang College Building, yun naman ang closed gymnasium, then yun of course, open gym. Yun naman, soccer field, alam mo bang napakaraming gwapong players diyan. Oh My God ! Si #22, He's one of the boys. Chinito, gwapo at sobrang hoy, 6 packs ang abs at sinlaki ng monay !" Patirik-tirik pa ang mata nito at niyayakap ang sariling tiyan.

Magkasama sila ni Erinn ngayon sa rooftop. Bilang baguhan lamang si Erinn sa school, nagpasya si Chelsea na i-tour ito. Marami-rami narin siyang nakabisado at nalaman sa napakalawak na school nito. Mabuti nalang talaga, nandyan si Chelsea.

"Wait a minute, Sa saturday ba wala kang gagawin o pupuntahan ?" Tanong nito kay Erinn.

"Wala naman. Hindi ko naman kabisado ang mga lugar dito." Mahinang sagot nito habang nakayuko at kinakalikot ang sarili niyang daliri. Komportableng kasama si Chelsea, pero nahihiya parin siya dito. Dahil narin siguro sa previous school niya na hindi maganda ang pagtrato sa kanya ng mga estudyante doon, sa hindi malaman na dahilan. Kaya narin medyo hindi ito sanay at naninibago.

"Come with me Erinn. Boring kaya sa bahay, Don't worry treat ko." Masaya nitong hinawakan ang kamay ni Erinn at naghihintay ng sagot dito.

"....sige na, sa tingin ko naman wala naman tayong gagawing importanteng school works. Kaya sige na !. Napapansin ko rin ako lang palagi ang nagkekuwento. Ang daya mo ! Mind sharing yours too. Basta, this saturday, chichikahan mo ko and then we will have fun. Okay?!"

Isa pang ugali ni Chelsea, ang pagiging makulit nito.Kaya't napangiti at napatango na lang si Erinn dahil sa walang tigil na pamimilit nito sa kanya. Mukhang hindi niya talaga matanggihan si Chelsea.

"You should always wear that smile." Biglang saad ni Chelsea habang nakatingin ito kay Erinn. Napansin ni Erinn na kanina pa pala siya nakangiti kaya't agad niya naman itong tinanggal. Umiwas siya ng tingin kay Chelsea at muling yumuko't kinalikot ang daliri nito.

Ilang segundo lamang sila nanahimik at muling nagsalita si Chelsea. She's smiling looking at Erinn.

"You know what, I noticed, you're uncomfortable to all. Hindi ka komportable sa suot mo, sa mga tao or maybe dito mismo sa school na 'to , o baka naman sakin. Masyado ba kong feeling close sayo?" She became serious. Lumingon si Erinn sa kanya.

"H-indi Chelsea." Erinn said.

"Then why are you so distant?"

Hindi gusto ni Erinn na ganun ang maramdaman ni Chelsea sa kanya, ang totoo'y masaya siya dahil ang bait nito sa kaniya. Sobra lang siyang naninibago at hindi makapaniwala na may taong gusto siyang kaibiganin kahit bago palang siya dito. Bigla siyang natakot na baka ang momentong ito'y biglang masira at mawalan ng bagong kaibigan.

Tumingin si Erinn sa mata ni Chelsea at binigyan ng alanganin na ngiti.

"Siguro nag-aadjust parin ako. Napakalaki kasi ng pagkakaiba ng school ko noon kumpara dito. Napakadami kong nararanasan na dati hindi ko magawa. Ikaw, tinatrato mo kong kaibigan kahit sandali mo lang akong kakilala. Sa school ko kasi noon, walang may gustong kumaibigan sakin. Hindi ko alam kung bakit pero nabuo na sa isip ko na siguro, may mali sakin."

Hindi napansin ni Erinn na tumulo na lang bigla ang luha niya. All of a sudden, lahat ng ng masasakit at masasamang ala-ala sa kanya sa dating eskwelahan niya at mga estudyante doon ay nagsibalikan.

Naramdaman niya ang init ng luha sa kaniyang pisngi. Agad naman niya itong pinunasan. Lumapit si Chelsea dito at inalukan ng panyo.

"I-m Sorry. I didn't know." Chelsea apologized. Nakaramdam ng tinding hiya si Erinn dito, naging emosyonal nanaman siya.

"You know what, first time ko lang magkaroon ng conversation ng katulad nito sa isang kaibigan. I have friends here but present lang during happy times. I don't feel them and you're different, maybe that's why magaan ang pakiramdam ko sayo."
Natuwa ito sa kanyang narinig, meron parin palang tatrato sa kanya ng ganito.

"Hanggang ngayon, hindi ko parin maintindihan kung bakit ayaw nila sakin." Mahinang sabi ni Erinn.

"Ako rin, Hindi ko rin sila maintindihan. Kasi ako, gusto kita. Alam mo the best way you can do is just to be TRUE. Walk like a princess, Smile like an angel, whip your hair in their front, show them the true and genuine you. Eh kaya lang naman sila ganun kasi talbog na mga palaka nilang beauty, mga inggitera! "

A moment to lift up the mood. Napangiti si Erinn sa sinabi ni Chelsea.

"Isa pang hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nilang magpanggap para lang mapansin at maging sikat. Pathetic right?! Yung mga iba naman parang gustong ipagsigawan sa mundo na mayaman sila, kulang na lang magpakabit sila ng billboard at ipaskil ang mga mukha nila with caption na MAYAMAN KAMI. ang -aarte!"

Napangiti ulit si Erinn sa daloy ng pag-uusap nila Chelsea. San nga ba sila kanina ? Hindi mapagkakaila na sobra talaga ang galit nito sa mga estudyanteng masasama ang ugali.

"Nasaan pala ang iba mong kaibigan?" Biglang tanong ni Erinn. Napatawa naman ito na tila ba parang biro ang sinabi ni Erinn.

"Sa school na 'to if you say 'friends', salita nalang yan dito. Anyway, bago pa ko sumabog sa galit. Gusto kong malaman kung naalala mo pa ang mga pinagsasabi ko kanina. Minsan lang akong mag seryoso...."




"Wag kang mag-alala. Susubukan kong maging positibo katulad ng batang naniniwala na ang bawat istorya ay may masayang katapusan, katulad ng sinabi mo."Napalunok si Chelsea sa sinabi ni Erinn.


"Did... did I say that ?" Tanong nito na para bang nandidiri. Tumango si Erinn at sabay silang nagtawanan.





ERINN (R18+)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora