Ikalawang Kabanata

17.6K 140 12
                                    

"Welcome Home !"

Erinn stared at the girl who's standing at the door. Nakasuot ito ng dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba, ang tangkad din nito. Nakangiti ito at kapansin-pansin ang mapulang labi at alagang kutis nito. Nakasuot din siya ng hikaw na halos umabot na sa sarili nitong balikat ang haba. Napaganda ng ngiti, mukha at hubog ng katawan nito.

Saglit ay napaisip si Erinn.' Sino siya?'

"Sweetheart, gutom ka na ba?"

Dumiretso at lumapit ito kung saan ang Papa niya nang di man lang siya pinansin. Yumakap siya dito at hinalikan ang gilid nitong labi.

Kumunot ang noo ni Erinn. Tila ba bawat letra sa bawat salitang binigkas ng babae ay isa-isa lang pumapasok at iniintindi ng isip niya.

Yes, alam niya na may kinakasama na ang Papa niya pero ang isipin ang edad at maaring personalidad nito ...

"Elsa, Tumigil ka nga !. Nandyan ang anak ko." Humiwalay sa pagkakayakap ang babae dahilan para mawala ang ngiti nito.

"Oh ! Sorry." Tumingin ito sa likod kung saan si Erinn. Ngumiti ito sa kanya at lumapit.

"You must be Erinn, right?. I'm Elsa, ako ang asawa ng Papa mo. Call me Tita Elsa." She said in a very enthusiast way. Nahihiya man at di alam ang sasabihin ni Erinn, nagbigay ito ng kaunting ngiti kay Elsa. Hindi niya maintindihan ang sarili, dahil pakiramdam niya hindi siya komportable. Siguro dahil nga, napakabago sa kanya ang mga nakikita at nalalaman. Isa pa, kakarating lang nila galing sa mahabang biyahe kaya siguro dahil narin sa pagod.

"Alam ko gutom ka na, Marami akong niluto at inorder na sure ako na wala sa pinanggalingan mo. So, Tara na sa loob."

Napakunot ulit ang noo ni Erinn. Pakiramdam niya ay medyo nainsulto siya pero agad niya ring kinumbinsi ang sarili, na baka nagkamali lang ng paggamit ng salita ito o kaya naman walang intensiyon na mang-insulto.

Tumango siya dito at sumunod papasok ng kanilang bahay.

"Mukhang kailangan ko pang bumili ng decoration dito sa bahay. Medyo luma na kasi. At alam mo ba sweetheart, kanina nung kasama si Bianca sa mall nakakita kami ng bago lang na design na sofa. Limited lang siya, kaya this saturday..."

"Puro kana lang bili Elsa. Diba sabi ko sayo na tumigil ka na sa kaka-shopping mo at manahimik ka nalang dito sa bahay. At anong luma? Diba kabibili mo lang ng mga gamit dito nung nakaraan." Tumikom ang bibig ni Elsa dahil dito.

"Anak, kumain ka lang mabuti pagkatapos niyan sasamahan ka na ng Tita Elsa mo sa magiging kwarto mo. Nandun narin ang mga kakailanganin mong gamit pati ang bagong uniporme mo."

Nakangiti nitong sabi sa kanya. Tumango si Erinn at binigyan ang ama ng kaunti at pilit na ngiti.

Ilang minuto, natapos silang kumain, nagpaalam rin saglit ang Papa nito dahil sa tawag na natanggap mula sa pinagtatrabahuhan nito. Naiwan siya at si Elsa sa bahay kaya medyo naiilang ito.

"Tara ! Papakita ko sayo ang room mo. I'm sure you're gonna like it."

Erinn followed Elsa.

Talaga ngang malaki ang bahay na ito, tingin palang sa labas ng bahay. Napakarami ring eleganteng decoration, na sigurado si Erinn si Elsa ang pumili at nag-ayos ng mga ito. Siguro dahil na rin sa maganda ang trabaho ng Papa niya o kaya naman pati si Elsa .

Binuksan ni Elsa ang kwarto at tumambad sa kanila ang kulay puti na pader at kisame. May isang kama at sa tabi nito ay nightstand,at napakalaking closet malapit sa isa pang pintuan sa loob na malamang ay banyo.

"I chose white paint dahil sobrang refreshing ang color na 'to. So, Come on! come in to your new room. " Elsa said. Ngumiti si Erinn at sinundan si Elsa na pumasok.

"Yung mga damit mo pala, Pinaayos ko na kay Manang dyan sa closet mo bago pa siya umalis. Pati narin pala mga gamit mo." Ngumiti si Erinn dito at tumango. Tumingin si Elsa sa kanya at parang ine-eksamin siya mula ulo hanggang paa. Biglang nailang si Erinn.

"Alam mo, Maganda ka. You look like Grace."

Nagulat si Erinn ng banggitin nito ang pangalan ng kanyang Mama. 'Kilala niya si Mama? Paano?' Tanong niya sa sarili.

"K-kilala niyo po si Mama?" Tanong niya dito.

"Yes, I know her. She's my tutor in Math when I was in High School. Napa-coincidence nga e, Her husband before is my husband now. Well, siguro destined narin siyang mawala and I, na mapang-asawa si Henry." Yumuko si Erinn at pilit ikinalma ang sarili. Aaminin niyang, Hindi niya gusto ang pagsasalita nito lalo na ng tungkol sa kanyang Mama. Elsa should respect her dahil Mama niya ito.

"Anyway, maiba tayo, See that one." Tinuro nito ang uniporme na na nakasampay sa upuan.

"...That's your uniform. Sanayin mo na ngayon ang sarili mo na magsuot ng maikli Erinn. Sa totoo lang, ang manang mong tignan sa suot mo. Pero dahil kasama ka na sa pamilya."

Tumayo ito at lumapit kay Erinn, She placed her hand into her shoulder.

"Hindi pwede 'yan sa paningin ko." Elsa smiled.

ERINN (R18+)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora