33 Bloom

7.7K 90 17
                                    

Problema sa bahay, iba't-ibang tsismis sa school, pangungulila niya sa ama at kapatid. Dalawang linggo na mas lalong pinagsikapan ni Erinn na tiisin ito sa puder ni Nathan. Oo, dalawang linggo na siyang namamahay sa condo ni Nathan. Lahat ng galaw niya'y tutok, lahat sinisita, lahat may parusa. Weekdays pagkauwi galing school, gabi-gabing sex. Sabado, gimik sa The Bar Encounter. Linggo, pasyal sa ibang lugar. Hindi mawawala ang sex. Dumadalang narin ang pangbubugbog sa kanya ni Nathan senyales na mas ngugustuhan na ni Nathan ang ginagawa ni Erinn. Umaasa si Erinn na kahit papaanoy lumabas ang bait ni Nathan, naniniwala siya na lahat ng tao may mabuting pag-uugali kasama na dun si Nathan. Umaasa siya na sa bawat pagpapagamit niya sa kahit saan at hindi pagtanggi o pagtutol mapagbigyan ang paunti-unting kahilingan niya hanggang sa palayain at makawala na siya.

Kumalat talaga ang bali-balitang buntis siya non sa buong unibersidad, sobrang sakit marinig lahat ng paninirang puri sa kanya maging ang paratang nilang nagpalaglag siya. Napakamakapangyarihan talaga ng tsismis kaysa sa katotohan. Walang nagpatotoo nito pero marami paring naniniwala. Kumalat din
ang kababuyang ginawa ni Nathan kay Erinn sa library, na kung saan araw ng miyerkules doon natipuhang gamitin ni Nathan si Erinn. Delikado ito pero para kay Nathan napaka exciting ng ginawa niya. Hindi narin bago sa kanya 'to. Alam ni Erinn na may isang estudyanteng nakapansin sa kanila at hindi siya nagkakamaling eto nga ang nagpakalat sa Page ng school sa facebook na ginawa ng mga estudyante para mangbunyag ng mga sekreto at magbigay ng mga blind item. Ilan lamang yan sa mga dumagdag na pinagpepyestahan ng lahat pero mas marami paring mga nangyayaring sila lamang dalawa ang nakakaalam. Sa girl rest room, sa likod ng kanilang locker room, sa gym at sa cr ng kanilang mga kinakainan na mamahaling restaurant. This satisfies Nathan so much.

Marahil blessings in disguise narin ang pagkakaroon ng buwanang dalaw ni Erinn kung kaya't isang linggo itong makapagpapahinga sa kahalayang ginagawa ni Nathanl. Pakiramdam niya'y day-off o rest day niya ito. Natuwa rin siya ng pagkagising at umagang biyahe'y sa ospital pala ang diretso nila. Tumagal din 20 minutes na kinausap ni Erinn si Henry. Hindi man naririnig nangako ito sa ama na gagaling siya at babawi siya bilang anak, lalabas sila kasama si Gian papasyal sa probinsiya at linggo-linggong dadalawin ang puntod ng Mama niya. Naalala niyang malapit na ang birthday ng ina kung kaya't puro masasayang ala-ala ang kinuwento nito noong kumpleto pa sila. Hangga't maaari ayaw niyang mabanggit ang pinagdadaanan nito dahil baka bilang marinig siya ng ama at mag-alala pa ito. Ang sarap balik-balikan ang mga araw na 'to at wala ng tutumbas sa saya niya noon. Bago matapos ang oras ng kanyang pagbisita pinaalalahanan niya ang ama na huwag itong mag-aalala at sana magising na ito.

Pag-alala ma'y hindi matanggal kay Erinn hindi parin nito mawari ang ngiti sa labi dahil sa pag-aallow ulit ni Nathan sa pagbisita nila kay Henry kahit na alam nitong lahat ng ito'y may kapalit.

"T-hank you Nathan..." Halata man ang lungkot sa mata niya, sinikap nitong bigyan si Nathan ng ngiti kahit na may takot siya na baka pahiyain o hindi man lang siya pansinin (Nathan being Nathan). Subalit nagulat si Erinn ng gantihan din siya ng ngiti ni Nathan.


It's different. It's not overacting pero nagulat si Erinn. Hindi ito nakakalokong ngiti, hindi ngisi, hindi ngiting may balak. Is this Nathan being himself? Sandaling ngiti lang ito pero pakiramdam ni Erinn nakakita na siya ng isang hint sa "mabait na Nathan". Those smile suits his lips and it's cute. He's cute.

l
Hindi mawala sa isip ni Erinn ito. She even looked at Nathan repeatedly and now she's started to check and admire how perfect his face is. His brows, eyes, nose, lips and his perfectly shaved beard. Bumaba ang tingin niya sa buttoned shirt nito hanggang sa mga kamay nito sa steering wheel dahilan para matigil si Erinn at ibaling ang tingin sa daan.

Mga kamay na nagpapahirap sa kanya, walang awang nananakit at kamay na makapangyaririhan.

'Hindi Erinn! Ano bang nangyayari sayo, hindi dapat hinahangaan ang lalaking yan.'




Erinn (R18+)Where stories live. Discover now