55

7.1K 86 54
                                    

Narinig ni Erinn ang pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto, nakabukas ang CR at narito siya habang sinusubukan ang mga hair tie and pins na ipinamili at niregalo ni Nathan nung bago ito umalis sa kaniya.

"Ate Lalyn andito po ako, sobrang cute po ng mga hair pins sinusubukan ko po."

Inayos nito ang sariling buhok, tinirintas and nilagyan ng hairpins. Nagmadali si Erinn na lumabas ng banyo at parang batang tuwang-tuwa ipakita kay Lalyn ito.

"Ate tignan mo maganda diba?"

Biglang nawala ang ngiti nito sa labi, sandali itong napako sa kinatatayuan at agad ding umatras ng papalapit sa kanya ang taong nasa harap niya. His hair is a mess, hindi rin ito nag-aahit ng bigote, he looks so drunk. He's a total mess.

"A-nong ginagawa mo dito?!"

Napatigil sa pag-atras si Erinn ng mismong pader na ang pumara sa kanya. Dito na-corner siya ni Tobby na mahigpit at sabik siyang niyakap.

"Bitawan mo ko!" Nagpupumiglas si Erinn.

"Miss na miss na kita Erinn."

Malakas na sampal ang natanggap ni Tobby ng ambang hahalikan nito si Erinn. Nang makawala sa yakap mabilis na tumakbo palabas ng kwarto at pababa.

"Ate Lalyn!!!!! Ate!!!!" Nanginginig ito sa takot lalo na ng marinig niya ang pagkalampag ng isang babasagin sa bandang kusina.

"Ate!!!" Erinn almost jump on Lalyn's when she reach the kitchen.

Walang tigil sa iyak si Lalyn habang ang mga kamay nito ay nakatali sa likod ng upuan. Takot na takot siya dahil kaharap niya ay si Emman hawak ang isang kalibre na siyang nakatutok kay Lalyn at ng sandaling makita ni Emman si Erinn inilipat nito ang pagtutok sa kanya.

Hindi na nakagalaw si Erinn at hinayaang makalapit si Emman sa kanya habang pati si Tobby ay nasa likod na niya rin. Isang sobrang higpit na yakap ang natanggap muli nito sa kanyang likod mula kay Tobby.

"Parang-awa niyo na wag niyong idamay si Ate Lalyn...." She cried.

"Shhhh.....Of course, of course!"Emman smiled , ibinaba nito ang baril na nakatutok kay Erinn.

"S-i Nathan....andito na ba si Nathan?!" Pilit tinatanggal ni Erinn ang mga kamay ni Tobby sa kanya.

"Malalaman niya kung sasabihin mo." Muling bumalik si Emman sa tabi ni Lalyn at tinutok ang baril sa sintido nito. Walang tigil ang pagmamakaawa ni Erinn, hindi niya maintindihan kung bakit ginagawa ng dalawa ito at ng wala dito si Nathan.

"A-nong kailangan niyo?!" Iyak ni Erinn.

"Ikaw Erinn, i need you, i badly need you ..." Tobby whispered hindi parin ito bumibitaw sa pagkakayakap kay Erinn at inattempt pa nito ng paulit-ulit na halikan si Erinn pero mailap ito.

Humagulgol na sa iyak si Erinn nang mas itutok ni Emman ang baril sa sintido ni Lalyn. Kabisado ng dalawa ang bawat sulok ng bahay. Alam nila kung saan walang camera at blind spot.

"Emman nagmamakaawa ako, wag niyong sasaktan si ate Lalyn..." Halos mapaluhod na ito sa pagmamakaawa, binawian niya ito ng ngiting puno ng masamang balak. Preskong-presko itong umupo habang walang takot na pinaglalaruan ang hawak niyang baril.

"That's where her room, right?" Tinuro nito ang daan patungo sa kwarto ni Lalyn. Sa pagkakataong ito, lumilinaw na kay Erinn ang nais nitong ipunto.

"Be mine Erinn, itatakas kita dito just please be mine. " Uhaw na uhaw nitong pinasadahan ng halik ang mukha ni Erinn. Walang alinlangan nitong sinampal si Tobby.

"Oops! That's not nice Erinn." Labis na nakapanghihina ang pagbitiw ni Emman ng salita. He has a gun. Lalyn is shaking so bad.

"Ano bang kailangan niyo sakin?!" She cried her heart out. Emman pointed the gun to Lalyn's room, answering her question.

ERINN (R18+)Where stories live. Discover now