29 USUAL

9.3K 81 44
                                    

There's a bit difference now how Erinn's day flows in her school. Of course bullying is there, She's started receiving notes from an unknown students na gustong makipag-meet sa sinasabing lugar at worst is nakakatanggap siya ng mga sulat na ino-offeran siya ng presyo. Chocolates, flowers, teddy bears, notes and vandals on her locker. Hindi parin sila tumitigil sa kabila ng pag-aasure ng kanilang counselor na hahanapin at ipapatawag kung sinuman ang taong naninira sa kanya at nagpapakalat ng mga malalaswang litrato na si Erinn 'kuno' ito. Yes! Katulad ng sinabi ni Nathan, sinunod ni Erinn ang utos nito na itangging siya ang nasa litrato at magmukhang kaawa-awa sa harap ng counselor. Hindi naging mahirap kay Erinn ang pagmukhaing sariling naaapi dahil simula't sapul naman talaga ay siya ang kawawa't nasisira. Gayunpaman, wala paring pagbabago dahil ang totoo'y mas lumala at lumalala pa ang nangyayari sa kanya sa eskwelahan . Alam din ni Erinn na kahit malaman man nila kung sino ang naninira sa kanya wala parin itong magagawa dahil makapangyarihan ang tao na 'to, si Nathan.

Sinimulan ni Erinn ang pagliligpit ng kalat sa kanyang locker, 3 days na niya 'tong ginagawa. Mga papel na nakapaskil na may iba't-ibang nakasulat na iisa ang gustong iparating sa kanya, na malandi siya, pa-walk, mang-aagaw ang iba pa dito'y presyo ang nakasulat. Masakit makatanggap ng mga ito lalo na't hindi naman totoo, na habang tinatanggal at pinupunit ni Erinn ang mga papel ay halos matumba siya dahil sa panghihina ng tuhod, ng buong katawan, ng puso. Ang mga tsokolate at iba pang gamit at pagkain na natatanggap niya'y ibinibigay nalang ni Erinn sa matandang janitor ng kanilang eskwelahan.

Pagkatapos linisin ang kalat, inilagay na dito ni Erinn ang tatlong libro na kanyang hawak bago dumiretso sa cafeteria at maglunch. Karga ang bag sa kanyang balikat ipinasok nito ang kamay sa loob at kinuha ang natitira pa niyang pera habang naglalakad. Nakakatawang isipin na kahit napakadaming gamit, damit at kung saan-saan siya dinadala ni Nathan pero ni minsan hindi niya ito binigyan ng pera, wala rin sa isip ni Erinn ang humingi dito. Mabuti nalang at may kaunti siyang naipon mula sa baong binigay sakanya ni Henry noon, nag-aalala si Erinn sa kung saan siya kukuha ng pera dahil sa ngayon ay 27 pesos nalang ang natitira sakanya. Ilang araw nadin siyang nag-lalunch ng sandwich at para makatipid hindi nalang ito bumibili ng inumin sa cafeteria, umiinom nalang ito sa drinking fountain ng school nila at pagkatapos ay pag-uwi bumabawi nalang sa kung anong ipapakain ni Nathan sa kanya o sa supply ng pagkain ni Elsa sa bahay nila. Maging sa bahay ay hindi parin nawawala ang pagtitipid niya, sinisikap ni Erinn na hindi galawin ang supply ng pagkain sa bahay dahil siguradong isusumbat ni Elsa ito at magagalit. Madalas ay nagluluto nalang ito ng lugaw para makapananghalian at makapanghapunan. Okay lang kay Erinn ito, hindi siya maarte at sa katunayan ganito rin madalas ang kinakain niya sa probinsya lalo na't kung luto ng kanyang lola. Pinalaki siya nito na hindi mapili at hindi maghangad ng mga mararangyang kagamitan. At isa pa, wala namang mali sa pagkain nato.

Marami ng studyante, eto talaga ang iniiwasan ni Erinn pero thru the art of deadma, she's trying to act normal, palabasin ang mga naririg sa kabilang tenga at magpatuloy sa ginagawa.

"Ate, pabili po ng isang egg-sandwich." Nginitian parin ni Erinn ang nagtitinda kahit na tila hindi ito pinapansin. Naisip niya na baka dahil nalilito na ito dahil sa dami ng bumibili. Binigay din agad ng tindera ang order niya at agad hiningi ang bayad.

Magsisimula na sanang maglakad si Erinn pero mapatigil siya ng marinig na kulang ang kanyang binayad.

"Miss kulang ng 5 pesos ang binigay mo." Mataray na pagkakasabi ng tindera.

"25 pesos po ang binigay ko ate." Pag-rereassure ni Erinn na kampanteng maniniwala ang babae, ngumiti pa si Erinn dito.

"Oo nga, kulang ng 5. 30 pesos yan." Pagmamatigas ng tindera. Nagtaka si Erinn dahil 25 pesos lang naman ang pagbili niya dito pero bakit biglang nagbago. Nagsisimula narin silang makaabala sa iba pang bumibili at hindi malaman ni Erinn kung ano ang gagawin hanggang sa may isang nagboluntaryong magbigay nalang ng limang piso. Sobrang nahihiya si Erinn sa abalang nagawa niya at sa lalaking nag-abono sa kulang niya.

Erinn (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon