35 Every Man Wants Erinn

7.2K 78 27
                                    

Pagkatapos labhan lahat ng damit ni Elsa isinunod namang linisin ni Erinn ang buong bahay hanggang sa sala nalang ang natira nitong linisin huminto muna ito at nagpahinga. Napakaraming labahan ang naipon ni Elsa dahil ilang linggo ding hindi namamalagi si Erinn ng bahay, madalas ay nakay Nathan eto at minsan naman gabi narin itong nakakauwi ng bahay idagdag pa ang pagod niya.

Sinadya siya ni Elsa sa condo ni Nathan at doon sinimulang pagbungangaan. Puro nalang daw ito pasarap at iniiwasan na ang obligasyon nito sa kanyang bahay. Sinubukan ni Erinn magpaliwanag pero ang labas lang kay Elsa ay sinisisi daw nito si Nathan. Nagsumbong si Elsa at nagalit si Nathan kung kaya't nakatanggap nanaman ng sampal si Erinn. Kinabukasan ay, maagang ginising ni Nathan si Erinn at himalang inihatid nito sa bahay kung kaya't ngayon ay narito si Erinn at ginagawa lahat ng nakahandang obligasyon niya.

Mag-uumpisa ulit siya sana ng makarinig siya ng katok sa pintuan. Dali-dali itong pumunta dito at binuksan ang pinto. Nagulat at nagtaka si Erinn ng makita niya sa harap niya si Tobby.

Anong ginagawa niya dito?

Hindi alam ni Erinn kung isasara ba niya ang pinto o papapasukin si Tobby. Iniwasan niya itong tignan dahil sa mga araw na nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya ay para bang may kakaiba dito. One thing na pinakanapapansin ni Erinn dito, he doesn't talk much but his eyes are saying something. Hindi ito komportable para kay Erinn dahil hindi parin maiaalis ang katotohanang kaibigan niya si Nathan at pare-parehas lang sila ng ugali, magsalita man o hindi.

"I'm sorry kung tumuloy nako, nakabukas kasi yung gate." He smiled awkwardly at kinamot ang kanyang batok. Siguro kung hindi pa kilala ni Erinn ito aakalain niya na mabuti ang lalaking kaharap niya pero hindi, He's so strange and Erinn's not buying it.

"Anong kailangan mo?" Hindi parin binubuksan ng maigi ni Erinn ang pinto at walang balak papasukin ang nasa harap niya.

"Ah-sorry, I just came here to give this." Hawak nito ang isang paper bag at iniaabot kay Erinn pero kwestyonableng tinignan lang ni Erinn ito.

"Alam kong magugustuhan mo 'to, kunin mo na." Kumunot ang noo ni Erinn.

"A-ang ibig kong sabihin, kunin mo na kasi magagalit si Nathan. It's from Nathan, he just asked me to give this to you so here ." Erinn tried again to look Tobby's face pero hindi niya parin matagalan at sobrang hindi siya komportable sa iniiwan nitong titig. It's not that Tobby is ugly ang totoo nga'y napakagwapo nito madali kang malilinlang ng maamo niyang mukha pero hindi si Erinn, hinding-hindi.

Kinuha nito ang paper bag at balak ng isara ang pinto pagkatapos subalit pinigilan siya ni Tobby.

"Sandali lang Erinn." Seryoso itong tinitigan si Erinn.

"M-ay kailangan kapaba?" Hindi maintindihan ni Erinn kung bakit kinakabahan siya, parehong-pareho ang nararamdaman nito kapag si Nathan ang kaharap niya.

"Pwede ba kong makainom ng tubig Erinn."
Mas lalong kinabahan si Erinn, hindi ito makapagdesisiyon kung papapasukin niya ba ito, hindi mawala-wala sa isip niya na baka may balak itong gawin sa kanya o di kaya'y madatnan siya ni Elsa na siguradong ikagagalit nito.

"Nauuhaw na kasi ako, don't worry aalis narin ako pagkatapos." Wala ng nagawa si Erinn kung hindi pagbuksan si Tobby. Hindi niya rin naman pwedeng sabihin na walang tubig sakanila dahil hindi ito kapani-paniwala.

Suot ang oversized na T-shirt at pajama na mejo basa pa dahil sa paglilinis nito at paglalaba, biglang naconcscious si Erinn sa kanyang harapan. Halatang-halata ang umbok ng suso nito dahil hindi ito naka-bra kung kaya't gamit ang mahaba nitong buhok inihati niya ito sa dalawa at pinangsara sa kanyang harap.

Erinn (R18+)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin