36 Curse Chasing Erinn

7K 86 43
                                    

"Okay, See you for tommorow's unit test. Bye class."

Erinn packed her things up. Marami-rami ang hahabulin nitong lessons para sa pagsusulit nila bukas. At ngayon palang ay napagplanuhan na nitong mamalagi sa library sa kanyang bakanteng oras pero bago iyon ay dumiretso muna ito ng school canteen at bumili ng tanghalian.

Napakaraming kumukuha ng atensyon niya pero pilit na pinagsasawalang-bahala ni Erinn ito dahil malamang ay iisa lang naman ang pakay ng mga ito. Pakiramdam nga ni Erinn ay tila ayaw ng mundong may kumausap sa kanya dahil tiyak na malaking gulo ang susunod. Pinipilit niya paring tanggapin ito pero hindi parin niya maiiwasang isipin na siguro unfair lang talaga ang mundo pagdating sakanya, marahil pinanganak siya ng may kakambal na malas. Gusto niyang matahimik, ayaw niya ng gulo subalit tila ayaw siyang tantanan ng kamalasan.

"Hi Erinn." Humarang sa harap ni Erinn ang limang mga magaganda dingbabae na puros naka make-up at mas maiikli pa ang unipormeng suot. Marahil may grupo ang mga ito at sikat sa buong unibersidad pero hindi ito kilala ni Erinn.

"Ikaw si Erinn diba?!"

"Yung sinasabi nilang maganda pero slut." Pumantig ang mga tenga ni Erinn at aalma sana pero agad napakalma ang sarili.

"Don't worry, hindi kami naniniwala."
Tinignan ni Erinn isa-isa ang mga babae na may pinagbubulungan habang halatang pinipigilan ang tawa.

"Hindi kami naniniwala na maganda ka, pero naniniwala kami na slut ka." Nagtawanan ang mga ito.

Tumalikod si Erinn dahil alam niya na kung anong susunod na mangyayari. Eto na nga ba ang sinasabi niya.

"Ganyan ba kayo ng buong family mo? May iba't-ibang bulok na tinatago. Hindi pa kayo nahiyang magkalat dito sa school namin."

Humarap muli si Erinn sa mga ito.
"Kung anuman ang nagawa ko sainyo, humihingi ako ng tawad." Para tapusin ang namumuong gulo sa canteen humingi na ng tawad si Erinn kahit na wala naman itong ginawang masama sa kanila subalit hindi parin tumigil ang mga ito.

"Sorry is not enough. You should get out of here. You're a trash in this prestige school, hindi ka nga nababagay dito e! You're just here to continue your dirty business diba? Everyone knew it! You're a  prostitute! Hindi ko nga alam kung bakit may mga lalaki pang kumakagat sa cheap na katulad mo even Nathan nauto mo!" Once again, lahat na ng tao sa canteen ay nakatutok at nagsimulang magbulung-bulungan.

"Concern lang kami sa school namin, ayaw naming mabahiran ng dumi ito so please, bumalik kana sa nanay mong nagturo sayo!" Nagsimulang mamuo ang mga luha sa mata ni Erinn. Labis siyang pinapahiya ng mga babaeng kaharap niya na walang alam sa katotohanan.

"Alam mo I used to like Gian and that's one of the biggest thing I regret in my life. Mamamatay tao pala siya but thank god he's in jail now, ikaw kaya kailan? Balita ko, nasa ospital ang tatay mo dahil sayo. Kungsabagay, hindi na kami magtataka." Nagtawanan ang mga ito at walang tigil sa paninira kay Eriin.

"Nasan pala ang nanay mo? Pinatay din ba? Killer din ba? O Prosti din?" Hindi na nakapagtimpi pa si Erinn ng idawit na ng mga ito ang Papa niya at ang kanyang Mama. Humiliate her but not her parents.

"Wag na wag mong babanggitin dito si Mama at Papa!" Isinara nito ang kanyang kamao sa pagpipigil ng galit.

"Oops. I got you there!" Mas lumakas ang loob ng mga babae sa pangbubully kay Erinn at mas natuwa ng malaman ng mga ito ang weakest point niya.

"Grabe ka naman Erinn, I was just asking kung prosti....."

Hindi na pinatapos pa ni Erinn sa pagsasalita ito. Lumapit si Erinn dito at itinulak ang babaeng nasa harap nito. Masama ang loob niya at hindi niya pa kayang pigilan ang sarili. Punong-puno na siya.

Hindi rin nagpaawat ang babaeng itinulak niya at agad niyang kinuha ang buhok ni Erinn at sinimulang sabunutan. Sobrang nagdidilim ang paningin ni Erinn at wala siya sa tamang katinuan. Hindi rin siya nagpatalo at mas lalong lumakas pa dahil sa sama ng kanyang loob.

Parang isang pelikulang nanunuod ang lahat at tila walang may balak mag-awat, saksi ang mga kamerang nakatutok sa tindi ng sabunutan ng dalawa hanggang sa nagsilabasan ang ibang mga tao sa loob habang ang mga iba'y nanatili at binigyan ng daan ang dumating na dalawang guro.

"MAGSITIGIL KAYO!"

Tumahimik ang lahat maging si Erinn napatigil sa ibabaw ng pakikipagsabunutan. It took her a minute bago siya malinawan sa mga nangyayari. She's on top of a girl na walang tigil sa pag-iyak. Magulo ang buhok nito at may mga nawalang butones din sa uniporme niya. She's a mess. Nagulat siya ng makita niya anig mga kamay niyang may napakaraming hibla ng buhok at ng maidapo niya ang mga mata sa paligid doon na mas natauhan si Erinn.

Anong ginawa ko?

Next thing she knew nasa counselor office na siya.

"There's no need for her to explain herself. She hurt my daughter and the video shows it all. I want this girl to be sued here in this school."

Erinn can't speak, hindi parin siya makapaniwala sa kanyang nagawa. She can't even explains herself and clear her name. She's so sorry for what she did, she's sorry for herself she's sorry for everything.

The Counselor got two students who witnessed what has happened for her to give a just decision. Fortunately, kinuwento ng mga ito ang totoong nangyari dahilan para mas gumaan ang parusa ni Erinn. From their story sinabi nila na hindi naman talaga si Erinn ang nagsimula. They bullied Erinn.

"I am so disappointed from what happened. Hindi na kayo bata para mag-away at magsabunutan sa gitna ng maraming tao. That is not something to be proud of, mygod! You are not just ruining your records here but this school really."

"But Ma'am, Si Erinn naman talaga ang sumisira sa image ng school e. Kinompronta ko lang naman siya. Kuya niya si Gian and no wonder parehas sila. At isa pa, kalat na kalat sa school na isa siyang prostitute."

"You have proofs?" Napatigil si Vea sa tanong ng Counselor.

"See, that's what I'm talking about. You can't just throw words from people from his or her family's history or anything na sabi-sabi lang o kinakalat.
Ms. Vea Valera magkaiba ang pagko-confront sa bullying. At hindi namin tinotolerate ito. "

"And you Ms Erinn Zierna, What you did is very wrong. I'm sorry but we're also don't tolerate it kahit na sabihin na nating pinagtanggol mo lang ang sarili mo. Okay, bago ko sabihin ang resultan ng ginawa niyo gusto kong humingi kayo ng sorry sa isa't-isa."

"But she hurt me!"

"You hurt her too. You hurt each other Ms. Valera. Gusto mo bang magtagal tayo dito?"

"Okay! I'm sorry." Labas sa ilong na sabi ni Vea.

Walang tigil sa pag-agos ang luha ni Erinn.
"I'm sorry, patawarin mo ko."

Vea's mother is present and she even talk to counselor before the meeting ends. Dala ang kanyang bag, naglakad ito papalabas ng office. Hindi nito maiwasang matulala dahil sa nangyare. She's hating herself so much.

Hawak ang isang papel na may lamang masamang resulta matiyaga siyang naghintay sa kinaroroonan ng sasakyan ni Nathan hanggang sa swerteng dumating ito ng mas maaga pa sa akala niya.

"N-athan






suspended ako ng one week."

Erinn (R18+)Where stories live. Discover now