Ikasampung Kabanata

9.4K 113 10
                                    

"Oh! What's with the face? May problema ba?" Napansin ni Chelsea na kanina pa walang kibo si Erinn sa mga nakakatawang hirit at kuwento niya. Nasa loob sila ng classroom ngayon habang hinihintay ang susunod nilang guro.

"Wala namang problema Chelsea." Pagtatanggi nito sa pagbabalik realidad.

"Eh bakit kanina kapa naka-poker face diyan? Come on Erinn! Tell me, ano yun?" Iniharap ni Chelsea ang isang upuan kay Erinn at dun umupo.

Ilang araw nang hindi umuuwi si Gian at ilang araw na ding puyat si Erinn dahil sa paghihintay dito. Sobra na itong nag-aalala sa kanyang Kuya, sinubukan niya ng magbakasakaling pumunta sa building ng mga engineer students pero agad din namang umatras ng makita nitong napakaraming nagsisitinginan sa kanya na malamang sa isip ng mga ito ay hinuhubaran na siya. Sinubukan din nitong hintayin si Gian sa labas NIU pero hindi parin niya ito mahagilap, ang tanging paraan nalang para malaman ang kalagayan niya ay ang puntahan ang abandonadong lugar kung sasn dun niya huling nakita si Gian.

"Wala akong problema Chelsea, hindi lang talaga ako nakatulog masiyado nitong ilang gabi, siguro dahil hindi parin ako sanay sa bahay." Pagpapaliwanag nito.

"Mag-iilang buwan kanang tumutira doon, hindi kaparin sanay? O sadya talagang may problema kalang, o kaya naman may iniisip ka na ewan ko kung sino. Alam mo yung Pers Lab na kanta, yun! Yung part na 'hindi na makatulog, hindi pa makakain'. Baka ganun yung nararanasan mo girl! May sinagot kanaba sa mga nanliligaw sayo? Naku! Naku! Naku! Siguraduhin mong hindi yan katulad ng mga mahahanging nandito sa classroom na 'to" Napangiti ng kaunti si Erinnn sa napaka-hindi-kapani-paniwalang konklusiyon ni Chelsea. Kahit kailan talaga ang daldal nito, pero katulad ng dati nitong nagagawa hindi parin siya nabibigong patawanin si Erinnn.

"Mali ka ng iniisip Chelsea."

"Atleast nag-havey diba?" Nakangiti nitong sabi.

"Guys kilala niyo si Roman Diaz, yung soccer player ng IV-C, Naka-confine daw ngayon dahil bugbog sarado daw. Kaya marami nanamang estudyanteng anduun sa gilid ng Guidance Counselor office para maki-usosyo dun sa gumawa nun. Sayang! Gusto ko din sanang mag-stay dun, kaya lang baka biglang dumating si Miss Cepeda, dragon pa naman yun pag magalit." Hingal na hingal na pumasok si Jenny sa classroom habang nagkakalat ng mga nakalap niyang chismis. Agad namang dumoble ang ingay at pagkukuwentuhan ng mga iba pang kaklase ni Erinn dahil sa nalaman.

"Sorry, pero wala akong pakialam dun, kung si number 22 PADILLA pa yan siguradong hindi mo pa nalalaman magaling na siya dahil sa healing prayers ko at pag-nonovena." Sumabat si Chelsea sa gitna ng tsismisan pero tinignan lang siya ni Jenny at nagpatuloy sa hobby niya.

"Grabe. Who did that to him Jenny?" Tanong ng isa nitong kaklase na mukhang isa din ito sa tagahanga ng player.

"As usual, sila Nathan pero si Gian Zierna lang ang pinapunta doon." Nagulat si Erinn at tumriple ang pag-aalala. Sari-sari ang opinyon ng mga iba nitong kaklase, ang iba sobrang naiinis nanaman sa ganitong kaparehong nangyayari ang iba naman ay parang tuwang-tuwa pa.

"Mabuti lang sa Diaz na yun, masiyadong mayabang."

"Showing how bad he is, makes him so hot. I still like Nathan, whatever."

"Dapat patas naman sila, hindi lang yung Gian na yun ang kina-counsel, sus! Where's the fairness?"

"Hayy nako! Buti nalang talaga at hindi mo kaano-anu yang Gian na yan Erinn kahit na magka-apelyido kayo. Napakademonyo talaga ng mga yun, ewan ko ba!" Buntong-hininga nitong sabi.

Nagmadali si Erinnn na ikarga ang notebook nito sa loob ng bag niya at agad na sinuot at tumayo.

"Uy! Wait Erinn. Sandali, san ka pupunta? Wag mong sabihing makiki-usosyo karin." Pagpipigil nito kay Erinnn.

ERINN (R18+)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang