Unang Kabanata

25.7K 172 0
                                    

Napakasariwa at nakakasilaw ng kakalabas lamang na araw, senyales na isang panibagong araw nanaman ito. Ang mga huni ng ibon, maririnig mo mula sa loob ng iyong kwarto. Ang sunod-sunod na sasakyan at motorsiklong dumadaan sa kalsada at di man naising marinig, mapapamulat ka nalang at magigising sa napakaganda mong panaginip. Hindi man magising sa ingay, nariyan na ang pagtawag at pagkatok sa iyong pinto at wala kanalang magawa kundi ikondisyon ang katawan mo upang makumbinsi ang sarili na tumayo na't kumilos.

Gan'to ang pagdaloy ng araw. Sometimes, we might say and question 'Morning is supposed to be good, but why some people ruin our dream just to say GoodMorning, Gising na matirik na ang araw ! . Nakakairita but on the other side they're just being inconsiderate because they are concern. Hindi sila nagsasawa na gisingin ka at ipaghanda ng almusal bago pumasok sa ekwelahan.

Nakakatuwa at nakakataba ng puso kung i-aapreciate lang natin ito.

Dadating araw na unti-unti ka ng matututo hanggang sa ikaw na mismo ang sumalubong sa napakagandang araw. Dahil dadating din ang araw na ang taong nagpapaalala at gumigising sayo bawat umaga ay mawawala.

"Erinn!" Napalingon ito sa pintuan. She didn't answer instead bumalik ito sa panonood sa kawalan mula sa kanyang bintana. Unti-unti ng tumitirik ang araw ngunit pakiramdam nito napakakulimlim ng langit pati narin ang bawat sulok ng kwarto nito.

Bumukas ang pinto subalit hindi niya ito binigyan ng pansin.

"Erinn, Nandyan na siya." Hindi parin ito sumagot.

"Kapag nandito lang si Lola, matagal ka na niyang pinagsabihan. Ayaw nun ng makulit diba." Ngumiti siya. Saglit dumapo sa isip niya ang mga araw na napapagsabihan siya ng kanyang Lola. Siguro nga masasabing napaka strikto ng Lola niya na kahit kaunting bagay lamang o mali ay magagalit siya o kaya naman kapag napaaway man ang apo nito, imbis na i-comfort ay pagagalitan niya pa . Pero sa kabilang banda mahal na mahal siya nito. Siya ang nag-alaga dito noong limang taon pa lamang siya at hanggang sa pinakahuli ng buhay niya.

"Ano ?! Tara na !" Pag-aaya nito kay Erinn.

Sinara nito ang bintana at binalik sa dating ayos ang kurtina. She sighed. Humarap siya dito at tsaka tumango.

Magkasabay silang dalawang lumabas sa kwarto. Lisanin man niya ang bahay na 'to, bawat magagandang ala-ala naman sa bawat sulok ay palagi niyang babaunin.

Nang buksan na nito ang pinto palabas tila nag-aalangan si Erinn na lumabas. All of a sudden, tears starting to form into her eyes. Kanina lang medyo okay na siya, pero bakit ngayon parang lahat ng masasama at malulungkot na nangyari muling sumalubong ulit sa kanya.

"Oh? Diba sabi ko sayo, wag kang iiyak. Pina-iiyak mo rin ako e." Pareho nilang pinipilit na pigilan ang kanilang iyak pero bumigay nalang ito at sabay nilang niyakap ang isa't-isa.

"Mamimiss kita. Basta wag mong kakalimutan ang napakaganda mong pinsan ha, Wag mong kakalimutan si Leny na walang alam gawin kundi turuan ka ng kabulastugan."

"Ate naman e.! "

Kumalas sila sa pagkakayakap ng mabaling ni Erinn ang tingin sa isang lalaki na nakatayo sa tapat ng isang itim na kotse.

Napakatagal narin...

Hindi parin nagbabago ang mukha nito maliban lang sa kaunting puti sa hibla ng buhok niya. Ang kaunting kulubot sa noo at ilalim ng mata niya.

He was wearing a suit. Napaisip siya, siguro maganda na ang trabaho niya.

Hindi malaman ni Erinn kung ano ang mararamdaman. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit subalit pinipigilan niya ang sarili na gawin yun. Unti-unting lumapit ito sa kanya. All the time, nakangiti lang ito at halata sa mata ang sobrang saya at pananabik. Napakahirap sa kanya ang pigilan ang gustong ilabas na emosyon. Miss na miss niya na ito, ngunit ang balikan ng tanaw ang pangyayari noon napakahirap niyang kumbinsihin ang sarili na maging masaya.

Tumigil ito sa harap ni Erinn.

"Erinn, anak."

Erinn (R18+)Where stories live. Discover now