11 "First Strike"

12.2K 111 8
                                    

"Do you still remember that night? you sneaky girl."

Erinn looked around , checking if there's someone who would possibly put a note with her lost I.D in her locker. Paulit-ulit niyang binabasa ang note na siya namang nagiging rason sa kabang nararamdaman niya ngayon.

"What is it?" Erinn hurriedly crumpled the paper and faced Chelsea.

"O-hh Chelsea. Nandiyan ka pala." Pagbabaling nito si kaibigan habang mabilis na binulsa ang nilukot nitong papel.

"Of course, antagal mo kaya, kanina pa ko naghihintay sa baba. Pero teka, ano yung binabasa mo kanina? Love letter ba? Patingin!" Tila excited pa nitong tanong.

"Hindi. Ahm, may nagbalik lang nitong I.D. ko dito. Nagbabaka-sakali lang ako na baka andito pa sa paligid yung nagbalik, para mapasalamatan ko."

"Talaga! That's good. Sabi ko sayo eh. " Nginitian nito si Chelsea.

"Tara na uwi na tayo." Sinara na ni Erinn ang locker nito at nagsimula ng maglakad kasama si Chelsea.

Buong araw na hindi maalis sa isip ni Erinn ang nakasulat sa note na para sa kanya hanggang sa pag-uwi niya. It realy bothers her so much.




"Yes! I saw it and it's so pretty. Nakita ko sa bulsa ng suit niya and then I was intrigued to open the box and to my surprised na dapat hindi ko pa alam, I saw the necklace with an 'E' pendant. I thought he didn't remember our anniversary, It realy cheers me up!. Wait a minute Bianx, I'll call you later. Bye."

"Erinn, hurry and get dress we will have an early dinner." Masaya nitong pagsalubong sa kararating lamang na si Erinn. Ibang-iba nanaman ang aura nito na siyang madalang lamang lumabas sa kanya pagdating sa pakikipag-usap kay Erinn.

"Po? Ano po bang meron?" Nagtatakang tanong ni Erinn kay Elsa.

"Basta! Teka nasan na pala ang Papa mo na sumundo sayo?" Pag-iiba nito ng usapan.

"Ah, nasa labas lang po sandali may kausap sa phone. Sige po magbibihis na ko sa taas."

Pagkapasok ng kwarto agad na nagbihis ng loose T-shirt at pajama si Erinn. Ganito naman talaga ang palagi nitong sinusuot tuwing nasa bahay lang siya. After dressing up, Erinn sat at the end of her bed.

Reminding the note she had read.

'Hindi ka talaga nag-iingat Erinn.'
Nakatakas nga siya sa lugar na 'yon subalit may naiwang bakas parin hanggang ngayon na talagang magiging problema niya.

'They're realy dangerous.'
Marami ng narinig si Erinnn tungkol sa magkakibigang ito kasama na ang kuya Gian niya, at kung paiikliin ang lahat, ito talaga ang makakapag larawan sa kanila.

Walang alam si Erinnn kung alam ba ng kuya Gian niya ito, Hindi parin kasi nito pinakinggan ang pakiusap ni Erinn na umuwi na ng bahay. Naisip ni Erinnn na kung sakaling nalaman nga nilang nandoon siya sa abandonadong bahay nung gabing iyon, baka gumawa ng paraan ang kuya niya para manatiling safe siya. Kung hindi, patay talaga siya.

Bago pa pumunta sa ibang bagay ang pag-aalala ni Erinnn, tumayo na ito at bumaba na ng kwarto niya.

'Anong meron?' Unang tanong sa isip ni Erinnn ng makita niya sa hapag kainan ang napakaraming handa. Nakaupo na rin si Elsa at Henry at base sa mukha ng mga ito, mukhang may pinagtatalunan sila pero agad din silang nanahimik ng makita nila si Erinnn.

"Oh! Erinn, umupo kana. Uumpisahan na natin ang party." Tuwang-tuwang sabi ni Elsa. Ilang na ngumiti si Erinn dito bago umupo.

"Party? Ano bang meron Elsa, ano nanaman ba 'tong napakaraming handa sa mesa? Wala kana bang alam gawin kundi mag-aksaya." Iritadong sabi ni Henry kay Elsa. Sandaling lumingon si Erinn kay Elsa, aaminin niyang medyo nag-alala 'to sa mararamdaman niya sa sinabi ni Henry.

'Magsisimula nanaman ba sila?.'
Nagpilit na ngumiti si Elsa at pinanatiling maging patas aura nito mula kanina.

"Relax honey, Kumain nalang tayo please. Nakakahiya naman kung makikita nanaman ng anak mo na nag-aaway tayo diba?" Unti-unting umunat ang kunot na noo ni Henry at katulad ng sabi ni Elsa nagsimula na 'tong kumain. Nakakailang-subo lamang ito ng magpaalam siya sandali na may kukunin lang siya taas.

The moment na nakaalis ito nagmadaling i-dial ni Elsa ang kaibigan niya para ibalita ang nangyayari.

"Bianx! This is it, I'm so excited. Don't worry mag-sesend ako agad ng picture nung necklace with me. Okay, sige nandyan na si Henry. I call you back." Nilapag ni Elsa ang cellphone niya sa mesa. Pokus ang mata nito kay Henry at khit hindi sa tinitignan nito, para parin siyang tangang nakangiti.

"Matagal-tagal na ng hindi kita nabigyan ng regalo at gusto kong bumawi dahil doon." Nasa likod ni Erinn si Henry, si Erinn naman ay nakatingin kay Elsa na sobra-sobra ang ngiti habang nakalapat ang kamay nito sa kanyang dibdib.

Nagulat si Erinn ng maramdaman niya nang may maramdaman siyang malamig sa kanyang leeg.

"Para sayo anak." This shocked Elsa and Erinn. Iginilid ni Henry ang buhok ni Erinn para mai-hook ang kwintas. Pagkatapos ay ibinalik nito sa dati at umupo na.

Erinn stared once again at Elsa. Tila naging mansanas ang maputi nitong pisngi, napansin din ni Erinn na hindi pa ito nililipilat ang mata sa dati nitong tinitignan na direksiyon. Mas lalong nag-alala si Erinn ng nakita nitong maluha-luha ang mata ni Elsa.

"Elsa nag-riring 'yang phone mo." Bumalik sa sarili si Elsa ng magsalita si Henry. Mabilis na tinignan ni Elsa kumg sino ang tumatawag, si Bianca. Pero imbis na sagutin ay ni-reject niya ang tawag at agad na tumayo.

"I-im sorry but I need to go to the room, I feel a bit dizzy." Kitang-kita ni Erinn na malapit ng bumagsak ang luha ni Elsa. Ramdam nito ang bigat ng nararamdaman sa pagsasalita nito.

"Heto na nga ba sinasabi ko Elsa, anong gagawin natin sa napakaraming pagkain na 'to?!"

"D-on't worry honey, Tatawagan ko nalang si Inday para ayusin lahat ng 'to. I just want to rest." said Elsa.

"Ano? Ipapatapon mo nanaman ba? Puno ka talaga ng pag-aaksaya Elsa, para kang naghanda sa isang okasyon na napakaraming tao ang kakain." Napayuko si Erinn sa naririnig na pagtatala sa harap niya. Hindi na napigilan ni Elsa na hindi ilabas ang nararamdaman.

"You realy don't remember ha? Nakaka-disappoint ka Henry. Say what you want , but that'll only make you a total piece of sh*t." Her tears fell but didn't bother to wipe it out.

"...you realy are, but still I love you so much. Happy anniversary to us." Nagmadaling umalis si Elsa at pumunta ng kanilang kwarto habang naiwan si Henry na walang kibo at Erinn na nagui-guilty para sa kanyang Papa. Maging siya, dismayado sa kanyang Papa. Alam niya kung gaano ka-excited si Elsa ngayon, kung gaano ito kasabik na makatanggap ng regalo at mahawakan ang kwintas na binili pala para sa kanya ng kanyang ama. Masaya sana ang gabing ito pero dahil kay Henry mukhang nagbago ang takbo ng gabi ngayon.

Tumayo si Erinn at niligpit ang pinagkainan niya pagkatapos ay isa-isa niyang tinakpan ang mga hindi pa nagagalaw na pagkain. Nanatiling walang kibo parin ang kanyang ama, kaya ng matapos ito ay nagpasya na siyang umakyat ng kwarto niya ngunit bago 'yon ay nagsalita ang kanyang ama.

"Pasensya na anak."She ignored Henry.

ERINN (R18+)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum