47 Prom Night

5.4K 73 22
                                    

Everything seems unreal & unimaginable. Sobra pa ito sa pinangarap niya noon, it was her dream, she remember how she tried all the blankets and curtains on his Lola's closet just to wear it as her dress. Rarampa pa ito sa harap ng salamin and wears flower crown as her princess crown.

Erinn stares at herself wearing her very fancy blue dress, napakaganda niya. All her bruise, bites and hickeys at her neck were covered. Napakaaliwalas ng kanyang mukha but her eyes are screaming something. This was her dream before pero lahat na nagbago, hindi niya kailangan maranasan lahat ng 'to she only badly wants to be freed with her family. If she could go back to the time where she's still with her Lola, gagawin niya lahat para hindi ito mawala and then babawi siya sa kanyang Papa at kay Gian. She can't help but blame herself for doing stupid things to suffer like this, si Nathan na nga ang karma niya. All her hopes are gone pati narin ang pag-asang babait si Nathan at papakawalan siya. Nathan is so d*mn evil, no heart and loves to do wrong.

Her father is still recovering, Henry's eyes are open but he can't still talk, gusto ni Erinn tumulong pero kahit isang minuto hindi siya payagan. Pakiramdam niya'y milya-milya ang layo ni Henry sa kanya.

Bawat minutong lumilipas hindi nawawala sa isip ni Erinn ang maaring pagwawakas ni Nathan sa kanyang buhay. Nathan has plan and she needs to have a plan too. This time, Erinn will make sure everythings will be good and safe for her.

"Are you ready?" Nagulat si Erinn sa presensya ng kanyang make-up artist. Agad nitong itinago ang cellphone sa kanyang pouch. Tumango si Erinn at siya nang hinarap ang naghihintay na si Nathan.

Hindi na bago ang pagkahumaling ni Nathan sa kagandahan ni Erinn pero sa tuwing nakikita niya ito, hindi niya parin maiwasang matigilan as if there's an angel lost her way. He can't just quit for this girl. He can't let just give the freedom she ever wants. Everyday he sees Erinn, it was all like brand new, na parang kakakilala niya lang ito at hindi parin mawala-wala ang unusual excitement nito, Erinn is his libido. Everyday he's longing for Erinn, he badly wants Erinn. All his fantasies are becoming true with Erinn, he f*ckin love it. Sobra nitong pinapantasya si Erinn and he wants her to feel what he's feeling. He can't afford to lose Erinn. Obsession is killing him and he loves it, yes he do!

Pinagbuksan nito si Erinn ng kotse bago siya sumakay, a gentlemen deed that he rarely do. He immediately start the engine afterwards.

"I don't wanna ruin your make-up but I want you to know how I f*cking wants to s*ck that lower lip of yours. Di bale, saakin ka naman pag-uwi." Nathan smirked.

Buong biyahe sarado ang bibig ni Erinn,  way to lessen her fear. Habang papalapit ng papalapit sila sa hotel, where the venue is, humihina ang loob niya, lalo na ng tuluyan na silang makapasok sa nagliliwanag na dancefloor at pasadahan siya ng mga tingin ng nagpapatalbugang mga babae dito maging ang mga lalake. Seeing Erinn  and Nathan as her escort, they all feel threatened and shock as usual; threatened na baka magkagulo at threatened na baka ma-hail si Erinn as Prom Queen which is obvious naman. All attention is on her again.

Nathan pulled Erinn closer to him. Naglakad ito agad papunta sa gitna which got all the attention of all party people. Sweet music played, Nathan wrapped his hand on Erinn's waist and start swaying.

"Let yourself enjoy the night babe kasi mamaya baka magsisi ka." Nathan whispered. Sobra-sobra na ang kaba ni Erinn. Hindi niya alam kung ano ang excuse na gagawin niya para magawa ang plano nila ni Ace. Yes, mangyayari ngayon ang plano nila. Malaking tulong ang cellphone na nasa kanya para maging way ng communication nila, time and place has been set for her to escape with the help of  Ace. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya pati ang napakalakas na tugtog maging ang mga sinasambit o ibinubulong ni Nathan ay hindi na niya marinig hanggang sa pahina na ng pahina ang tugtog senyales na matatapos na ang isang kanta at magsasalita na ang Prom Coordinator/Head.  After some addresses of Event Heads/Faculties, free nanaman ang dance floor and Nathan is really seizing the moment, he keeps on dancing with Erinn, keeps holding her hand na nagiging dahilan para mawalan ng tyempo si Erinn but she tried her hardest.

"N-athan, kailangan kong mag CR." Nathan stops swaying.

"Ka--nina pa kasi ako naiihi Nathan, hindi ko na kaya."

"Is that so?" Mas lalong kinabahan si Erinn.

"...sayang naman, hindi mo ba hihintayin yung crown mo my Prom Queen." Napakunot ng noo si Erinn.

"Ha?"

"Obvious naman, this night is yours. Ok, go. Bilisan mo ha, kapag tumagal ka jan susundan kita kahit saan." He can't be. Hindi mapigilan ni Erinn ang maluha, habang pinagmamasdan ang mga nangungusap ang mga mata ni Nathan at ang mga salita nitong may laman. Alam niya na kung anong laro ni Nathan and the way he look at her alam niyang may hint na ito sa mangyayari. She's hopefull but hopeless, kailangan niyang bilisan, at kung tama siya ng naiisip dapat ngayon tumatakbo na siya.

Kinuha nito ang cellphone sa kanyang pouch, she immediately dialed Ace's number habang hingal ito sa bilis ng kanyang paglalakad na hinaluan pa ng kanyang kaba.

Hindi sumasagot si Ace but there's one message from him kung saan narito lahat ang sagot. Kulay ng kotse, pwesto nito, plate number at ang taong susundo dito. Hindi na nag-abala pang tanungin ni Erinn si Ace kung bakit hindi nito nabanggit na hindi siya ang susundo dahil hindi nito sinasagot ang tawag pero ang importante malapit na siya sa kinaroroonan ng kotse at naaaninagan na niya ito. Sa sobrang kaba, hindi nito sinasadyang matisod dahil narin sa taas ng kanyang heels. Inalis niya ito at kanyang hinawakan para mas makatakbo ito hanggang sa tuluyan na niyang marating ang kotse.

"Ma'am Erinn kanina pa po kayo hinahanap ni Sir Ace. " Tila isang liwanag ang sumalubong kay Erinn, iyak ito ng iyak sa tuwa. Wala itong tigil sa pagsambit ng salamat sa dalawang lalaking nasa harap niya. She made it. Pinagbuksan siya ng sasakyan ng dalawa subalit napatigil ito ng  bumungad sakanya ang nakagapos sa loob, wala ng malay at di na makilala sa bugbog na lalake. Nilingon nito ang dalawang lalakeng sumundo na nasakanyang likod.

"Pasensya na Mam, trabaho lang."
Then everything went black.

ERINN (R18+)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن