20 Dirty Routine

11.3K 81 4
                                    

  "Hindi mo ba nakikita 'yang dumi na yan?! Ano ba naman yan! Napapagod na kong babae ka, umayos ka!." 

Sa muling pagkakataon, sinikap ni Erinn na punasan ang center table sa living room kung saan andun din si Elsa na nakaupo at binabantayan bawat galaw niya. Sobrang linis na ng lahat ng gamit maging ang mga gilid gilid ng bawat bahay subalit hindi parin kontento si Elsa, gusto niya pang pahirapan si Erinn na sa tingin niya'y hindi pa sapat ang pagod na nararamdaman nito.

 Walang tigil si Elsa sa pagsasalita, panenermon, pagpapaalala sa mga masalimuot na nangyari na siyang nakapagpapahina at nakapagpapaalala kay Erinn sa sakit at kung gaano siya kawalang kwentang anak. Walang kwenta ang luha nito na walang tigil na tumutulo sa mga gamit na kanyang nalilinisan. Yung pagod kaya niyang tiisin pero yung sakit sa bawat salitang binibitawan ni Elsa, tila hindi niya na kaya pa. Tanging pagtitiis nalang ang kanyang ginagawa hindi para sakanya kundi para kay Gian at sa Papa niya. 

"Tama na 'yan, Tara na sa taas." Utos ni Elsa na naunang naglakad papunta sa taas kung asan ang kwarto ni Erinn. Agad na tumayo si Erinn at mabilis na dinampot lahat ng panlinis na kanyang ginamit at nilagay ito sa storage room. Mabilis siyang umakyat ng taas dahil siguradong magagalit si Elsa. 

 "Ang kupad. Dali!" Hawak ang knob ng nakabukas na pinto ng kwarto ni Erinn at isang kandado sa kabila niyang kamay, heto nanaman ang mainipin niyang mukha na nakatambad. Dali-daling pumasok si Erinn ng kwarto niya at hinayaang isarado ni Elsa ang pinto nito. Dinig ang pag-lock ng kandado sa labas, sa muling pagkakataon bilanggo nanaman siya.Paraan ng pagsisigurong hindi tatakas si Erinn at mas matakot eto sa oras na may gawin siyang ayaw ni Elsa lalong lalo na ni Nathan. 

Buong araw itong kulong sa kwarto niya na parang isang pasyente na dadalhan na lamang ni Elsa ng pagkain tuwing oras na ng tanghalian. Ang sistema pa'y sa natitirang oras nito bago tuluyang mag-gabi dapat ay nakaligo na ito, nakaayos at naisuot na ang damit na inihanda ni Elsa na susuotin niya sa gabing iyon, gabing kasama muli si Nathan. 

Pangatlong gabi na itong nangyayari, kung kaya't alam ni Erinn ang hirap kapag hindi ba siya natuto o magmamatigas pa.Saglit na humiga si Erinn sa kanyang kama at hinayaan ang katawang makapagpahinga bago lumubog ang araw at pumasok na ng banyo. Ayaw man niyang suotin ang mga damit na nakahanda sa kanya, wala parin siyang magagawa. Magagalit si Elsa at siguradong masasampal nanaman siya, at pag umabot kay Nathan iyon maaaring pahirapan nanaman siya at magkaroon nanaman ito ng dahilan para hindi niya payagang mabisita si Henry. 

 Habang pinagmamasdan ni Erinn ang sarili, hindi nito mapigilang umiyak at kaawaan ang sarili. Napakavisible pa lahat ng mga markang iniwan ni Nathan sa kanyang leeg pababa sa dibdib, mga mugto at pagod niyang mga mata at ang kaputlaan ng mukha nito. Patuloy na naglalaban sa isip niya ang kanyang gustong patunayan na 'hindi ako masama, kailangan kong lumaban' sa 'kasalanan ko ang lahat'.  Parang sirang plaka nalang laging sumisiksik sa isip ni Erinn lahat ng mga pinagsasabi-sabi ni Elsa at Nathan. 

 Napabalikwat si Erinn ng biglang bumukas ang pinto ng banyo, nakataas ang kilay ni Elsa habang nakatingin dito. Napansin ni Elsa na umiiyak ito kung kaya't agad itong napangisi at sarkastikang nagsalita.

 "Oo, may magagawa yang iyak mo. Baka yung kay Gian o baka naman yung kay Henry. " Napatigil si Erinn at agad na umiling-iling na parang batang pinagbantaan ng nanay na papaluin ito. Nagmadali siyang punasan ang luha niya at lumabas. Mabanggit palang ang pangalan ni Elsa ang pangalan kuya niya at si Henry alam na ni Erinn ang ibig sabihin nito.Dumiretso si Erinn pababa ng kwarto at tama nga, andun na si Nathan. 

Kahit anong gawin ni Erinn, hindi niya paring kayang tignan ng diretso si Nathan dahil pakiramdam nito'y hindi pa siya nahahawakan ay nasasaktan na siya. Ganon na nga, alam ni Erinn na bago matapos ang gabi labis nanaman ang pasakit na mararanasan nito.  

Erinn (R18+)Where stories live. Discover now