39

5.8K 67 13
                                    

Nagising si Nathan na tila ba may hinahanap, isang bagay pero malinaw na hindi si Erinn iyon. Sa katunayan ayaw na niyang makita ito at balak na niyang pakawalan si Erinn dahil sa sobra na niya itong pinagsawaan....

Sana ganon lang kadali 'yon. Napatigil si Erinn sa mga imahinasyon niya habang hawak parin ang libro na kanyang minamadaling basahin at pag-aralan para narin makahabol sa kanyang klase. Kanina pa naririnig ni Erinn ang pinag-uusapan ng kanyang mga kaklase ang tungkol sa nalalapit na Arts & English Program at ang pinakahihintay ng lahat ang PROM.

Gustong-gusto ni Erinn ipakitang excited din siya sa nalalapit na PROMENADE katulad ng kanyang mga kaklase pero pinipigilan niya ito para narin sa sarili niya at ng hindi na gaanong masaktan kapag sinabi na ni Nathan na hindi siya aattend. Expected na niya na ganun ang mangyayari, tanggap na niya.

Isa rin siya sa mga babaeng labis ang galak na magkaroon ng first dance. Ito sana ang pinakaunang beses na karanasan niya sa prom subalit alam niyang hindi na niya to kailanman mararanasan.

"Hello Erinn!" Nagulat si Erinn sa presensya ni Jimmy na tumabi sa kanyang kinauupuan. Hindi ito pinansin ni Erinn at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

"May ka-date kanaba sa prom? Alam kong medyo matagal pa pero gusto ko sanang magpa-reserve." Hindi parin ito pinansin ni Erinn.

"Sige na Erinn. Gusto lang kitang isayaw, hindi naman pwedeng si Nathan ang kasama mo diba kasi for Juniors and Seniors lang 'yon." Tangkang hahawakan ni Jimmy ang kamay ni Erinn kung kaya't mabilis itong umiwas.

"Tigilan mo nga ko Jimmy!" Niligpit nito ang libro at agad na inilagay sa kanyang bag.

"Pakipot ka pa Erinn pagbigyan mo nako kahit isang beses. Oh, sige ganito nalang isang sayaw lang kahit hindi na sa prom." Mas lumapit pa ito kay Erinn.

"Isang sayaw lang Erinn sa kama, okay na." Hindi na nakapagtimpi si Erinn at sinampal na niya si Jimmy. Nagulat lahat ng barkada nito sa likod na kanina pa sila pinanonood at kinukuhanan ng video. Hindi nila akalaing magagawa ni Erinn yun at mas lalo na si Jimmy. Iniwan ni Erinn ang lahat ng nakaawang ang bibig sa gulat.

Ito ang pinakaunang beses na hindi na siya nanahimik at sobrang nanginginig ang kamay nito sa kanyang ginawa. Mabilis itong naglakad palayo at napatigil nalang ito ng nasa harap na siya ng guwardiya palabas ng school.

"Iha lalabas ka, yung id mo?" Pinakita ni Erinn ang id nito pagkatapos ay malaya na itong nakalabas.

Hindi niya alam kung san siya pupuntaat mas lalo itong kinabahan ng maisip na baka maaktuhan siya ni Nathan na nasa labas subalit naisip niyang malamang ay nasa klase niya ito at imposibleng makita siya. Biglang pumasok sa isip ni Erinn na bakit hindi niya gamitin ang 3 hours vacant niya mula sa kanyang tatlo na na dropped subjects para bisitahin ang mama niya sa puntod nito. Hindi pa nakahanap ng tyempo si Erinn kay Nathan na sabihing may tatlo siyang drop subjects dahil sa tuloy-tuloy nitong pagliban ng klase. Daan narin siguro ito para kahit saglit ay magawa ni Erinn ang kanyang gusto.

Sumakay ito ng taxi at tumungo sa sementeryo. Matagal narin mula ng binigyan siya ni Nathan ng pagkakataong bisitahin ang Mama niya. Marami siyang gustong ikwento sa kanyang mama bukod sa pagsabi nitong miss na miss na niya ito. Kahit papano sa pagbisita niya'y gumagaan ang bigat ng puso nito.

Diretso si Erinn sa puntod ng kanyang ina at katulad ng nauna'y hindi nito maiwasang umiyak.

"Mama...."

Tirik ang araw pero hindi ito iniinda ni Erinn at patuloy lang siya sa pag-iyak sa puntod ng ina. Wala itong tigil sa pagsambit ng "Mama". Bawat patak ng kanyang luha kahit papaano'y gumagaan ang bigat sa dibdib nito. Damang-dama ni Erinn ang pagiging malaya niya sa tabi ng kanyang ina, dito kung saan tahimik at alam niyang safe siya, dito kung saan ramdam niyang buhay siya.

Isang oras o ilang araw pa man kaya niyang mabuhay basta't andito siya sa tabi ng kanyang Mama na nag-iisang kakampi niya sa mundong tutol sa kanya.

"Please don't cry Ate kase kung sad ka magiging sad din sila." Napatigil si Erinn sa pag-iyak at napatingin sa isang batang babaeng nasa harap niya. Napakacute nito at tila nanggagayak ang mga ngiti.

"Hello po. My name is Abigail pero yaya and my tita, tito and kuya call me Abi." At tila napaka-aktibo at daldal pa. Bahagyang napangiti si Erinn dito.

"Sabi po ni Kuya dapat daw po wag iiyak kasi naririnig nila tayo. Happy daw po sila kasama si Papa Jesus sa heaven kaya dapat di daw po sad." Mas lalong napangiti si Erinn sa sinabi ng bata. Ang talino.

"Ah eh, may sasabihin po sana ako." Tila bumubulong ito at hininaan ang boses. Nakakatuwang bata.

"A-no yun?" Tanong ni Erinn dito.

"Pwede po ba tayo friends? Sabi po kasi ni Kuya wag daw po  ako makikipag-usap sa di ko kilala, pero kung friends na po tayo wala nakong kasalanan kay Kuya." Mas lalong natuwa si Erinn sa bata. Iniabot nito ang kanang kamay niya dito.

"Ako si Ate Erinn, friends na tayo." Ngumiti ito pero nagulat siya ng bigla siyang yakapin ng bata.

"Yehey! May bagong friend nako, thank you po Ate Erinn!" Sobrang saya ng bata na parang ngayon lang nagkaroon ng kaibigan. Tuwang-tuwa si Erinn dito at niyakap din ito pabalik.

"Kuyaaaa! May bagong friend po ako." Umalis sa pagkakayap ang bata at lumapit sa isang lalaking papalapit din kung asan sila Erinn. Napalingon si Erinn dito at dun nalaman na ito siguro ang Kuya ng bata.

"Abi diba sabi ko sayo wag ka masyadong lalayo kila Mama, pano kung may monster na kumuha sayo edi wala nakong baby." Alalang-alala ang lalaki dito subalit tuwang tuwa naman si Abi sa balita nito. Hinila nito ang Kuya papalapit kay Erinn.

"Kuya Ace si Ate Erinn po bagong friend ko." Abi introduced her Kuya. Napako ang tingin ni Ace kay Erinn dahilan para umiwas ng tingin at mapayuko ito.

"Well uhm, pasensya kana kung inistorbo ka ng kapatid ko makulit lang talaga ito. I'm sorry." Nauutal pa ito sa pagsasalita at pasimpleng inayos ang buhok nito.

"H-indi, hindi naman niya ko inistorbo. Ang bait ngang bata eh." Sandaling pumantay si Erinn kay Abi at hinawakan nito ang kamay ng bata.

"Abi, pasensya kana ha kailangan kona kasing umalis may klase pa kasi ako." Nalungkot ang bata pero sinabi naman ni Erinn na magkikita pa sila at hindi ito ang huli. Pinangako din ni Erinn na sa susunod mas matagal silang magkakasama at pinlanong maglaro. Napakagaan ng loob ni Erinn kay Abi. Nagpaalam na si Erinn sa bata at ilang na pinasadahan ng tingin ni Erinn si Ace bago tumalikod at maglakad.

"H-atid na kita! Ah-I mean hatid kana namin." Napatigil si Erinn subalit tinanghihan niya ang pagmamagandang loob ng lalake at nagmadaling maglakad papalayo.

Erinn (R18+)Where stories live. Discover now