Ikatlong Kabanata

14.1K 130 5
                                    

Three o'clock in the morning. Naninibago si Erinn sa paligid ng kanyang kwarto at hindi niya na rin makumbinsi ang sarili na matulog pa. Isa pang dahilan kung bakit hindi ito makatulog , Kinakabahan siya sa maaring mangyari bukas. Napakahirap mag-adjust at lalong lalo na ang makipagkilala o makipagkaibigan sa iba. Yun ang pinaka-iniintindi niya.

Lumingon ito sa upuan kung saan naka-ready na ang uniporme niya para sa bukas. Inimagine niya ang sarili na suot niya ito.

'Kailangan ba talagang suotin ang ganitong kaikling uniform ?'

Umiling-iling siya . Maya-maya'y nakaramdam ito ng pagka-uhaw, so she get up and walk downstairs.

Dumiretso ito papunta sa kusina, Nagtaka siya kung bakit bukas ang ilaw dito. Siguro nakalimutan lang patayin. Subalit ng malapit na siya, bigla itong nakarinig ng paghulog nang gamit.

'Gising na kaya si Tita o Papa' She asked herself.

Kinabahan siya ng makita niya ang nakatalikod na lalaki na tila may pinaiinit sa microwave. Mukhang nakaramdam ito na may tao kaya agad itong humarap.

Nanatili si Erinn sa kinatatayuan niya. Eto ang kanina niya pa gustong tanungin at gustong malaman. Hindi niya mapigilan ang saya at nagsisimula nanamang mamuo ang luha nito.

She looked at his face. May pasa ito sa gilid ng kanyang labi at mata. Sa ayos at haba naman ng buhok nito, mahahalatang napakatagal na nitong hindi nagpapagupit.

Katulad ni Erinn nanatili rin ito sa kinatatayuan. Sa mga mata niya, Hindi mo mababasa kung ano bang nararamdaman o emosyon nito.

"K-uya, ikaw ba yan?"

He didn't answer. Lumapit si Erinn dito at agad binigyan ng napakahigpit na yakap.

After 11 years na hindi sila nagkita, ngayon ay narito na sila. Andaming gustong tanungin ni Erinn, pero nanatili lang itong kayakap ang napakatagal niya nang hindi nakikita na kapatid.

"Kuya, Kamusta kana !. Miss na miss kita."

Hindi ulit ito sumagot.

"K-uya, Hindi ka ba masaya na nagkita tayo uli?. May problema ba ?."

Tumingin ito sa kanya sa mata, ngumisi siya.

"Problema? Lahat ng nandito problema. At ano, dadagdag ka pa."

Nagpatuloy ito sa kanyang ginagawa. Nanatili si Erinn sa kinatatayuan nito. Hindi niya inaasahan ang maririnig galing sa kuya niya.

"Ba't siya nagkaganito?"

Bitbit ang pangungulila sa sariling kaparid at pag-aalala dito labis na dinamdam ito ni Erinn hangganh sa sumapit ang umaga at muli nanaman silang magkaharap.

"Gian, Magsasabay kayo ni Erinn at ihahatid mo siya sa room niya tutal parehas naman kayo ng school, ikaw na muna ang bahala sa kanya. "


"... San ka nga pala nanggaling kagabi. At ano nanaman yang mga pasa sa mukha mo ?. Wag mong sabihing.."



"Sweetheart, Tama na. Kumakain pa tayo." Pag-aawat ni Elsa.

"Nakipagsuntukan, nakipag-inuman, sumama sa barkada, naghanap ng mapagtitripan. Ano pa ba ?. Teka, hindi nga pala ko pumasok kahapon, Tinamad ako e." Nakangiti pang sabi ni Gian na may halong pang-aasar.

Hindi alam ni Erinn kung sinong aawatin, Kanina pa itong tensyon na ito sa harap ng kainan. At Kahit kaunti, nalilinawan na siya sa sitwasyon ng pamilya nito at kasabay din nun ang sunod-sunod na tanong sa kanyang sarili kung ano ng nangyari sa pamilya niya.


Tumayo si Gian habang hawak ang isang baso ng tubig. Bago umalis ininom niya ito at tumingin kay Henry.

"Mag-isip ka nga ng bagong pupunahin. Paulit-ulit nalang, nakakagago. "

Naglakad ito palabas at hindi na hinintay ang sumunod na sinabi ng ama. Halos umusok ang ilong nito sa galit, Habang patuloy naman sa pagtahan si Elsa. Nagmadali si Erinn na kunin ang bag nito at sundan ang kuya niya sa labas.

Galit siya sa Papa niya at alam niya ring galit ang Kuya nito dito. Pero hindi tama, na hindi niya ito respetuhin at tratuhing parang ka-edad niya lang.

"Kuya, ano bang nangyayari sayo? Hindi mo dapat ginawa kay Papa yun. Mali yung ginawa mo."

Hindi siya pinansin nito.

"Kuya, Bumalik ka sa loob. Kailangan mong humingi ng tawad kay Papa."

Nagulat si Erinn ng hinampas niya ang helmet sa motobike nito. He look at her.

"Nagpapatawa ka ba ? Hindi ako hihingi ng pasensya sa magaling mong tatay. Teka lang ha, Sino ka ba ? Ipapaalala ko lang sayo, Wala kang lugar dito." Gulat at kirot sa puso ang bumalot kay Erinn. Hindi ito makapagsalita.

"Wag mo rin akong tatawaging Kuya, wag mo kong kausapin na parang bata, wag mo kong lalapitan dahil matagal ko na kayong kinalimutan.."

He picked up the helmet and start the engine of his motorbike. Erinn left crying.

Hindi ganitong pamilya ang kinagisnan niya noon. At mas lalong hindi ganito si Gian. 



Erinn (R18+)Where stories live. Discover now