B U T T E R F L Y

5K 54 4
                                    

Napakadami nating pribilehiyo sa mundo. Sa dami ng hinihiling, alam pa ba natin kung san doon ang natupad na at hindi pa?

We had so much but we keep on asking things. People are uncontented, unsatisfied. You know why? YOU KNOW WHY.

Careful what you wished, cherish what's granted.



"Gusto ko maging tigre."

Natahimik ang lahat. Nginitian ko sya subalit pinasadahan niya lang ako ng tingin at di ako pinansin. Ayos lang, ganito talaga siya, ganito talaga ang kaibigan ko.

Nagpatuloy siya....
"Matatag, maabilidad at hindi takot sa kanyang ipinaglalaban."

Umaburido ang lahat at inisip na siguradong tataas ang pamantayan ng kanilang guro sa kanilang tinatalakay. Napangiti nalang ako at tahimik siyang sinabayan sa pagsasalita.

Sagot ko 'yan, kaninang lunchtime ibinahagi ko sa kanya ito. Nauna siyang natawag kaya naiintindihan ko kung ito lang ang paraan niya para hindi siya mapahiya. Kaibigan ko siya kaya okay lang sa akin.

Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos niyang magsalita, syempre pati ako subalit masyado siyang nagmadali kanina ng magka-usap pa kami hindi niya narinig ang isa sa mga kapintasan ng tigre ay ang pagiging rebelde at padalos-dalos nito, ang walang tiyaga sa pag-aaral at pagplano sa kung ano ang dapat at tamang hakbang.

Hinintay ko siyang lumingon sa akin pero mas naging abala ito sa pag-uusap sa iba niyang kaibigan na nasa tabi niya. Hinayaan ko nalang hanggang sa pangalan ko na ang banggitin.

Ang atensyong nasa kaibigan ko kanina ay nalipat sakinNarinig ko ang iba na kanina pa nila gustong marinig ang sagot ko, mas lalo akong kinabahan pero sinikap kong sagutin at sabihin kung ano talaga ang  gusto ko.

"Gusto ko pong maging paru-paro." Napaisip ang lahat at agad nakabuo ng ideya, maganda at makulay. Ang ibang babae nagbulong-bulongan, nagsimulang mang-angkin ng ideya at pag-initan ako.  Sa wakas, nakita ko ang kaibigan kong tumingin sa akin pero parang hindi siya masaya. Nginitian ko parin siya at nagpatuloy.

Erinn (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon