54

5.5K 75 8
                                    

Humarap sa kabilang side si Erinn para kumpirmahin kung kay Nathan ba talaga nanggagaling ang tila nanginginig na boses, tama nga, si Nathan nga ito buong akala niya'y minumulto na sila sa kwarto. Erinn call his name pero ganun parin si Nathan, nanginginig parin kahit nakasuklob na ito ng kumot. His face is so red habang nakapikit parin, natakot si Erinn at agad na tumayo sa kanyang higaan.

"N-athan?..." Erinn started to think na baka binabangungot ito, she place her hand at Nathan's cheek at agad na naramdaman ang sobrang init na si Nathan. Inaapoy ito ng lagnat, hindi nito alam ang gagawin at ang tanging naging aksyon niya'y kumaripas ng takbo pababa kay Lalyn. Ginising nito si Lalyn na agad ding naghanda ng maligamgam na tubig,tuwalya, gamot at thermometer bago bumalik ng kwarto.

Umabot ng 40 degree celcius ang init nito at alam na alam na ni Lalyn ang gagawin. Pinanonood ni Erinn kung paano ito gamutin hanggang sa tumigil ito sa sobrang panginginig at bumaba narin ng kaonti ang temperature nito. Halata sa mukha ni Erinn ang hindi maipaliwanag na kanyang pag-aalala , kumalma lang ito ng dumilat na si Nathan, makainom ng gamot at balik ulit sa tulog.

Nang nakasiguro na si Lalyn nagpaalam na ito pababa at iniwan na si Erinn para makabalik narin ito sa kanyang pagpapahinga subalit kahit anong gawin niya'y hindi parin ito makatulog. Isa, dalawa, tatlo, apat na oras, inumaga na si Erinn pero hindi parin ito dalawin ng antok kahit anong pilit niyang pagwaglit ng pansin kay Nathan.

Bumukas ang pinto ng kwarto, si Lalyn dala ang mga pagkain o almusal para kay Nathan.

"Goodmorning po Ate." Erinn greeted Lalyn.

"...ako na po bahala dito Ate. " Nagpresinta ito bago pa nito hintayin ang paggising ni Nathan. Nginitian nito si Erinn, kinuha ang maliit nitong notebook at pinabasa sa kanya bago umalis muli ng kwarto.

'Salamat' she wrote.

Kinuha ni Erinn ang thermometer sa kanilang table at kumuha ng tyempo na iipit sa kili-kili ni Nathan ito. Nang tumunog ito, napangiti si Erinn ng makita nitong normal na ang temperatura ni Nathan hindi nito napansin na nakadilat na pala ang mga mata niya at pinagmamasdan siya.

"Tubig." He uttered. Agad na kinuha ni Erinn ang tubig sa kanilang gilid at inalalayan na umupo si Nathan.

"D-inalhan ka ni Ate Lalyn ng almusal, kailangan mo 'to para lumakas ka at makainom ng gamot." Kinuha nito ang baso sa kamay ni Nathan pagkatapos ay hinalo ang soup na inihanda ni Lalyn. Medyo mainit pa ito kung kaya't inihipan nito ni Erinn bago ipakain kay Nathan pero pinagmasdan lang siya nito.

"W-ag kang mag-alala Nathan si Ate Lalyn ang naghanda nito, sige na kailangan mo 'to para mainom mo 'tong mga gamot." Buong-buo ang sinsiredad sa mga mata ni Erinn parang wala itong galit sa saloobin nito, Nathan was very convinced and for the first time in his life he felt someone cared for her, at si Erinn 'yon. Walang bakas ng sama ng loob, galit o paghihiganti sa mga mata ni Erinn. Pinagmasdan lang niya ito habang sinusubuan siya, pinaiinom at pinupunasan ang gilid ng kanyang labi. Ang matigas na puso nito tila unti-unting lumalambot subalit pinipigilan nito ang sarili, kinukumbinsi ang sarili na dahil lang sa nanghihina siya ay ganoon nalang ang estado ng kanyang pag-iisip.

Lumabas si Erinn ng kwarto at inihatid pababa ang mga hugasin. Pagbalik nito ay may dala na itong warm water at bimpo. Nagulat si Nathan pero hindi narin nagmatigas ng tanggalin ni Erinn ang kayang damit at pang-ibaba.

"Hindi ka muna pwedeng maligo Nathan, kaya Eto nalang muna para kahit papano gumaan ang pakiramdam mo." Pagpapaliwanag ni Erinn. Hinayaan ni Nathan si Erinn sa ginagawa nito, maingat niyang pinunasan ang buong katawan ni Nathan hanggang sa matapos ito at bihisan.

"May masakit ba sayo Nathan?"  Umiling ito.

Hindi maipaliwanag ni Nathan ang nararamdaman at pilit isinisiksik sa utak na hindi siya okay mag-isip ngayon, wala siya sa kanyang sarili subalit salungat sa nagiging akto nito ng hilain niya si Erinn papunta sa kanyang dibdib at yakapin ng mahigpit.

"Stay..........please." He whispered.







----------------------------

'Dahil ba wala si Sir.'

Umiling si Erinn habang hindi parin nawawala ang ngiti nito.

"Hindi Ate,  ang totoo nga niyan gusto ko bukas andito na siya pero sabi niya baka isang linggo pa siya sa siyudad may importante daw siyang gagawin. Excited ako kasi nangako siya Ate na ipapasyal niya nako sa labas tapos baka dumiretso daw kami saglit sa theraphy session ni Papa." Nagliliwanag ang mga mata nito sa tuwa at punong-puno ng pag-asa.

"Kahit ilang minuto lang makita ko lang sila Papa, masaya nako. Sigurado naman akong hindi siya papabayaan ni Tita Elsa, yun din ang sabi ni Nathan. Tapos si Kuya Gian, sobrang saya ko para sa kanya dahil yung bahay nakatitulo na sa pangalan niya."

Natawa ng bahagya si Erinn ng chinecheck ni Lalyn ang buo nitong katawan kung may bago ba itong pasa, paso o sugat.

"Ate Lalyn wag kang mag-alala, buhay pa naman ako kahit sobrang daming sugat man yan. Okay na okay po ako." Ibang-iba ang ngiti nito at natutuwa si Lalyn para dito pero hindi maiwasang mangamba ni Lalyn lalo na't sa murang kaisipan ni Erinn habang tumatagal nabubuo sa isipan niyang TAMA lang na wala siyang gawin kahit SOBRA na siyang sinasaktan dahil kapalit naman nito ay ang KALIGAYAHAN niya at para naman sa mga pamilya na ang lahat. Hindi iyon kailanman magiging tama, subalit parehas lang silang walang magagawa. Hindi niya alam kung anong mangyayari kay Erinn sa mga susunod pang mga araw na nananatili siya dito, she feel bad for Erinn. Sobra itong nag-aalala dahil parang anak na ang turing nito dito.



Erinn (R18+)Where stories live. Discover now