41/1

6.8K 63 14
                                    

Pinagmasdan ni Erinn ang kanina-pang dumadaldal na batang si Abi ang totoo'y wala ito sa sarili at tila liban sa reyalidad hanggang sa mapansin ito ng bata.

"Ate Erinn, are you okay?" Dinapo ng bata ang kamay nito sa mukha ni Erinn.

"Ha?!" Nagising ito sa reyalidad.

"You're crying." Natyempuhan ni Abi ang pagpatak ng luha ni Erinn. Mabilis naman niya ito pinunasan at agad na binigyan ng ngiti ang bata para sabihing okay lang sya at wala lang iyon. Nagbago ang ekpresyon ng bata.

"Ate, hindi mo ba ako gustong kalaro?" Sobrang lungkot ng bata. Agad na hinawakan ni Erinn ang mga kamay ni Abi.

"Hindi ganun Abi. Wag kang mag-isip ng ganyan. Ang totoo naalala ko lang ang Lola ko, kagaya ng kinukwento mo sakin sa pagpapalaki at pag-aalaga ng kuya mo sayo, ganun din si Lola. Matagal ko na kasi siyang hindi nadadalaw, sobrang laki na nga ng kasalanan ko sa kanya. Miss na miss ko na sya." Muling tumulo ang luha ni Erinn at mas hindi na niya ito napigilan. Napatayo si Abi at mabilis na tumakbo papalapit kay Ace, sa kuya niya.

"Kuya, please I need your help. Ate Erinn is crying I don't like her to be like that, can we make her happy please." Kinabahan si Ace sa pakiusap ng kapatid. Sumaglit itong tumingin sa direksyong kung saan si Erinn.

"Kuya pleaaaaase..." Alam ni Ace na hindi ito titigilan ng kapatid at hindi niya ito matitiis na makitang malungkot. Alam niya kung anong pinakikiusap nito. Hinawakan ng bata ang kamay ng kuya nito na mas lalong pumilit sa kanya na gawin ang gusto ng bata. Hindi nito kayang tumanggi sa pinakamamahal na kapatid. Wala na itong nagawa kundi sumunod sa paghila sa kanya ng kapatid papunta sa kinaroroonan ni Erinn. Hindi pa man sila nakakalapit ay nagsimula ng pawisan ng sobra si Ace.

Napatigil si Erinn at napatingin sa dalawang nasa harap niya, pasimple nitong pinunasan ang mga luha kahit kitang-kita naman ang pula ng mga mata nito.

"I don't want to see you sad Ate Erinn so we have to do this, right kuya? In one, two, three" Lumingon ito kinakabahan at nahihiya niyang kuya. Hindi nito magawang tumingin kay Erinn.

"May tatlong bibe akong nakita....." Nagulat si Erinn ng magsimulang kumanta si Abi.

"Mataba, mapa--- Kuyaa! What are you doing?!" Tumigil ang bata at tila pinapagalitan si Ace na tahimik lang na nakatayo.

"Abi, look she'not crying anymore. You don't have to do this." Sinubukang kumbinsihin ni Ace ang kapatid pero muli itong nalungkot at nagpaawa sa walang kalaban laban niyang kuya. That look, wala nanamang nagawa si Ace.

"If you are not gonna join me Kuya that means you don't love me."

"Abi, of course I lo---"

"May tatlong bibe akong nakita,
Mataba, mapayat mga bibe...."

Hindi maintindihan ni Erinn kung ano ang nasasaksihan niya pero sa oras na biglang sumayaw at binigyang-aksyon ni Ace ang kinakanta ni Abi, hindi magulat, mapigilang mapangiti at mapatawa si Erinn.

Mission Accomplished. Pawis na pawis sa hiya at kaba si Ace samantalang si Abi naman ay sobra ang saya na makitang tumatawa na ang kanyang Ate Erinn.

"Yehey! Happy kana ulit Ate Erinn." Niyakap siya ni Abi habang pinagmamasdan naman nito si Ace na hindi sila magawang tignan.

"A-bi, let's go. May kailangan pa kong puntahan." Sumingit si Ace.

"Pano yun Kuya, walang kasama si Ate Erinn."

"O-kay lang Abi, kailangan ko naring bumalik ng school. Thank you." Tumayo si Erinn at muling niyakap si Abi.

"Y-ou can join us, I mean, pwede kang sumabay samin dun din naman ang daan namin." Alok ni Ace na medyo nauutal pa.

"Hindi, okay lang. Malapit lang naman, kaya kong lakarin. Salamat." Pagtanggi ni Erinn pero agad siyang hinawakan sa kamay ni Abi at pinilit. Sa huli, wala narin itong nagawa at sumabay nalang kahit na medyo risky dahil baka may makakita sa kanya at maiparating pa kay Nathan.

Pinasakay ni Abi si Erinn sa harap katabi ng kanyang kuya samantalang siya ay nasa likod. Napakamalaro din ng batang ito, pansin ni Erinn na tinutukso nito ang kanyang kuya sa kanya na lalong nagpadagdag sa napaka-awkward na paligid.

Tahimik ang buong biyahe dahil agad na nakatulog sa pagod si Abi sa likod ng kotse.

Hanggang sa makarating na sila ng University.

Tinanggal ni Erinn ang kanyang seatelt pero bago pa man siya makalabas nagpasalamat ito kay Ace.

"S-orry kung naba-bothered kana kay Abi, makulit lang talaga yan. I'm sorry." Sabi nito habang nahihiya.

Umiling si Erinn.
"H-indi, okay lang. Salamat, una nako."

Nagmadali si Erinn lumabas habang careful naman ito sa mga taong nasasalubong o nakakakita sa kanya. Mabuti na ang maingat.

Hindi inaasahan na sa paglalakad makakasalubong nito si Tobby. Kinakabahan si Erinn pero pinakalma nito ang sarili at diretsong naglakad.

"Where did you go Erinn?" Napatigil si Erinn.

"Aren't you supposed to be in your class?" mas lalong kinabahan si Erinn sa mga tanong nito at makita ang napakaseryoso na tila nang-iimbestigang si Tobby.

"W-ala akong ginagawang masama. Wala kang pakialam." Sinikap nitong maging kalmado.

"Siguraduhin mo lang." Mapagbantang sabi ni Tobby.

Napakunot ang noo ni Erinn sa mas lalong nagiging wirdo na si Tobby. Ayaw paniwalaan ni Erinn ang matagal na nitong hinala sa pakikitungo sa kanya ni Tobby pero pinipigilan niya ito. Hindi pwede, maling-mali!

Iniwan ni Erinn si Tobby at di na pinakinggan pa ang mga sinasabi nito.

Erinn (R18+)Where stories live. Discover now