25 Tempo

8.7K 91 20
                                    

Sumapit ang gabi ng sabado kung saan mas nadadagdagan ang taong nagwawalwal sa The Bar Encounter. Habang nagiinuman nagsasayaw, nagsasaya ang mga tao sa nakakabinging tugtog at nakakahilo't patay-sinding ilaw, naroon muli si Nathan kasama ang barkada pati narin si Erinn. May kasama rin silang isang babae na bagong kasama ni Kenneth at halos kanina pa naghahawakan ng maseselang parte ng katawan habang nagkekwentuhan ang barkada. Normal nalang ito kina Nathan at tila wala silang pakialam dito subalit si Erinn na siya ding nakakakita ng labis na kahalayan ng dalawa ay hindi magawang maging komportable. Hindi talaga siya magiging komportable, kahit kailan.

Simula ng pagdating nila sa bar at pagpasok sa pribadong room hindi parin tinatanggal ni Nathan ang pagkakaakbay nito kay Erinn, naninibago si Erinn dito dahil tila nagbago ata ang ihip ng hangin. Hindi mainit ang ulo ni Nathan sa kanya at kanina pa ito nagpapakita ng pag-aalaga kay Erinn, ibang-iba si Nathan ngayon at malamang ay dahil ito sa pagsunod niya dito, sa pagsunod niyang baliin ang pagkakaibigan niya kay Chelsea. Sobrang nasasaktan parin si Erinn sa tuwing naaalala niya ang pag-uusap nila ni Chelsea, hindi lang siya nawalan ng kaibigan, nadagdagan din ang mga taong nanghuhusga sa kanya.

Napakasakit isipin na lahat ng bagay na makapagpapasaya sa kanya ay kasalungat naman kay Nathan. Hawak siya sa leeg nito at wala siyang magawa. Tanging ang pagsunod kay Nathan lamang ang pinakaligtas niyang magagawa na siyang nagsisilbi ding pambayad sa mga utang niyang ibunubuyboy ni Elsa. Pagod na pagod na siya at ang tanging nagbibigay lamang ng lakas sa kanya'y ang kasiguraduhang ligtas ang mga mahal niya at wala ng nadadamay pa. Wala siyang hindi gagawin para kay Gian at Henry dahil bukod sa pamilya niya ang mga ito, siya at siya parin ang laging itinuring ni Nathan at Elsa na dahilan kung bakit din siya nasa sitwasyong ganito. They put all the blame on her over and over which caused her to just accept it.

.

"Do you want anything babe?" Malumanay na bulong ni Nathan kay Erinn. Sa tuwing magsasalita si Nathan ay hindi parin maiwasan ni Erinn magulat at kabahan dahil gaano man kalambot ang boses nito, siya parin si Nathan na bumababoy sa kanya. Sa muling pagkakataon ay umiling si Erinn bilang tugon kapalit nama'y ngiti ni Nathan na sobrang nakakapanibago. Sa ikasampung beses, mula sa lamesa'y kinuha ni Nathan ang baso niya na may kargang alak at ibinigay ulit ito kay Erinn. Gusto ng tanggihan ni Erinn ito subalit ayaw niyang sirain ang napakagandang mood ni Nathan at lalo pa't tila wala itong balak na pakawalan si Erinn s bisig niya. Hindi rin makakaila na medyo nahihilo narin siya.

Diretsong ininom ni Erinn ang alak, natuwa si Nathan kung kaya't isang napakahigpit na halik sa labi ang iginanti niya kay Erinn. Sa tuwing hahalikan ni Nathan si Erinn hindi mawala-wala ang pagkagulat niya at pagkahiya sa mga taong nasa paligid niya, na para siyang isang bata na may ginawang masama na tanging pagyuko lang ang pagtakas niya. Walang pakialam si Nathan kung sino man ang nakakakita. Lumibot ang paningin ni Erinn sa mga kaibigan ni Nathan, nakangiti ang mga ito dahilan para mas lalong mahiya si Erinn, maliban lang kay Tobby na ilang beses niyang nahuhuling nakatingin sa kanya ng diretso at seryoso. Napaka-strange ng mga tingin ni Tobby sa kanya and he's so different gayunpaman, isa parin siya sa mga tumulong kay Nathan para maipunta si Erinn sa sitwasyon niya ngayon, wala patrin siyang pinagkaiba sa kanila.

Nakaramdam ng pagka-ihi si Erinn, sinubukan niya itong  ipagsa-mamaya nalang pero hindi niya narin napigilan at  sinabi narin kay Nathan.

"N-athan pwede ba kong mag-cr." Nung una ay hindi ito pinansin ni Nathan dahil  sa pagbibida nito sa gitna ng kwentuhan pero nang inulit na ni Erinn ito ay biglang nagsitahimik ang lahat, labis ang nadamang pagkahiya ni Erinn dahil maging sila Kenneth ay narinig at napatigil din sa pagtatawanan.

"I'll join her." Napalingon ang lahat sa babaeng kasama ni Kenneth. Bago ito tumayo ay nag-iwan muna ito ng halik kay Kenneth na para bang napakatagal nitong mawawala. Tinanggal ni Nathan ang pagkakaakbay kay Erinn at pinayagan itong lumabas kasama ang babae.

Erinn (R18+)Where stories live. Discover now