37/2

7.2K 84 36
                                    

"Are you okay?" Irish asked Erinn while paying the dresses she bought.

"Oo naman." Bahagyang ngumiti si Erinn dito.

"Come on, this is our day. You look so bothered." Para itong batang nakikiusap.

Wala itong tigil sa pagkuha ng damit para sakanya at para din kay Erinn, sobrang bait niya. Napaka lively ni Irish at parang ibong nakawala dahil sa saya nitong makalabas at magawa ang gusto niya. Napakadaldal din nito at walang tigil sa pagkwento ng buhay niya. Nalaman din niyang since bata palang sila ni Tobby, alam na nilang fixed na ang engagement nila. Irish is a loner, homeschooled siya, wala siyang kaibigan kahit isa and the day na nakilala niya si Tobby dun lang niya naranasan magkaroon ng kalaro, karamay pag nag-iisa, kaibigan. Slowly, paglaki doon mas luminaw ang pagkakagusto ni Irish kay Tobby and she promised to herself na hinding hindi siya maghahanap ng iba dahil kay Tobby. She loves him so much, and she's so lucky that her first love will be her last too.

"How did you two met?" Napatigil si Erinn. Nasa Salon na sila ngayon and they're having a make-over .

"Tell your story, your turn naman." Ngayon alam na ni Erinn kung bakit ayaw niyang kasama siya ni Irish. Walang preno ang bibig nito at napakaraming tanong.

"School." Tipid na sagot ni Erinn.

"And then what? Love at first sight?"

Irish is waiting for her answer at hindi alam ni Erinn kung pano ba niya ito malalagpasan hanggang sa naisip niyang mag-agree nalang dito para hindi na humaba pa ang usapan, it worked.

They spent an hour in Salon. Bawat minutong tumatakbo kinakabahan si Erinn sa maaaring tanungin ni Irish. Napakatalkative nito at natatakot si Erinn na baka may masabi ito na ikagagalit ni Nathan. Ingat at tipid siyang magsalita kay Irish hanggang sa matapos sila at dumiretso sa isa sa mga restaurant doon.

"Alam ko na talaga kung ano ang isa sa nagustuan ni Nathan sayo." Napayuko si Erinn sa hiya.

"You are so beautiful Erinn, alam mo you should learn how to play your hair or make ups. You're make up is too light but you're so gorgeous. Naaah, the truth is you don't  need make-up anymore. Your new hairstyle suits you, siguradong mas maiinlove sayo si Nathan." Kung alam lang ni Irish ang nangyayari. She's so innocent at hindi parin magsink-in kay Erinn na naging kaibigan niya ang mga demonyo.

"Wait, kanina pa tayo magkasama pero hindi pa tayo nag te-take ng picture together." Kinuha ni Erinn ang phone nito sa kanyang bag.

"Smile Erinn." She took a picture.

"We're like sisters here Erinn, where's your cellphone I'll sent this to you." Napayuko si Erinn.

"Wala kasi akong cellphone Irish." Sagot nito. Sa una'y inakala ni Irish na nagbibiro si Erinn pero nakumbinsi din ito na totoo ang sinasabi niya.

"I'm sorry I just can't believe that there's still someone can live even without phone. Pero pano kayo nagkakausap ni Nathan kung malayo kayo sa isa't-isa? " Natahimik si Erinn.

"You know what, I want to buy you a phone." Desidido nitong sabi na agad pinigilan ni Erinn.

"Why?!" Kumunot ang noo ni Irish at nagsimula ng magtaka sa kinikilos ni Erinn.

"Irish palubog na ang araw, hindi paba tayo uuwi?" Sinubukang iliwas ni Erinn ang pag-uusap.

"Utos ba ni Nathan yan? Ganyan ba siya kahigpit." Nagsimulang ma curious si Irish sa relasyon ni Erinn at Nathan, she feels that there something wrong.

"Gaano naba kayo katagal Erinn?" Tanong nito at nagsisimulang huliin si Erinn.

"Ha?" Pinaglalaruan na nito ang mga daliri niya senyales na sobra na itong kinakabahan.

ERINN (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon