Ikasiyam na Kabanata

8.8K 87 8
                                    

"I'm realy impressed with you Erinn, sana yung mga iba gayahin ka at subukan namang mag-excell, hindi lang puro gasta ng pera. Right class?" Nagsimula nanamang mag-lecture si Mrs. Benebe pagkatapos makita ang resulta ng long quiz ng klase nila Erinn na siya namang unang-una niyang quiz sa school na ito.

Nakatanggap agad siya ng papuri kay Chelsea pati narin sa guro, subalit mas marami paring masasamang tingin at bulungan ang natanggap niya. It was good na katabi niya rin si Chelsea na siya rin namang nag-chee-cheer up sa kanya.

"Anyway, since five minutes nalang bago mag-time. I just want to announce na next meeting I have to give your partner's name for the next project na ibibigay ko. And kung anong project ang ibibigay ko, next meeting ko narin sasabihin. Ok, so that's all." Katulad ng nangyayari araw-araw, mas nauna pang nagsilabasan ang mga iba nitong kaklase kaysa kay Mrs. Benebe.

"Oh! Pano ba yan diba kailangan mo pang ilagay 'yang mga libro mo sa locker mo, Kailangan ko na ring magmadali. I'm so worried sa message na natanggap ko, I have to check if my Mom's really okay." Nag-aalala parin nitong pagpapaliwanag.

Kanina pa gustong umuwi ni Chelsea para puntahan ang Mommy niya sa hospital, kahit naman na tinext na ito na okay na, sa sobrang stress lang kaya bigla nalang daw itong nanghina. Sobrang nag-aalala 'to pero dahil last narin naman ang klase nila at nagsimula narin naman, pinagpasiyahan niya rin na sa huli patatapusin niya nalang.

"Naiintindihan ko Chelsea, Sige na! Kaya ko naman ng umuwi mag-isa."

"Okay sige, Bye bye."

Pag-alis ni Chelsea agad namang iniligpit ni Erinn ang mga gamit niya. Hawak ang tatlong libro papunta sa locker nito at para maiwan narin dito.

"Erinn!" She looked at her back. Si Jimmy pala kasama ang mga kaibigan nito, classmate niya.

"Hi! You're not with Chelsea?" Nagtataka man sa tanong nito, naisip niya rin agad na siguro sanay na silang palagi nitong kasama si Chelsea na kahit mag c.r. man ito.

Tumango siya kay Jimmy.

"So, free ka ngayon." Binulsa nito ang dalawa niyang kamay na parang preskong-presko na tinignan ang apat nitong kaibigan na siya ring nakangiti. Isa si Jimmy sa mga lalaking appearance palang, alam mo nang mayabang. Hindi pa man sumasagot si Erinn, buo na sa isip at sigurado na si Jimmy na papayag ito.

Yumuko si Erinn, kasalungat ng iniisip ni Jimmy at ng mga kasama nito.

"Pasensya na Jimmy pero marami pa kong kailangang habulin at pag-aralan. Kailangan ko naring umuwi."

Hindi sumagot si Jimmy, unti-unting naglakad si Erinn palayo sa kanila at nang hindi niya na maaninag ang mga ito, nagmadali siyang maglakad.

Sabi ni Chelsea sa kaniya hangga't maaari umiwas 'to sa mga lalaki. Malakas ang pandinig at pakiramdam kasi nito na baka bastusin lang nila si Erinn base sa mga naririnig nitong pag-uusap tungkol sa kaniya.

Erinn waved her hand to the taxi but just like the other one, it just passed her. May mga nakasakay na kasi at mukhang mahihirapan ata siyang maghintay dahil may iilan ring estudyante ang naghihintay katulad niya.

Naisipan ni Erinn na itext ang Papa niya, na siguradong maaga nanamang umuwi kumpara nung wala pa si Erinn sa puder niya, subalit agad din nitong binawi at inilagay nalang ulit sa bag niya ang lumang-luma niyang cellphone.

Tinignan ni Erinn ang mga estudyanteng may kanya kanyang sundo na kotse na saglit na nakapark sa gilid ng NIU.

'Buti pa sila.' She sighed.


'Ano ba yang iniisip mo Erinnn.' pangongontra nito sa sarili.




Habang naghihintay, nakapansin si Erinn ng isang kotseng dumaan na sa hitsura palang at porma alam mo na agad na mamahalin, pero hindi lang naman ito ang nakakuha ng atensyon niya. Dahil narin sa nakabukas ang bintana ng kotse agad nitong namukhaan at naaninag ang mukha ni Gian. Nagulat si Erinn. Siguradong ang kasama nito ay ang mga kaibigan niyang ikinuwento sa kanya ni Chelsea.

Erinn (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon