"Alam kong hindi siya natutuwa sa ginagawa ko ngayon sa sarili ko"bumuntong hininga siya."Pero gusto ko na siyang kalimutan kasi napapagod na ko kapag nanatili pa siya dito sa puso ko"

"Bakit hindi mo subukang mahalin si Sephora?!"pagpapayo ko sakaniya pero ngumiwi lang siya.

"Matagal ko na siyang nakikitang nakatingin sakin,matagal ko na ring alam na may nararamdaman siya sakin pero hindi ko siya kayang mahalin Pabi hindi ko alam kung bakit"malungkot paring sabi niya kaya pati ako ay nalungkot din

"Kahit konti?!"

"Hindi ko alam basta ang alam ko si Princess parin ang mahal ko"matamlay na sabi niya,saglit kaming natahimik kaya tinignan ko siya na nakatingin sa lapida nung girlfriend niya.

"Pwedeng magtanong?"agad naman siyang tumingin sakin at pinunasan ang gilid ng mata niya.

"Ano yon?"pilit ngiting tanong niya.

"Paano siya namatay?!bakit?"nagtatakang tanong ko.

"I knew you'll gonna ask that"

"But if you don't want to it's fine"

"Hindi..okay lang!alam kong napagkakatiwalaan ka naman"tipid ang ngiting sabi niya,malalim na bumuntong hininga siya."Saan ba ko magsisimula"sinuklay niya ang daliri niya sa buhok niya.

"Okay naman na ang lahat samin ni Princess 'eh!parang hinihintay nalang namin na makagraduate kami para makapagpakasal kami"nakatingalang sabi niya habang nakangiti.

"Matalik na magkaibigan kami lagi kasi kaming napunta nila mommy sa bahay nila kasi friend ni mommy yung mommy ni Princess kaya naging magbestfriend kami,nung unang beses ko palang siyang nakita naramdaman ko yung kakaibang kilig sa puso ko para nga siyang nag-iislowmotion sa paningin ko habang nakangiti siya sakin"

"Napaka cute niya noon,ang chubby niya pa tapos laging nakaladlad ang kulot niyang buhok.Basta parang nainlove na ko sakaniya noon kaya lagi kong niyaya pumunta si mommy sa bahay nila"masayang sabi niya.

"Naging close kami hanggang elementary pati highschool,nagkagusto si Evan sakaniya kaya sinimulan ko nang ligawan si Princess at pinagtapat yung matagal ko ng kinikimkim nagulat pa ko non ng sabihin niya na mahal din daw niya ako"

"Napakasaya!!hindi ko maipaliwanag yung saya na nararamdaman ko sa mga nakalipas na araw na naging kami napakamaalaga,maaalalahanin,napakamagmahal,lagi siyang nakayapos sakin at paulit ulit niyang sinasabi kung gaano ako kamahal kaya sinabi ko sa sarili ko na 'hindi ko na papakawalan yung gantong klaseng babae' kahit malayo pa ay bumili ako ng engagement ring para pag graduate namin ng college magpapakasal na agad kami at bubuo ng masayang pamilya"ang masayang muka ni Sean ay unti unting nawala,napatungo siya at napapikit.

"Akala ko okay na ang lahat,i thought sumasang-ayon sakin ang kapalaran but i'm wrong hah!"may tumulong butil ng luha sa mata niya."Habang nakasakay kami sa kotse ko,pupunta kasi kaming mall para magdate pinilit ko siya noon kasi gusto kong manood kami nung bagong labas na movie kahit sinabi niyang ayaw niya dahil pakiramdam niya daw ay may masamang mangyayari pero dahil ako tong si makulit pinilit ko parin siya hanggang sa pumayag siya"tumingala siya habang hinahayaang dumausdos pababa ang luha sa mata niya,pinunasan ko ang luha sa mata ko at pinigilan ang hikbi parang alam ko na kasi ang mangyayari.

"Habang nagdadrive ako ay sumusulyap sulyap ako sakaniya na nagcecellphone tumingin siya sakin at ngumiti ng malapad duon bumilis ang tibok ng puso ko kaya ngumiti din ako,parang islowmo lahat sa paningin ko..yung dahan dahang pagtingin niya sa kalsada at ang panlalaki ng mata niya"

"Tumingin din ako at nakita kong babangga kami sa isa pang kotse na mabilis magpatakbo agad akong niyakap ni Princess at binulong na 'i-i love you'"humikbi si Sean kaya hindi ko mapigilang humikbi habang nakatakip ang muka ko ng palad ko.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now