30: The Love Interest

Start bij het begin
                                    

"Si Josef ba ang nagturo sa 'yong pumasok sa bahay nang may bahay nang walang pahintulot?" sarcastic na tanong ni Laby.

"Ayokong sayangin ang oras sa pagpunta ko rito. Gusto ko lang-" Napahinto si Max nang makita ang napakaraming benda at bulak na puno ng dugo na nasa paanan ng kama at sa bedside table.

"What do you want? Say it. Wala akong time para sa 'yo," naiinis na sinabi ng babae.

Dahan-dahang tumalikod si Max at nakataas ang kilay nang tingnan si Laby. "Anong ibig sabihin niyan?" sabay turo sa mga nakita niya.

"Anong kailangan mo? Sabihin mo na."

Napabuga ng hangin si Max at nilapitan ang babae. Hinagod niya ito ng tingin at pinaikot para makita ang hinahanap.

"Ano bang ginagawa mo?" inis na sinabi nito.

Wala namang problema ang binti nito kaya malamang na nasa upper body ang problema.

Tinanggal ni Max ang unang butones ng damit niya kaya tinabig niya agad ang kamay nito.

"Ano ba?!" Kinuyom niya agad ang damit para pigilan si Max sa paghubad sa suot niya.

"Bakit? Natatakot ka?" mahina ngunit seryosong tanong ni Max. "'Wag kang mag-alala, wala akong gagawing masama."

Inalis ni Max ang kamay ni Laby sa damit at itinuloy ang pagtanggal ng butones ng suot nito.

Wala namang pakialam si Max kahit bumungad sa kanya ang katawan ng babae. Kung wala namang malisya, wala rin namang mangyayari.

"Why are you doing this?" pigil nitong tanong.

Walang isinagot si Max, sa halip ay itinalikod niya si Laby nang walang makitang problema sa harap. Doon ay bumungad sa kanya ang kaliwang parte ng likod nito, sa bandang balikat, na nangingitim na at may butas sa gitna. Napakunot agad ang noo niya dahil alam niyang tama iyon ng bala.

"May nangyari ba?" galit na tanong ni Max.

"Ano bang kailangan mo? Diretsahin mo na 'ko para matapos na 'to."

"Anong nangyari dito? Saan mo 'to nakuha?" tanong ulit ni Max, at hindi na naisip pa ang tunay niyang pakay.

"None of your business." Hahatakin na sana ni Laby ang damit para takpan uli ang katawan kaso pinigilan siya ni Max.

"Pumunta ka na ng ospital?"

"Hindi na kailangan. Mahuhuli ako kapag pumunta ako ro'n." Sapilitan niyang isinuot ang damit at naglakad papunta sa kama.

"Nandyan pa rin ba yung bala?" alalang tanong ni Max.

"Wala na." Naupo siya sa higaan at kinuha ang phone na nasa may nightstand.

"Sinong nagtanggal? Nanghingi ka ba ng tulong?"

"Hindi ako puwedeng manghingi ng tulong. Saka kaya ko ang sarili ko, sanay na 'ko."

"Nababaliw ka na ba?! Gusto mo na bang mamatay?!" galit na sigaw ni Max.

"Gusto ko na, pero hindi pa puwede," hopeless na sinabi ni Laby. "Kung wala kang balak sabihin ang pakay mo, puwede ka nang umalis. Hindi ko kailangan ng awa mo."

"Tsk!" Sandaling hindi nakapagsalita si Max at tinitigan na lang ang bandang likod ng pakay niya. "Kumain ka na?"

"Hindi ako gutom."

"Hindi ka gutom o wala kang makain?"

"You hate me, right? What's with the concern all of a sudden?"

Isang malalim na pagbuntonghininga na lang ang nagawa ni Max. Napailing na lang siya at tiningnan ang buong apartment.

Maliit lang iyon, sinlaki ng kuwarto niya. Ang sala at kuwarto, iisa na lang. Tatlong hakbang lang ang layo ng kama sa kusina. Hindi ganoon kalaki ang espasyo ng banyo. May isang maliit na mesa katapat ng kitchen sink at dalawang upuan. Puting pintura lang ang nagpapalawak ng lugar at ang asul na kurtina sa nag-iisang bintana.

Secrets of the Malavegas (Book 7)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu