Deadly Music - Chapter 15

1.1K 54 0
                                    

Matuling lumipas ang mga araw.

Sa tulong ni Esmeralda ay napigilan ang napipintong kamatayan nung apat na babae.

Galit na galit ang demonyo.

Lalo na nung tuluyan ng mawala ang bisa nung musikang may kaakibat na kamatayan.

Inorasyunan na kasi ni Esmeralda ang gitara.

Binalot nya pa iyon ng mahiwaga at kulay puting animo kristal na pansalag.

Iyon ang pananggalang ng gitara upang hindi na ito magamit pa ng Diyablo sa paghahasik ng kasamaan sa mundo.

Natuwa naman si Amanda nung muling tumahimik ang buhay nya.

Hindi na sya lumalabas ngayon ng alas tres ng madaling araw upang tumugtog.

Ang gitara nya ay simpleng gitara na lamang ngayon.

Nawala na ang sumpa doon.

Natigil na rin ang patayan.

...

Samantala...

Tahimik at payapang natutulog si Matilda sa kanyang magarang kwarto.

Maya-maya'y bigla na lang syang naalimpungatan.

Naging maalinsangan kasi ang gabi.

Dali-dali syang tumayo at itinodo ang ang aircon.

Pero ganun pa rin.

Parang lalo pa nga syang sinisilaban sa sobrang init.

Takang-taka sya sapagkat hindi naman summer ngayon.

Pagkatapos ay nakatodo pa ang temperature ng AC ng kwarto nya.

Bigla syang kinabahan nung maisip na baka nasusunog na ang kanilang bahay.

Dali-dali syang lumabas ng kwarto at tiningnan kung may apoy o usok sa loob ng kabahayan.

Pero wala syang nakita.

Wala rin syang naaamoy na nasusunog.

Agad syang bumalik sa kanyang kwarto.

Tagaktak na ang pawis nya ngayon.

Para na iyong gripo sa lakas ng pagtulo.

"Aaaaaah... Punyetaaa..." Pagmumura nya.

Naiinis na talaga sya at nag-uumpisa ng mairita.

Nakatutok na sya sa aircon pero sige pa rin ang pagpapawis nya.

Hinubad na rin nya ang robang suot.

Tanging manipis na kamison na lang ang natira pero init na init pa rin sya.

Maya-maya...

"Kamusta Matilda?"

Malakas at dumadagundong na boses na um-echo sa loob ng silid nya.

Bigla syang natigilan.

"S-sino ka?" Tanong nya habang palinga-linga ang ulo.

"Ang bilis mo naman makalimot Matilda. Bwahahahahaaa..."

Sagot nung nakakatakot na tinig.

Pati ang pagtawa nito ay nakakangalisag-balahibo.

"Sino ka sabi eh? Nasaan ka? Magpakita ka!" Inis pero may halong takot na sambit nya.

Sige ang ikot nya pero nag-iisa pa rin sya sa kwarto.

"Andito ako Matilda. Sa likod mo."

Sagot nung tinig.

Dahan-dahan naman syang lumingon.

ESMERALDA Book 2Where stories live. Discover now