Niño - Chapter 4

1.2K 56 0
                                    

"Sabihin mo sa akin kung anong nangyayari sa loob? Utang na loob miss... Magsalita kaaa!" Sambit ni Lando.

"Hindi ko po alam eh. Papasukin nyo po ako para malaman po na naten." Sagot nung nurse.

Binitiwan naman ito ni Lando.

"Jusko! Ano kayang nangyayari sa loob? Bakit ang dami na nila?" Takot na tanong ni Elma.

Lalo namang nagpanic si Lando.

Nanginginig na ang kamay nya sa nerbiyos.

Paroo't parito na sya.

Hindi na nya malaman ang tamang gagawin.

Hanggang sa lumabas ulit yung nurse na nakausap nya kanina.

"Sir pasok po kayo dito..." May pagmamadaling sabi nito.

Agad namang sumunod si Lando.

Pagkapasok nila sa loob ay agad syang kinausap nung isang duktor.

"I'm sorry to tell this but your wife and son are in danger right now. But we'll do our best we can to save them. I just want to inform you the possibility that we might lose the child." Sabi nito.

Nahintakutan naman si Lando sa nrinig.

"H-hinde... D-doc hindi pwedeng mangyari yon. A-ano po talaga ang nangyayari?" Kinakabahang tanong nya.

"I'm sorry. There is no assurance for your son's life. We have no time. Excuse me." Malungkot na sabi nung duktor.

Pagkatapos ay iniwan na sya nito at nagmamadali na itong bumalik kay Eda.

Nahintakutan naman si Lando sa mga narinig mula sa duktor.

"H-hinde. Hinde." Paulit-ulit na sambit nya.

At nung tangkain nyang sundan ang duktor ay inawat agad sya nung nurse.

"I'm sorry sir pero hindi po kayo pupuwede doon." Sabi nito.

Walang nagawa si Lando kundi ang maghintay sa likuran.

Abut-abot ang panalangin nya.

Umiiyak na sya habang nagdadasal ng mataimtim para sa kaligtasan ng mag-ina nya.

May pagmamadali naman sa kilos ng mga duktor at nurse na umaalalay.

At dahil unconscious na si Eda, sinesaryan (caesarean) na sya upang mailabas ang bata.

...

Makalipas ang mahabang oras...

Isa-isa ng nag-aalisan ang mga nurse na nakapalibot kay Eda.

Naka-abang pa rin si Lando sa likuran.

Gusto na sana nya lumapit ngunit hindi pa sya binibigyan ng go signal.

Maya-maya ay nakita nya yung isang duktor.

Hawak nito ang anak nila ni Eda.

Muli syang napaluha sa sakit nung makumpirmang wala na nga ito.

Ni hindi man lang nya narinig ang una nitong pag-uha.

"Diyos koooo... Huhuhuuu..." Sambit nya.

At hindi nya namalayang humahakbang na sya papalapit sa duktor.

"Here's your son. I'm very sorry for your loss." Malungkot na sabi nito.

Matapos nitong ibigay sa kanya ang sanggol ay tinapik sya nito ng dalawang beses sa balikat.

Muling umagos ang masaganang luha mula sa mga mata nya nung masilayan ang anak---

Ang kauna-unahang anak nila ni Eda

ESMERALDA Book 2Where stories live. Discover now