Blackie - Chapter 5

1.3K 59 0
                                    

Halos mapigtas na ang kadena ng bike sa bilis ng pag-pedal ni Jommel.

Nagmamadali kasi talaga sya.

Nag-aalala kasi sya kay Apple.

Pero pagkarating nya ng tulay ay may biglang humarang sa kanyang itim na van.

At dahil mabilis ang takbo nya, hindi sya nakapag-preno kaagad.

Sumemplang sya at nagpagulong-gulong sa kalsada.

Bumaba naman ang mga sakay ng van.

"Hello lucky man. San ka nanggaling huh? At san ang punta mo ngayon? Hinahanap mo ba si--- (Pause) Ahahaaaa... Hahahaaa..." Nakangising tanong ni Byron.

"Ahh... Araaaay..." Daing naman ni Jommel habang hawak ang siko at tuhod na inaagusan na ngayon ng dugo.

Sige naman ang tahol ni Blackie.

Nasa gilid ito ni Jommel at nanlilisik ang mata ngayon kay Byron.

Nakaporma pa ito na animo handang-handa sa pagsugod anumang sandali.

"Gusto mo bang malaman kung sinong kasama namen?" Tanong ni Byron sabay senyas sa isang kasama nito na buksan ang sasakyan.

Agad namang tumalima yung lalaking inutusan.

At nagulat si Jommel nung buksan nito ang pintuan ng van.

"Apple?!" Sambit nya nung makita ang nobya na nakaupo sa loob ng sasakyan.

Kumabog yung dibdib nya nung mapansing tulala ito at parang wala sa sarili.

Pinilit nyang tumayo.

Pagkatapos ay iika-ikang pinuntahan ang nobya.

Nakamasid naman si Byron baon ang ngising animo sa isang demonyo.

"Pol? (Pause) Apple..." Sambit ni Jommel habang hawak ang kamay ng nobya.

Hindi ito sumagot pero tiningnan naman sya nito.

At ganun na lang yung takot nya nung pumatak ang luha nito.

"Tang-ina nyoooo! Anong ginawa mo kay Apple?" Galit na sigaw ni Jommel.

"Hulaan mo gago! Hahaha..." Sagot ni Byron sabay tawa ng nakakaloko.

"Tang-ina mooooo..." Muling sigaw ni Jommel sabay sugod kay Byron.

Nagsuntukan silang dalawa.

At dahil may iniindang sugat si Jommel, hindi sya gaanong nakalaban.

Nadehado sya.

Pero nung kubabawan na sya ni Byron, nanugod na si Blackie.

Sinakmal nito sa kamay si Byron.

"Aaaaaaah... Putang-ina mo kang aso kaaaa!" Hiyaw nya.

Kahit naka-maong jacket sya ay ramdam nya ang pagkakabaon ng pangil sa balat nya.

Gigil na gigil naman si Blackie.

Iwinawasiwas talaga nito ang kamay na kagat-kagat.

Agad namang kumilos ang isa sa mga kasama ni Byron.

Matapos nitong makahanap ng kahoy ay sinugod na nya yung aso.

Nakita naman iyon ni Jommel.

Bigla syang nag-alala para sa asong nagtanggol sa kanya.

"Blackiiiiiiiie..." Sigaw nya.

Pinilit nyang bumangon upang masaklolohan ang aso.

At dahil sa pagtawag nyang iyon ay naalerto naman si Blackie.

ESMERALDA Book 2Where stories live. Discover now