Blackie - Chapter 1

2.3K 74 3
                                    

"Jommel anak... Gising na. Baka ma-late ka na." Sabi ni Glory habang niyuyugyog ang anak.

"Uuuuungh..." Pag-ungol ni Jommel.

Sunud-sunod na tapik sa balikat ang nagpagising sa natutulog nyang diwa.

"Bangon na!" Sabi ni Glory.

Iinot-inot namang tumayo si Jommel.

Pikit ang matang naglakad sya palabas at nagtungo ng CR.

Sabagay saulado naman nya ang daan papuntang banyo.

Paglabas ng kwarto ay kakaliwa lang tapos dere-derecho na.

Pagkatapos namang tupiin ni Gloria ang kumot na ginamit ng anak ay inayos na nya ang kama nito.

Biibit ang twalyang lumabas sya ng kwarto at sinundan ang anak sa banyo.

"Nak twalya o. Sabit ko na dito ah." Sabi nya.

Matapos nya iyong isabit sa door knob ay tumungo naman sya sa kusina.

Nagtimpla sya ng dalawang tasang kape pagkatapos ay naupo na sya at hinintay ang anak.

Paglabas ni Jommel galing banyo ay dumerecho naman sya ng kusina.

Umupo sya sa tapat ng nanay nya.

"Bakit ako lang po ang kakain? Kayo?" Tanong nya habang naglalagay ng fried rice at sunny side up egg sa plato nya.

"Kape lang ako 'nak. Mamaya na siguro ako kakain." Sagot ni Glory.

"Okay po. Kain po tayo..." Alok nya sa ina pagkatapos ay sumubo na sya.

"O baon mo. Baka makalimutan mo na naman." Nakangiting sabi ni Glory matapos nyang ilapag sa harapan ng anak ang perang baon nito.

Madalas kasing makalimutan ng anak na humingi ng baon.

Minsan naman, nasa lamesa na nakakalimutan pa rin nitong kuhain.

"Thank you Nay." Sabi ni Jommel.

...

Ganun palagi ang routine nilang mag-ina tuwing umaga kapag weekdays.

Alas kwatro pa lang ay gising na si Glory.

Pagkatapos nyang maghanda ng almusal ay saka pa lang nya gigisingin ang anak.

Alas singko y media umaalis ng bahay si Jommel para pumasok sa eskwela.

Ganung oras din sya nagbubukas ng tindahan.

Second year college na si Jommel pero asikasong-asikaso pa rin nya ito.

Dadalawa na lang kasi sila ngayong magkasama sa bahay.

Ang iba pang anak na sina Jerika, Jhun at Jessie ay may mga asawa na at sa malayo na nakatira.

Si Edilberto naman, ang asawa nya ay pumanaw na limang taon na ang nakakaraan.

Ang tindahan nya ang bumubuhay ngayon sa kanilang mag-ina.

Dun sya kumukuha ng panggastos sa lahat ng bayarin nila at gastusin sa araw-araw.

Kagaya ng tubig, ilaw, bigas, pang-ulam sa araw-araw, baon ng anak. Etc. Etc.

Maliit lang ang tindahan nyang iyon pero punung-puno iyon ng laman.

At malakas iyon kumita kaya nakaka-ipon sya ng limandaang piso pataas sa isang araw.

...

"Nay pasok na po ako." Paalam ni Jommel sa inang kasalukuyang nagbubukas ng bintana ng munti nilang tindahan.

ESMERALDA Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon