Blackie - Chapter 11

1.2K 59 1
                                    

Makalipas ang kulang isang oras...

Katatapos lang sabihin ni Esmeralda ang pakay kay Glory.

Naipaliwanag na rin nya dito ang lahat ng kababalaghang nangyayari sa anak at kay Blackie.

Gaya ng inaasahan, napatda ito sa mga narinig.

At katulad nila Lito, Danica at Nico, hindi rin ito makapaniwala sa kanyang mga nalaman.

Tumahip ng husto ang dibdib nya sa sobrang kaba.

At lalo syang inalipin ng takot sa huling sinabi ni Esmeralda...

"Nagbubunyi na ang demonyo Ate Glory. Labis nitong ikinalulugod ang ganoong uri ng mga gawain. Yung masasama, yung paghahasik ng lagim. At ngayong gabi, kapag hindi pa nakabalik si Jommel sa katawang lupa nya--- Tuluyan na syang mamamatay Ate Glory. Tuluyan nang magpapagala-gala ang kaluluwa nya sa mundo natin. At gagamitin sya ng demonyo upang ipagpatuloy ang nasimulan nyang pagpatay."

"A-anong gagawin ko? Sabihin mo Esme. Huhuhuuu... Ayokong mawala ang anak ko. Ayoko syang mamatay. At lalong ayoko syang tuluyang malasama. Huhuhuuu... Pakiusap, sabihin mo sa akin kung ano ang nararapat kong gawin. Pakiusap..." Pagsusumamo nya.

"Kailangan natin syang makausap. Sa ospital--- (Pause) Naroon sya ngayon." Sabi ni Esme.

Agad nga silang nagsipuntahan sa ospital.

Wala silang inaksayang sandali.

Si Blackie ay itinali muna nila sa loob ng bahay upang hindi ito magamit pa ni Jommel.

...

Samantala sa ospital...

Kanina pa pinipilit ni Jommel na bumalik sa katawang-lupa nya.

Namimiss na kasi nya si Apple.

Gusto na nya itong mahawakan sa kamay...

Mahaplos ang makinis at malambot na pisngi...

Gusto na rin nya itong mayakap...

Yung mahigpit na mahigpit.

At higit sa lahat, gusto na rin nya itong mahalikan sa labi...

Yung matagal...

Yung marubdob...

Pero kahit anong gawin nya ay ayaw pa ring pumasok nung kaluluwa nya sa katawan nya.

Naka-ilang higa na sya.

Pero sa tuwing babangon sya ay naiiwan pa rin yung katawan nya sa kama.

Naguguluhan na sya.

At nag-uumpisa na syang makaramdam ng takot.

Pumasok pa sa isip nya na baka patay na sya at aparato na lang ang bumubuhay sa katawang-lupa nya.

Hindeee... Hindeee...

Paulit-ulit na sambit nya.

Naka-ilang iling rin sya.

Hindi nya iyon matatanggap.

Hindi sya makapapayag na mawala sya sa mundo ng ganun-ganun lang.

Muli nyang sinubukan na pag-isahin ang espiritu at ang katawan nya.

Nag-concentrate sya.

Pero wala pa rin.

Ganun pa rin.

Aaaaaaaah... Huhuhuuu...

Sigaw at pag-iyak nya.

Kaluluwa lang sya pero nakaramdam sya ng pagod.

ESMERALDA Book 2Where stories live. Discover now