Niño - Chapter 8

1.2K 53 0
                                    

Matuling lumipas ang mga araw.

Ang pagiging pasaway ni Junior ay unti-unti ng nakakasanayan nila Eda at Orlando.

Maging ang mga taong nasa paligid nila ay nasanay na sa ugali nito.

Ang mga kalaro naman nito ay binansagan na itong pasaway.

At sabi ng mga ito hindi daw bagay dito ang pangalang Niño.

Kasi mabait daw si Sto. Niño. Sya naman, salbahe.

Ang dapat daw na itawag sa kanya ay Monyo. Pina-ikling demonyo.

At ang pang-asar nila dito---

Demoniño...

At dahil malaki na ngayon si Junior, grade two na ito, ay mas lalong grumabe ang ginagawa nito.

Pati sa school ay nagpapasaway din ito.

Palagi tuloy ipinapatawag si Eda sa guidance office.

Hiyang-hiya ito sapagkat isa syang dating guro.

Pero ang lumalabas, sarili nyang anak, nag-iisa pa, pero hindi nya madisiplina ng maayos.

...

Sabado.

Walang pasok.

As usual na nasa labas na naman ng bahay si Junior.

Kahit kase pagbawalan ito ay lumalabas pa rin talaga ito.

Pasaway nga.

Kakatapos lang isampay ni Eda ang mga nilabhan nyang damit.

Napagod sya ng husto sapagkat tambak yung nilabhan nya ngayon.

At dahil wala pa naman syang gagawin ay nagrelax-relax muna sya.

Nahiga sya sa sofa habang nanonood ng tv.

Maya-maya ay biglang nagsipasukan ang mga bata sa pinto nila.

"Ate Eda... Ate Eda si Niño po..." Halos sabay-sabay na sambit ng mga ito.

"O, ano namang ginawa mo?" Tanong ni Eda sa anak na nasa likuran ng mga batang nagsusumbong.

Pagkatapos non ay napatingin sya kay Tony na humihikbi na ngayon.

Halatang nasaktan ito at kanina pa umiiyak.

"Hinampas po ni Niño si Tony ng notebook sa ulo." Sabi nung isang bata.

Napa-punyeta si Eda sa narinig. Pero pabulong lang naman.

Pagkatapos non ay umahon na ang dibdib nya sa galit.

Sumige naman ang mga bata sa pagsusumbong.

Umupo na sya upang maintindihan nya ang sinasabi ng mga ito.

At ayon nga sa mga ito hindi lang daw isang beses pinalo ni Junior ang ulo ni Tony kundi maraming beses pa.

Naglalaro lang daw ang mga ito ng teacher-teacheran.

Maya-maya ay inasar daw ni Tony si Junior.

Tapos etong junior, napikon naman.

Kaya ayun pinaghahampas daw nito ng notebook si Tony sa ulo.

Tinitigan ni Eda ang anak.

At lalo syang na-highblood dahil muka itong guilty.

Hindi man lang ito umalma.

Hindi man lang nito pinabulaanan ang mga isinumbong ng mga kalaro.

Ibig sabihin totoo ang sinasabi ng mga ito.

ESMERALDA Book 2Where stories live. Discover now