Deadly Music - Chapter 6

1.1K 53 0
                                    

Kinabukasan ay parang tamad na tamad kumilos si Amanda.

Kanina pa sya bumangon mula sa higaan ngunit animo pa rin syang tulog dahil lawing pa rin ang diwa nya.

"Ang aga mo naman natulog kagabi ah. Pero bakit parang puyat ka?!" Tanong ni Sonia habang nagkakanaw ng kape.

Rest day nito ngayon kaya maaasikaso nito ang asawa't mga anak.

Hindi tumugon ang kausap nito.

Nanatili pa rin itong nakatulala at tagus-tagusan ang tingin.

"Anak... Kung hindi mo kayang magtrabaho, wag mong pilitin." Sabi nya.

Dun na nahimasmasan si Amanda.

"Po?!" Sambit nya.

"Amanda... Hindi ka namin pinipilit magtrabaho. Alam mo yan. Pero san---" Biting sambit ni Sonia.

"Hindi Nay. Kaya ko po. Sorry. Baka napasarap lang po ang tulog ko kase nga malamig." Sabi ni Amanda.

Hindi umimik si Sonia.

Pero pinag-aralan nya ang kilos ng anak.

"Nay ayos lang po ako. Promise. Ang sarap lang po talaga matulog ngayon."  Sabi nya.

"O sya, etong kape mo. Higupin mo na hangga't mainit. Para mainitin yang sikmura mo bago ka maligo." Sabi nito.

Agad naman nya iyong tinanggap.

Sinunod nya ang ina upang hindi na ito mag-alala pa sa kanya.

...

Samantala...

Nagulantang na naman ang magkakaibigan nung malaman ang sinapit ni Kyle.

Kay Ethan, co-band member din ni Greg, nagtext si Aubrey.

Gising pa sya non dahil may ginagawa syang kanta.

Nung mabasa nya ang mensahe ni Aubrey na---

Patay na si Kyle...

Ay agad nyang kinontak ang mga kaibigang sila Ponci at Dominic.

Madaling araw pa lang, alas kwatro pasado nung magsipuntahan sila sa pad ni Aubrey.

Hubo't hubad ang magnobyo nung datnan nila ang mga ito.

Tulala naman si Aubrey habang dinadamitan sya ni Cris, ang girlfriend ni Dominic.

Kumuha naman ng kumot si Ponci.

Tinakpan nito ang maselang parte ng katawan ni Kyle.

Si Ethan naman ang tumawag ng mga pulis.

"Ano bang nangyayari sa grupo naten?! Nung una si Greg. Sunod si Danilo. Nandun pa nga, nakaburol pa at hindi pa naililibing yung tao. Tapos ngayon si Kyle naman ang sumunod. Bakit ba? Ano bang problema?!" Sambit ni Ponci.

Napaupo na ito sa single sofa at napa-isip ng malalim.

Gusto sana nilang usisain si Aubrey, dahil ito ang huling nakasama ni Kyle bago magpakamatay.

Pero paano nila gagawin yon kung tulala naman ang babae. Hindi talaga ito makausap ng matino.

At nung dumating nga ang mga pulis ay sila ang tinanong ng mga ito.

Pero wala naman silang maibigay na impormasyon na syang magiging dahilan ng pagpapatiwakal ni Kyle.

At dahil sa nangyari ay napeste na ng tuluyan ang banda nila.

Napilayan iyon ng husto dahil tatlo na ang namatay.

Tatlo na lang silang natira, paano pa nga sila makakapag-perform?

ESMERALDA Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon